A L I S O N N E – M O N T E R O
I'm so confused. A lot of things were added to my bowl and its piling up. I am confused as to sino ang nagpapadala ng mga bulaklak. Hindi naman ako tanga para 'di maintindihan na may iba itong ibig sabihin. I don't know if they're making this on purpose or they're just blatant.
First, ang hospital na pagmamay-ari ko. May sa kung sinuman ang gustong bumili at paalisin ako sa aking pwesto. Kung hindi man bibilhin ay mayroon namang gustong magtayo sa mismong harapan ng hospital. I am still sorting things out dahil sa mga nangyayari and I am hoping na hindi matabunan ang mga pinaghirapan ko. Someone is setting up a trap on me, may sa kung sinuman ang nagnanais na kunin ang pinaghirapan ko.
Mabait akong tao pero hindi nila ako dapat ginaganito dahil lalaban ako. I'm no weak. Lalaban ako ng harap-harapan kaya kapag malaman ko lang kung sino ang ahas na gustong kunin ang sa'kin ay hindi ako magdadalawang isip na labanan siya. I'm not a Montero for nothing.
Secondly, dad was suffering from so much stress dahil sa kompanya na pagmamay-ari niya. Hindi ko pa ito malalaman kung hindi ko siya natanong. Our winery company is sinking!
"Almost fifty percent of the workforce decreased. For the past years, one company is trying to get everything in their hands. Isa pa ay nangunguna na rin ang kompanyang 'yon sa buong mundo sa pag export ng mga produkto. Kanina lang ay ni-report na umatras ang isa sa mga company partner natin sa pag-e-export."
The family knew how much money we earned from that company. PMalaking kawalan ito sa pamilya namin kung sakali. Hindi rin maiaalis sa amin ang mangamba sa mga posibleng mangyari dahil sa hanggang ngayon ay walang makuha ang mga kapulisan na ebidensiya or any form of information na magtuturo sa kung sino ang kumuha sa pamangkin ko.
Kahit lang sa loob ng hapag kainan ay makikitaan mo ng makapal na tensiyon. The tension was thick that a knife can slice it half! Panigurado, sa kung sinuman ang nagpaplano nito, masaya ito sa kung ano ang nangyayari sa'min! Meron nga ba? O ako lang ito at nag-o-overthink?
'Nahahawaan ka na sa pagkakaparanoid ni Angge, Lissy. Sino naman ang gustong pabagsakin kayo? Wala kayong binangga na tao o naging kaaway. Keep yourself in!'
I stayed silent throughout dahil alam ko naman wala akong maitutulong sa kanila. Dahil ako mismo ay naghihirap sa kung paano ko lulusutan ang namumuong delubyo sa sariling hospital.
Masakit isipin na nagkakaganito ang pamilya namin. To the point na parang lahat kami ay may kaniya-kaniyang pino-problema. Ma-impluwensiya kaming angkan pero pakiramdam ko ay may tumitigil sa mga kakilala namin na tulungan kami. Paniguradong alam na ng ibang malalaking angkan ang nangyayari sa kompanya namin pero ni-isa ay ayaw kaming tulungan! Normal lang ang magka-problema tayo ngunit 'di ko inaasahan na ganito kalala ang problema namin.
"Recently ay hindi ko na ma-revive ang sa kung ano ang nawala sa amin dahil sa iniipit na ako ng mga investors. Ang mga hotels at resorts na pagmamay-ari namin ay unti-unting nawawalan ng lakas." Napatingin kami kay Angge na sa hanggang ngayon ay napa-paranoid na dahil sa insidenteng nangyari kailan lang.
Hindi ko rin siya masisisi sa pagiging hysterical niya dahil anak niya ang ginawang babala. If it were me ay baka mamatay na ako sa takot. Plus, the fact that their businesses is on the verge of crisis.
"My company is doing well actually. Sa katunayan ay may malaki akong investor this coming months. I'm just hoping na makuha namin silang pumerma ng kontrata. I heard that this investor was quite influential in the business arena."
Sa sinabi ng Tita Amber ay nakakita ako ng pag-asa.
Hindi na namin tinapos ang ganitong usapan at mas inigihan na lang muna ang pagkain. Natapos din kasi ang diskusiyon ng biglang tumaas ang boses ng Lolo. Alam kong hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]
Novela JuvenilSEASON 2: ELOPING OUR CHANCES Cymon Joshua Xaverio. He's a fighter. In his world full of lies, killings, pain, and suffering he still stands out among the rest. He had to work hard for the respect he was earning. With all that happened to him, he w...