Drowned
Ilang araw ng wala si Poypoy ko. I don't know if I am overacting or what but I cry everytime I remember him. Humihikbi na inabot ko ang cellphone sa bedside cabinet saka mabilis na tinawagan siya. Kagigising ko lang pero hinahanap ko na agad siya.
But it seems like he's busy. Hindi niya nasasagot ang tawag ko sa kaniya. Sinubukan ko tawagan ang number sa office niya na binigay niya rin sa akin but it directed me to the voicemail.
"Poypoy, miss na miss na kita at ang hotdog mo. Umuwi ka na sa akin," paos kong saad at tinapos na agad 'yon.
I pushed myself to stand. Wala akong ganang kumilos at medyo nahihilo ako. Pupunta ako kina Diana Rose dahil gusto ko lang siya makakwentuhan. Walang pasok ngayon at wala naman akong magawa rito kaya doon na lang ako.
I went to the bathroom. Tama-tama ay napasuka ako diretso sa sink. And it is really painful because I haven't eaten my breakfast yet. Wala pang laman ang tiyan ko pero pilit na nagsusuka.
Nagmumog ako pagkatapos saka tumitig sa salamin. I stared on my face that kinda looks stress, super early in this morning. Napakurap ako nang may maisip.
Buntis ba ako?
Napahawak ako sa noo saka napailing. Parang imposible naman. Sa mga sumunod namin na churva ay gumagamit na si Poypoy ng protection. He thought of it because I am still studying. Noong una lang namin na gabi wala at as in raw talaga.
Unless... his sperms succeeded on our very first night?
Nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig. Naging regular na rin ang menstruation ko simula nang lumayas ako sa amin at ngayon lang ako na-delay ulit.
Napatili ako at dali-daling naligo. Pagkatapos magbihis ay kumain lang ako ng crackers mula sa pantry at uminom ng gatas. Pumunta muna ako sa drugstore sa bayan para bumili ng pregnancy test bago dumiretso kina Diana Rose.
"Salacia!" My dear friend called me when she saw me.
Tinignan ko siya at nakita ko na may mga dala siyang balde. Napagtanto ko na magbebenta siya ng mga isda. I energetically kissed her on her cheek and she displayed her disgusted face.
"Hi, Diana Rose. Usap tayo mamaya after mo niyan," saad ko.
Tumaas ang kilay niya bago tumango. "Kaso matatagalan ako kasi magbabantay rin ako sa pwesto namin sa palengke. Atsaka may sayawan pala mamaya. Punta tayo?"
I giggled. Abot-abot langit ang saya ko kahit hindi pa naman ako sure sa naiisip ko.
"Sige, hihintayin kita sa bahay-kubo ko dati. Hindi rin ako sure kung pupunta ako mamaya sa sayawan," sagot ko agad.
Nang nagpaalam na ay kinayawan ko siya hanggang mawala na sa paningin ko. Ibinigay ko sa mga kapatid niya ang mga tinapay na dala ko bago ako pumunta sa dati kong bahay. May dala akong kaunting pagkain para sa akin lalo na at magi-stay muna ako rito para makasama si Diana Rose mamaya.
As soon as I entered my humble abode, I put down all the things I am carrying. Kinuha ko ang tatlong pregnancy test na binili ko at pumunta sa napakaliit kong paliguan dati. Sinunod ko ang instruction at inilagay iyon sa tabi habang hinihintay ang resulta.
I washed my hands after doing the test. May mga nakatabi pa na tubig dito dahil nga minsan bumibisita talaga ako rito kaya naman nag-iigib si Poseidon ng tubig in advance para sa akin. Although ayaw niya na matulog ako rito na hindi ko naman gagawin. Dito lang ako hanggang mamaya para hintayin si Diana Rose.
I ate the spaghetti that I bought. Uminom ako ng tubig bago tumayo at nilapitan ang mga tester. Pinulot ko ang mga iyon at halos isubsob ang mukha doon para makita lang nang mabuti ang mga resulta.
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
Romance2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...