Pace
Hindi ako makapaniwala na sa loob ng limang taon ay walang nangyaring kakaiba sa buhay ko at nasanay na ako sa bagong pagkatao. Tapos ngayon, mabilis ang pangyayari at tila nayanig ang mundo ko. Malaki ang tsansa na hindi iyon lahat totoo.
Sinasabi ni Poseidon na hindi ako si Dessa, kung hindi ay si Goddess Salacia Figueroa. Katulad na katulad sa pangalan na nakasulat sa pader doon sa basement.
Kung ako nga 'yon, ano ang koneksyon ko kina Señorita Farrah? Apelyido pa lang ay masasabi ko nga na magkamag-anak kami. Ibig sabihin ba, pati ang pagiging katulong ko sa kanila mula no'ng bata ako ay hindi totoo? O inampon ba nila ako at napagtanto na ayaw na nila sa akin kaya ginawa akong kasambahay?
Ang daming nabubuo na kuro-kuro sa utak ko at kahit isa ay hindi ko tinanggap para hindi na magkaroon ng komplikasyon. Hihintayin ko ang patunay ni Poseidon pati na rin ang resulta sa pagpapa-imbestiga niya sa mga Figueroa.
"Dessa, nasa gate daw si Samuel. Aalis ako, huwag mo papasukin 'yon dito tapos gagawa kayo ng milagro, ha? Maraming motel sa paligid, huwag niyo dungisan ang mansion," saad ni Ma'am Leonora na kababa lang sa may hagdan.
Ayos na ayos siya at grabe kung umatake ang pabango. Parang buong pagkatao niya ang nilagyan niya ng perfume. Bumuntot ako sa kaniya hanggang sa entrada ng mansion.
"Hindi ko naman talaga 'yon papapasukin. Diyan lang kami sa frontyard," nakangiwi kong saad habang iniisip bakit pa ba siya pumunta rito.
Inirapan niya ako. "Basta. Tapos maglinis-linis kayo kasi baka may mga bisita tayo mamaya. Jowa ko at workmates niya," aniya saka napangisi.
Nakagat ko ang labi at halos mapangiti rin sa ideya na darating si Poseidon mamaya. Hindi ko mapigilan makaramdam ng saya na makikita ko nga siya.
"Baka may magkagusto sayo ro'n, doon ka na lang mamili tapos hiwalayan mo na si Samuel," halos isigaw niya 'yon bago tuluyang sumakay sa van na naghihintay sa kaniya.
Napailing-iling ako. Paglabas ng van ay siya namang pagpasok ng pamilyar na pulang kotse. Bumuntong-hininga ako at pinanood ang paghinto no'n, sunod ay ang paglabas ni Samuel. May bitbit siyang isang bungkos ng mga bulaklak, halong pulang rosas at sunflower. Sa isang kamay ay may hawak siya na malaking plastic.
"Hi, babe. Good morning," bati niya saka ako hinalikan sa noo.
Napakurap ako at pilit na ngumiti. "Good morning, Samuel," bati ko.
Pinasadahan niya ako ng tingin at lalo siyang napangiti. "You look beautiful, as always," aniya.
Natawa ako saka hinawi ang buhok. "Siyempre," saad ko.
Inilahad ko ang kamay sa may porch. Hindi kami pwede sa frontyard dahil medyo mainit na at walang bubong doon. Buti roon ay kasama pa rin sa bubong ng mansion at may mesa pati mga upuan pa.
"Don't you wanna hangout with me in your room," tanong niya. Itinaas niya ang dalang plastic. "I have a lot of foods here and mas komportable siguro doon?" aniya saka ngumiti.
May sarili akong kwarto sa mansion na 'to. Maliit lang pero maayos naman, may kama, at mga lagayan ng damit. Desente na bilang tulugan.
Agad akong umiling. "Doon na lang tayo sa porch, Samuel. Hindi ako komportable na tayong dalawa lang," saad ko at bahagyang ngumiti.
Napakurap siya na tila 'di inaasahan ang sinabi ko. Nanatili ang ekspresyon ko para ipakita sa kaniya na hindi magbabago ang desisyon ko. Tila napipilitan siyang tumawa saka tumango.
"Alright, that's fine. Whatever you like," aniya.
Sumunod siya sa akin doon sa porch at inilapag ang plastic na dala. Iniabot niya sa akin ang bungkos ng mga bulaklak. Nagpasalamat ako saka tinignan 'yon habang dahan-dahan na umuupo. Nagagandahan ako sa mga kulay dahil lalo nilang pinatingkad ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...