Chapter 34

5.7K 334 78
                                    

Home

Umalis si Colt dala si Nanay Austria. Ang sabi sa akin ni Poseidon ay ipapa-check up niya ang matanda at tutulungan siya sa mga pangangailangan niya. Laking pasasalamat ko 'yon sa kaniya. Hindi ko man maalala ang dati kong tagapag-alaga, nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya. May edad na siya ngunit sa tingin ko ay hindi dapat sa kaniya nangyayari 'yung halos 'di na siya makalakad.

"Manong, pinapasunod po ako ni Ma'am Leonora. Ito po 'yung boyfriend niya," saad ko nang ibinaba ni Poseidon ang bintana ng kotse at sumilip ang guard.

Nakita ko ang marahas na paglingon sa akin ni Poseidon at nang sulyapan ko siya ay masama ang tingin niya sa akin.

Sumaludo ang guwardiya. "Ay, ikaw pala 'yon, Sir? Sige, Dessa. Nasa mansion na si Ma'am Leonora kanina pa."

Malaki ang ngiti ko sa kaniya at kinawayan siya. "Salamat po, Manong!" saad ko bago tumaas ulit ang salamin ng bintana.

Napawi ang ngiti ko saka pabagsak na sumandal sa upuan. Kinabahan ako. Akala ko hindi kami makakapasok. Mabuti na lang friendly ako sa mga tauhan dito sa mansion kaya ngayon, nagamit ko 'yon. Mahigpit kasi sila magpapasok.

"What's that? Why did you tell him that I am Architect Leonora's boyfriend?" seryosong tanong ni Poseidon.

Nilingon ko siya. "Siyempre, para hindi magtakha kung sino ka. Mabuti na lang at pinagkakalat niya rin 'yon sa lahat," nangingiti kong saad.

Kumunot ang noo niya at pinaglapat nang mariin ang mga labi. Sunod ay napailing.

"Well, hindi ko kaya sabihin na girlfriend ka ng iba, Salacia. How come that is easy for you to tell?"

Napairap ako nang malala. "Seryoso much ka, Poseidon?"

Hindi siya umimik at gumalaw lang ang panga. Napailing ako saka napairap ulit.

"Okay, sorry. Boyfriend kita, okay? Hindi kay Leonora." Tinignan ko siya. "Sa akin. Akin ka," saad ko.

Sumulyap lang siya sa akin at tumutok rin agad sa daan. Pero kitang-kita ko sa kibot ng labi niya na pinipigilan niya ang mapangiti. Napangisi ako at tumitig na rin sa daan.

Napakapabebe ng lalake na 'to.

Mahaba ang pathway papasok sa gate ng mansion. Ilang metro muna 'yon tapos madadaanan na 'yung guard house kanina bago makadaan sa gate. Tapos ilang metro na naman ang tatahakin bago makita ang mansion.

Nawala na ang ngiti ko nang makita ang malaking fountain sa harap ng mansion. Nakahilera din ang napakaraming sasakyan na pag-aari lang ng mga Figueroa. Iba't ibang klase 'yon at ang iba ay 'yung mga limited edition pa.

Nag-enjoy ka ba Farrah sa mga pag-aari ko?

Ipinark ni Poseidon ang kotse niya sa napakalawak na parking area. Tinanggal ko na agad ang seatbealt ko.

"Ako na lang ang papasok, Poseidon," seryoso na saad ko.

Nagkatitigan kami at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Are you sure?"

Tumango ako. "Oo naman. Kaya ko 'yon."

Bumuntong-hininga siya. "Okay. But if you take longer than what I expect, I'll go inside. Is that okay?" mahinahon niyang tanong.

Agad akong tumango. Hinawakan niya ako sa pisngi saka ako kinabig para halikan sa noo. Napapikit ako at tinanggap ang ginhawa na hatid noon. Kahit papaano ay napakalma ako noon.

Alam kong pinapanood ako ni Poseidon habang naglalakad papasok sa mansion. Huminga ako nang malalim at hindi na napansin ang mga bumati sa akin na kasambahay. Mabilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba o takot.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon