Habit
"Fibonacci sequence lang naman 'to! Easy as pie. Saka na ako manghihingi ng tulong sayo kapag may letters na," kontra ko kay Poypoy.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinanguan para maniwala na siya. I stared on his face at the screen of my laptop. I saw him sighed before nodding. Nangalumbaba siya at tumitig din sa akin. We are talking through video call.
"Alright, then. It seems like you are really smart." He smiled a bit.
Napairap ako at maarteng hinawi ang buhok ko. "Duh, ang dali lang kaya ng Math! Kailangan ko lang maintindihan talaga ang explanation." Pagyayabang ko pa. Then I clasped my hand and pouted. "Miss na kita, Poypoy. Bakit ka ba biglaang pumunta diyan sa Maynila?" tanong ko.
The side of his lips rose a bit. Handa na siyang matulog at gaya ko ay nasa kama. Kaso nga lang ako ay nakadapa at kaharap ay laptop samantalang siya ay cellphone ang gamit habang maayos ang higa.
"May inasikaso lang. I'll be back, soon."
"Sige, ha? Three days na kitang hindi nakikita. Miss na miss na talaga kita!"
He licked his lips making them appear redder. I sighed dreamily because of the sight. Ngumiti siya nang tipid.
"I missed you, too."
Nag-videocall lang kami habang nagsasagot ako ng assignment ko. Nang mapahikab ako ay pinatulog niya na ako. Mabuti na lang at tapos ko na rin ang assignment ko.
"Salacia, make sure you locked the gate, the front door and back door, okay?" he said in a serious tone.
Namumungay ang mata kong tumango at sumaludo sa kaniya. "Yes, boss."
"Okay. Hang this up now. Sleep well..."
"Let us meet and kiss in the dream world, Poypoy ko!"
He chuckled.
Bidang-bida ako sa Math. Hindi lang doon, pati na rin sa ibang subject. Ang goal ko talaga ay maging mataas ang grades ko at magka-honor para maipakita ko kay Poseidon na hindi sayang ang pinaghirapan niya sa akin. Na ang pagpapa-aral sa akin ay worth it. This is one of the simple things that I could do to give him something in return for all of the things he has given.
Iba rin ang epekto sa akin nito. The feeling of being an active student feels so fulfilling for me. Ang sarap sa pakiramdam na may naa-achieve habang nag-eenjoy ka. It makes me like the life.
My following days revolve on my study. Wala na akong ibang magawa dahil wala naman si Poseidon. Pag-aaral, paglinis ng bahay, pagbisita kina Diana Rose at pagbabasa ang lagi kong ginagawa. May itinanim din ako na mga halaman sa frontyard kaya dagdag libangan ko. Sa gabi ay tinatawagan ako ni Poypoy at nag-uusap kami hanggang sa makatulog.
"Kinakabahan ako para sayo, girl," saad ni Diana Rose.
My forehead creased before I sipped on my coffee. Maaga pa ay narito na ako sa kanila. Sabado ngayon kaya wala akong pasok.
"Bakit naman?"
She sighed and faced me. Hinawi niya ang buhok ko at kinagat niya ang kaniyang labi. "Kasi parang ang perfect ni Poseidon. Pero impossible 'yon, Goddess. Walang perkpektong tao. Lahat ay may negative side. Tapos si Poypoy mo, masyadong mapagbigay, nirerespeto ka, 'yung ugali walang kapintasan tapos ang gwapo pa. Pero imposible na lahat sa kaniya maganda!"
Napangiwi ako at binatukan siya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Grabe ka sa overthinking, girl. Bawasan mo ang pagkakape. Akin na nga 'to," natatawa kong sinabi at inagaw ang kape niya saka iyon nilagok nang tuloy-tuloy.
BINABASA MO ANG
Lord Series #2: Drowned
عاطفية2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very much attracted to the man with a pair of dark blue eyes. She knew that she was drowned the moment their...