Chapter 24

5.4K 307 128
                                    

New life

Agad kong ibinigay sa kaniya ang hinihingi niya. Binuhat ko siya at pinaupo sa mataas na upuan saka ko inilapag ang isang baso na gatas sa harap niya. Tumitig sa akin nang malalim ang asul niyang mga mata saka bahagyang ngumiti.

"Thank you, Yaya Dessa," aniya.

Napangiti ako at umupo sa malapit na upuan sa kaniya. Nangalumbaba ako habang pinapanood siya.

"Gutom ka ba, Sir Azul?" tanong ko.

Tumigil siya sa pag-inom saka lumabi habang tila nag-iisip. Hindi ko mapigilan na mas mapangiti lalo dahil sa cuteness niya.

"Can I have scrambled egg and toasted bread?" magalang niyang tanong.

Agad naman akong tumango at tumayo na. Kumunot ang noo niya at itinaas ang mga kamay na tila natataranta.

"Sama po ako sayo."

Mahina akong napatawa bago siya kinarga ulit. Dinala niya ang gatas niya saka kami bumalik sa kusina. May counter top doon kaya pinili niya na doon umupo habang nagluluto ako ng gusto niya.

"Bakit ang aga mo naman magising, Sir Azul?" tanong ko habang nagluluto.

"I am hungry and I also heard that Tita Leonora came last night so I thought that you will be here. I am not wrong, though!" masigla niyang saad.

Tumango ako pero sa isip ay namamangha pa rin sa sobrang tatas niyang magsalita. Limang taon siya at ang mga nakasalamuha ko na ka-edad niya ay nabubulol pa rin samantalang siya ay kayang-kaya na mapa-English man o Tagalog. Napakatalinong bata.

Sa tatay 'to nagmana, sigurado ako. Halos mapaismid ako nang maalala ang nanay niya. Kung hindi lang talaga malaki ang utang ko sa kanila, matagal ko na 'yon ni-trashtalk.

"How long are you gonna stay here po, Yaya Dessa?" tanong niya.

Nilingon ko siya sandali at ang ekspresyon niya ay tila umaasa. Malamlam ang mga mata niya habang naghihintay sa akin. Napabuntong-hininga ako.

"Kung hanggang kailan trip ni Tita Leonora mo," saad ko.

Lumabi siya habang nakatitig sa akin. "I hope that my Mama would let you stay here again. I always miss you Yaya Dessa."

Nakagat ko ang labi at hindi na napigilan ngumiti. "Nami-miss din kita palagi, Sir Azul."

Inihain ko agad sa kaniya ang iniluto ko. Magana siyang kumain at mukhang masaya talaga.

"Miss ko rin luto mo, Yaya Dessa. I eat more when it is you who cooks my food," aniya bago kumagat sa tinapay.

Inilingan ko siya habang pinapasadahan ko ng daliri ang napakakapal at itim na itim niyang buhok. Lagi rin akong napapatitig sa mga mata niya. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya kaso nga lang parang hindi masyado pinag-isipan.

Parang napatingin lang sa kulay ng mata niya tapos ayon na.

"Lagi ka kumain nang marami, mamamayat ka kapag mamimili ka ng kakainin," saad ko.

Ngumiti lang siya sa akin. Hindi ko napigilan pisilin ang mamula-mula niyang pisngi na may iilan na freckles. Lalo lang tumitingkad ang mga detalye niya dahil sa maputi niyang balat.

Napakalapit talaga sa puso ko si Azul. Siguro ay dahil nakikita ko ang paglaki niya at matagal ko na rin siyang naalagaan.

Inaya niya ako sa sarili niyang kwarto. Ako ang pinag-brush niya ng ngipin niya kahit marunong naman siya. Sunod ay inihanda ko ang bathtub niya at doon ay naglaro siya habang pinapaliguan ko. Hindi ko mapigilan na makaramdam din nang saya dahil mukha siyang bata na matagal na hindi nakapagsaya, ngayon na lang ulit.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon