Chapter 35

6.3K 361 64
                                    

Parents

Wala na akong kinuha sa mansion na tinitirahan ni Leonora. Ang sabi ni Poseidon ay siya na ang bahala sa mga kailangan ko. Kahit siya ay wala rin ibang dala kung hindi wallet at cellphone lang niya pati ang kotse na kaniyang minamaneho. Diretso na kami sa airport.

Kumain muna kami bago ang flight at nang pumunta na kami sa eroplano ay napagtanto ko na ginamit nga talaga niya ang koneksyon sa kaibigan niya na si Zeus. Hindi na kami dumaan sa mahahabang proseso. May sumalubong lang sa amin at inescort kami papuntang eroplano. Sabi ni Poseidon ay may-ari daw ng airline ang pamilya ni Zeus.

"Are you hungry?" mahinang tanong sa akin ni Poseidon habang nasa eroplano na kami.

Natatawa akong umiling. "Kakakain lang kaya natin!"

Ngumiti siya nang bahagya at hinaplos niya ang pisngi ko. "Well, as far as I remember, you love eating so much."

Nagkibit ako ng balikat. "Siguro nga kasi gano'n pa rin ako ngayon. Pero bakit ang payat ko? Dati rin sa mga picture natin payat din ako," saad ko.

Tinitigan lang niya ako at sa loob ng mga sandaling 'yon ay hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Bumuntong-hininga siya at kinabig ako para yakapin at halikan.

"Your body is perfect. If you want to improve it, I am here. Kahit anong gusto mong pagkain, ibibigay ko sayo. You will never experience hunger and suffering again with me, Salacia. I will make sure of that," seryoso niyang sinabi.

Mahina akong natawa. "Nagugutuman ba ako dati? Paano ba tayo nagkakilala? Siguro pumayat lang ako kasi sa yaman ba naman namin, for sure, never akong nagutom at nahirapan. Teka..." nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Naguguluhan ako sa nakaraan ko, hindi ko mapagtagpi-tagi kahit kaunti."

Tinitigan niya ako at ilang segundo ay tila mukha siyang nahihirapan. Pumikit siya nang mariin at hinalikan ako ulit sa noo. Nang magkatitigan kami ay nginitian niya ako nang tipid.

"We will talk about that soon. For now, gusto ko sana ay maging masaya ka lang," aniya.

Kumunot ang noo ko at napalabi sandali ngunit tumango na rin. Napahikab ako nang marahan niyang itinulak ang ulo ko pahiga sa dibdib niya.

"Okay, sabagay, pagod din ako. Saglit lang ba ay nasa Manila na tayo?" tanong ko.

Naramdaman ko ang pagtango niya. "Yes. It is just a short flight."

"Paano pala ang kotse mo?"

"I have cars in Manila but if I want to get that, I can tell Colt to put it in one of our cargo ships."

Mabagal akong tumango at hinayaan na ang sarili na mapapikit.

Ilang minuto lang akong natulog ay nasa Manila na agad kami. May sumundo sa amin na sasakyan at bongga pa kasi may driver na suit and tie ang uniform.

"To the Ambrosio tower, Luke," saad ni Poseidon nang nasa loob na kami ng kotse.

Tumikhim ang lalake na mukhang nasa early 30's na. Mukha siyang sobrang pormal at presentable. Nahiya naman ang suot ko na pambahay lang.

"Madam Atlana is expecting that you'll be there..."

Umiling si Poseidon at inakbayan ako. "Tell her that we will be there tomorrow instead. Salacia needs to rest."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. "Okay lang naman ako Poseidon? Sino ba 'yon? Baka kailangan mo pumunta ngayon," saad ko.

Tinitigan niya ako at tinaasan ng kilay habang may pigil na ngiti. "Well, are you ready to meet my parents now?"

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon