Chapter 37

7K 376 69
                                        

Scar

Hindi sila nagpakalasing. Ako naman ay pinatikim lang ni Poseidon at kusa na akong umayaw. Curious lang naman ako sa lasa. Nasabi niya sa akin na medyo lasinggera daw ako noon tapos mabilis naman malasing. Nakakahiya naman 'yon.

Kaya hindi na ako uminom dahil ayaw ko naman malasing lalo na't sa ibang bahay kami matutulog.

Kaniya-kaniya ang drive nila. Si Zeus ay mag-isa, si Evandro ay kasama si Nathalie tapos ako naman ang kasama ni Poseidon siyempre.

"Sa tingin mo, may pagkain sila pagdating natin do'n?" tanong ko sa boyfriend ko habang nagda-drive siya.

Napahalakhak siya at sumulyap sa akin saglit. "Baby, naubos mo ang pulutan, hindi ka pa busog?"

Uminit ang pisngi ko at bahagyang napalabi. "Gusto ko talaga may kanin! Pero huwag mo sabihin kay Zeus o sa asawa niya in case na gising pa. Nakakahiya naman nang slight!"

Umiling siya at may bahid pa rin ng ngiti sa labi. "Don't worry, they surely have food ready on their house. Juno is a bit grand so it's impossible that there's nothing to eat."

Totoo nga ang sinabi niya dahil pagdating namin ay agad kaming inanyayahan no'ng katulong doon na kumain. Si Nathalie at Evandro ay tumanggi na dahil nakapag-dinner daw sila bago pumunta ng bar. Kami rin naman ni Poseidon kaso gutom pa rin agad ako.

"Check ko lang mag-ina ko saglit," paalam ni Zeus at halos tumakbo patungo sa kung saan.

Ako naman ay tuwang-tuwa habang naglalakad kami ni Poseidon papunta sa dining area. Support naman siya sa akin at kakain daw siya para may kasabay ako.

"Ang sasarap, ah? Atsaka..." Inilibot ko ang tingin sa paligid. "Ang ganda ng bahay nila," komento ko.

Tumango si Poseidon at inasikaso ang paglagay ng pagkain sa plato ko. Fillet mignon iyon at naghanap talaga ako ng kanin dahil 'di ko trip ang nakalagay do'n na patatas pati asparagus bilang kapares. Kanin talaga dapat.

"As expected guys, my wife is already asleep. It seems like she's waiting for us dahil hindi pa rin siya nakasuot ng pantulog pero hindi na yata kinaya," saad ni Zeus na kadarating lang.

Umupo siya sa katapat ko na upuan saka nagsalin ng tubig sa kaniyang baso.

Nilunok ko muna ang pagkain na laman ng bibig bago tumango sa kaniya.

"Okay lang 'yon, hayaan mo na. Bukas na lang!"

Tumaas ang kilay niya. "Are you sure? She will be upset if I don't wake her up. She's excited to welcome you."

"Bakit hindi mo na lang ginising kung gano'n?" tanong ni Poseidon habang naghihiwa ng karne.

Sumimangot si Zeus. "Nakakatakot kaya 'yon kapag ginising sa gitna ng tulog niya."

Napangisi ako. "So, kahit ano'ng gawin mo, maiinis siya sa'yo?"

Tumango siya. "Nakuha mo! Ang lakas ng topak minsan ng reyna kong 'yon."

"Wake her up so we have something funny to watch," natatawang saad ni Poseidon.

Sinamaan lang siya ng tingin ng kaibigan. Natawa ako.

"Huwag na talaga, bukas na lang nang umaga."

Matapos kumain ay hinatid kami ni Zeus sa kwarto na para sa amin. Inaantok na humalik sa akin si Nathalie matapos niyang kumatok sa pinto. Natatawa lang si Evandro sa kaniya habang nakabuntot sa girlfriend niya.

May mga nakahanda ng mga gamit na kailangan namin sa kwarto. Mga toothbrush, toothpaste, sabon, shampoo, tapos fresh towels, unisex clothes, at mga roba.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon