N A R R A T I O N
"Amidst will all the controversies, buong galak at buong pusong ipinahayag ng former Mayor and former Senator ng Montero Clan ang nalalapit na kaarawan ng tatlong binibini ng kaniyang pamilya. Dagdag pa nito na ang gagawing kaarawan ay hindi lang para sa kanila bagkus ay para maka-ipon ng pera para sa mga mahihirap, at ito ang news balita!"
May galak at ngiti ang buong pamilya habang nanood ng kakatapos lang na balita. Ito ang isa sa mga nahuhuli nilang palabas para mas maka-ipon pa ng suporta para sa paparating na eleksiyon. Sa nagdaang buwan ay mas pinag-igihan nila ang magpalakas muli sa kanilang mga negosyo. Gayundin sa pagpapalakas ng benta ng pangalan ni Arnaldo Montero sa mga taong botante.
Hindi maitatanggi na malaki ang kawalan sa kanila ang nawala ng umusbong ang bali-balita at mga isyu kalakip sa pangalan nila. Sa isipan nila ay naniniwala pa rin sila na hindi matitinag ang mga taong sumusuporta sa kanila dahil lang sa mga bali-balita.
Ang pinakamatandang Montero ay nito lang nakaraang buwan ay tuluyan ng bumaba sa kaniyang pwesto sa pagka-senador. Wala naman ni-isa ang tumutol dito dahil matanda na ito. Ang pukos lamang nila ngayon ay ang anak nitong si Arnaldo. Malalaki ang tiwala ng mga Montero na mananalo pa rin sila sa nalalapit na halalan, kahit wala na ang suporta ng isang Cevor Powers.
"Natatakot ako sa kapakanan ni Lissy, Mom. She have worked so much for her hospital at sa isang iglap lang ay nawala sa kaniya ito." Ang sabi ni Juday.
Manalo man sa halalan ay malaking kawalan pa rin ang ospital ni Lissy. Tuluyan itong kinain ng mga major shareholders at kahit na silang magpapamilya ay hindi ito naisalba. Isa rin 'yan sa ikinagagalit nila sa kung papaano nalaman ng mga shareholders na depressed si Lissy. Walang nakaka-alam nito kundi sila lang magpapamilya.
They were trying their best to conceal the news kasi alam nilang sisirain nito ang mga pinaghirapan ng babae. At nangyari na nga. Nilamon ng major shareholders ang ospital ng babaeng Montero.
"There's nothing much we can do. Masiyadong malalaki ang pangalan ng mga taong sangkot sa pagbili ng shares ng hospital niya. Kung pipilitin natin ay baka maapektuhan pa ang pangalan ni Arnaldo. We can't lose now."
'Di man sang-ayon, ay 'di rin siya pumalag. Napatingin siya kay Angge para humingi ng tulong. She doesn't feel good towards the woman, Lissy, but she cares for her. Alam niya ang sakit ng mawalan. At ngayon, sa pinagdadaanan ng tao ay hindi makakatulong ang malugmok pa ito ng husto.
Napatingin si Angge sa kay Juday at mahinang napabuntong-hininga bago magsalita,
"Susubukan kong kumbinsihin ang mga Otero na humingi ng tulong para dito. But I'm not promising na may magagawa kami. Just like what Tita Amber have said, malalaking pangalan ang umangkin sa hospital."
Mariing napapikit si Juday dahil sa narinig. If she's just as influential as them, she won't hesitate on helping the poor woman. Naalala niya ito noong walang tigil itong umiyak bitbit ang baril.
"Ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi ito pinalabas. What I mean is, the Chevale Clan is very influential—too influential na napikot niya ang lahat ng shareholders sa hospital. Pero bakit wala ni-isang balita ang kumalat?" Ang naguguluhang tanong ng problemadong ama ni Lissy na si Alcher.
Makita ang anak sa lugmok na eatado at walang magawa ay parang niyurakan ang pagiging ama niya. Sa kaloob-looban niya ay hindi ito ang pinangako niyang buhay para sa anak.
"Cheng has a point. Toso ang mga Chevale at hindi patas kung maglaro. Kung may napapanalo sila sa putik nilang laro ay taas noo kaagad nila itong ibabalita." Ang sang-ayon ni Arnaldo na nakayukom na ang kamao.
BINABASA MO ANG
Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]
Dla nastolatkówSEASON 2: ELOPING OUR CHANCES Cymon Joshua Xaverio. He's a fighter. In his world full of lies, killings, pain, and suffering he still stands out among the rest. He had to work hard for the respect he was earning. With all that happened to him, he w...