30 ; greatest pain inside

1.6K 116 39
                                    

C E V O R – X A V E R I O

"THIS IS THE CAPTAIN SPEAKING, TURBULENCE ERROR DETECTED! PREPARE FOR IMPACT!"

"THIS IS FLIGHT 455 REQUESTING FOR EMERGENCY ASSITANCE! LOCATE OUR LOCATION! THE PASSENGER IS A VVIP!"

"FLIGHT 455'S TURBULENCE ERROR IS DETECTED! EMMERGENCY ASSISTANCE IS NEEDED!"

Nagising ako sa sigaw ng mga tauhan ni dad. Namutla ako ng maramdaman ang 'di-balanseng lipad ng eroplano. Namumugto pa ang mga mata ko kaiiyak pero heto na naman at sinusubok ang tatag ng puso ko.

"I REPEAT, FLIGHT 455'S TURBULENCE ERROR IS DETECTED! EMMERGENCY ASSISTANCE IS NEEDED! FUCK, EMERGENCY! EMERGENCY! PREPARE FOR IMPACT!"

Napatingin ako sa mga tauhan ni Dad na walang takot sa mukhang nagtatakbuhan papunta sa direksiyon ko dala ang mga emergency equipment.

Unti-unting namuo ang mga luha ko kasabay ng panginginig sa buong katawan ng marinig ang paulit-ulit na sigaw ng captain na unahin ako at wala ng iba pa bago ang lahat.

Sana isang masamang panaginip na lang ito at magising pa ako sa katotohanang hindi ganito kagulo ang mundo ko. Ano ba ang nangyayari at ganito ako parusahan ng panginoon?

D-Dad... I'm scared. Rusell... hubby, I'm scared. I need you please...

Naiiyak akong yakap-yakap ang sarili. Kitang-kita ko ang mga tauhan ng daddy na nagtatakbo papunta sa kinaka-upuan ko. Ayaw kong tingnan ang mga matatapang na mukha nila dahil alam kong tinatatagan lang nila ang kanilang damdamin para sa akin.

Lumapit sa akin ang lalaking palagi kong nakikita sa lupon ng mga tauhan na nakapalibot sa akin palagi. Nalipat ang tingin ko sa kaniya ng tinakpan niya ang aking tenga bago maramdaman ang muling pagsabog ng isang turbine sa giliran ko. Nalipat ang tingin ko dito at mas naiyak sa takot dahil alam kong totoo ang lahat. Nakikita ko ang usok sa giliran ng pakpak ng eroplano at umaapoy ito.

Mamatay na ba ako?

Kaagad na tinakpan ng isa sa mga lalaki ang bintana para hindi ko makita ang nangyayari sa labas pero huli na. Ang makapal na usok sa madilim na kalangitan ay paniguradong tumatak sa buong buhay ko. Dahil ang araw na ito ang naging kasawian ko sa buhay.

Sa araw na ito, paulit-ulit ang sakit na nadama ko. At pagod na pagod na ako! Takot na takot na ang puso ko! Ayaw ko ng ganito, please!

"Cymon, hey, I know you're scared. But I need you to cooperate with everything that I will say." He was smiling at me. The comfort of his smiles gave nothing but ease at my heavy heart.

Umiling-iling ako at umiiyak na kumakapit sa suot niyang damit. Hindi ko siya kilala pero alam kong isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng daddy.

"The organization needs you alive; they are waiting for your arrival. No matter what will happen after this, you will live. Your dad is waiting for you, Cymon." I'm scared but I nodded at him.

He removes the seatbelt and made me stand with his aid. He signaled one flight crew and made me wore a safe equipment. I looked at the crew and he wasn't wearing one. I was confused as I looked back at them again. They weren't wearing a safety chute! Instead, they gave me the brightest and sweetest smile I would ever see on their serious faces.

Ang hindi ko alam ay heto na pala ang huling ngiti na makikita ko mula sa kanila.

Biglang may pumutok ulit sa likuran ko na naging tuluyan sa akin para mapaluhod sa carpeted na sahig. Pumapasok na ang usok sa loob at rinig na rinig ko pa ang emergency call ng mga piloto at crew.

Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon