N A R R A T I O N
Hindi mapigilan na matakot ng mga tauhan ng bumukas ang pintuan ng mansiyon at lumabas ang dalawa sa makapangyarihang magkakapatid na tinatangala nila. Naglakad ang dalawa habang sila naman ay kaagad na nagbigay ng pag-galang at respeto hanggang sa makapasok ang mga ito sa loob ng magarang sasakyan.
Lumabas ang sasakyan sa mansiyon matapos magbukas ang malalaking bakal sa buong hacienda.
Dalawang sasakyan ang nasa unahang bahagi ng byahe at isang van ang kasunod nito bago ang limousine na kinakapalooban ni Cevor at Gwen.
Mahigit ilang minuto ang sumapit bago narating ng mga sasakyan ang isang hospital na nasa siyudad. Isa ito sa mga hospital na sinusupurtahan ng kapangyarihan ni Cevor kaya walang duda na puno ito ng seguridad ng marating nila ang lugar.
"Dracus, confirm the perimeter's safety." Ang utos ng babaeng Xaverio sa isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan.
"All clear, Mistress. The Phoenix is safe."
Matapos marinig ang kumpirmasyon ay tumingin silang pareho sa labas ng hospital na puno ng kislapan dahil sa mga kamara ng medya.
"Mas mabuting mauna kang pumasok lalo pa't kasama mo ako." Ang suhestiyon ni Gwen pero umiling lang si Cevor at tumingin sa kaniya.
"Walang mauuna at walang maiiwan." Ang makahulugang sambit ni Cevor.
Gusto pa sanang umangal ng babae pero wala na siyang magawa at tumango na lang sa kagustuhan ng kapatid. Sa pagkakataong ito ay si Gwen ang sinama ni Cevor at naiwan naman si Hashem para asikasuhin ang hnadaan na mangyayari mamaya.
Kislapan ng kamara ang bumungad sa kanila pero walang paki-alam na pumasok si Cevor sa loob ng hospital na kung saan ay binati at pinuri siya ng may-ari ng ospital.
Habang nagpapaliwanag ang direktor sa kasama niyang Xaverio ay hindi niya mapigilan ang mangamba at mabighani sa kung anumang prestihiyosong awra na lumalabas sa taong may takip ang mukha. Kailanman ay hindi niya aakalaing dadating ang araw na mismong mata niya ang makakakita sa mailap na si Mr. Powers.
"I am hoping for a private moment with the patient and her family. I hope you'll grant my request and after this I can assure you support and success."
Isang matamis na ngiti ang binigay ng doktora sa kay Cevor at ito lang ang hinintay niyang hudyat bago naglakad palabas sa elevator at tumayo sa pintuan na nakapangalan sa sinadya niyang tao.
"Rosalind Buenaventura," Ang karatola na nakalagay sa name tag ng pintuan.
One of his guards opened the door at walang pag-aatubiling pumasok ang tatlo sa mga tauhan niya bitbit ang bulaklak at mga prutas.
"Governor Ignacio Buenaventura." Ang manipis at timping pagbati ni Cevor.
"Mr. Powers." Ang pagbati ng matandang naka-upo sa isang upuan.
"I have a purpose in coming here." Isa sa mga tauhan ni Cevor ang nagpasa ng isang dokumento sa matanda.
"Malaking pera ito, Mr. Cevor Powers, sigurado akong may kapalit ito."
"Sagutin mo lang ang mga katanungan ko, Governor. Yan lang ang kapalit sa tulong na binigay ko."
Ang masayang reaksiyon ng Governor ay paunti-unting nawala sa masaya nitong mukha. Mula sa pagkakatayo ay naupo si Cevor sa kaharap na upuan ng matanda.
"I hope you won't take me as a fool, Gov. Alam ko lahat ng impormasyon niyo, dirty to dirtiest. All I need is the confirmation and your personal reasons why."
BINABASA MO ANG
Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]
Teen FictionSEASON 2: ELOPING OUR CHANCES Cymon Joshua Xaverio. He's a fighter. In his world full of lies, killings, pain, and suffering he still stands out among the rest. He had to work hard for the respect he was earning. With all that happened to him, he w...