N A R R A T I O N
Ang mga Xaverio ay hinahangaan dahil sa malalaki nitong ambag hindi lang sa bansa ngunit mapa-ibang bansa. Matagal silang nawala pero ang pangalan nila ay maugong dahil sa kanilang mga pinansiyal na suporta sa anumang trahedya ng bansa.
Kaakibat ng kanilang kabutihan ay hindi na siguro mawawala sa mga tao ang manghinayang dahil sa pagkamatay ng isa sa mga anak nito. Nakita nila kung gaano ito nasaktan ng ibalita sa buong mundo ang pagbagsak at pagkawala ng eroplanong sinasakyan ng anak. Sa isipan ng mga tao ay kung sino pa ang matulungin, sila pa ang pinagkaitan. Kung kaya't naiintindihan nila ang rason nito na tumahimik pagkatapos inanunsiyo ang pagkamatay ng anak.
Kahit naman sinong tao ay masasaktan siguro kung sa kaniya nangyari ang sinapit ng napakatanyag na Xaverio. Ang hindi alam ng lahat ay muli itong magpapakita kasama ang mga anak nito.
"Hindi ko aakalaing muli akong magbabalik sa lugar na ito." Ang malumanay na pagbanggit ng ama ng mga makapangyarihang triad na magkakapatid.
It is expected na dadating ang panahon na ito at heto na sila handang kunin ang nararapat sa kanila.
'It would be a shame if I won't enjoy the show. This time, they would be my puppet.' Ang sa isipan ni Cevor habang nasa loob ng sasakyan.
Alam ni Cevor na tutulong ang mga kasaping pamilya. Ang mga asawa ng mga apo ng mga Montero ay may malaking kontribusyon sa pangalan nila, from the hotels and agencies. Unang kukunin ni Cevor ang pagmamay-ari ng ina niya na ngayon ay pinamamahalaan ng kapatid nito na si Amber.
'Ngayon ko ipaparamdam sa inyo ang pakiramdam na walang magawa.' Sa isipan ni Cevor ay kulang pa ang lahat ng mga ginagawa niya para magdusa ang mga taong ito.
Ngayon na nakuha na niya ang patnubay ng ama, hindi na siya Mistress lang. His rank is way higher than any of his people. Higher than his father in' the mafia.
"Makakahinga na rin ako. Walang maskara at walang bangungot na pupuksa sa bawat pahinga ko."
Pinikit niya ang mga mata at inisip ang usapan nila ng Padre Santiago.
-
C E V O R – X A V E R I O
Sa magulo kong buhay, siya ang isa sa mga tumanggap sa pagkatao ko at alam ang tunay kong pagkatao. Sino ba ako para pagsalitaan ang taong patuloy at walang sawang sinisindihan ang patay na apoy ng aking puso.
"Masaya ka ba sa ganitong buhay? Masaya ba ang puso mo anak ko? Cy?" Tiningnan ko ang taong kaharap ko ngayon.
"Father Santiago..." I warned. Namimilipit man ako sa galit at gusto ko mang dagdagan ang mga salita pero ayaw kong masaktan ang padre.
"Sa buhay, kahit anong dami ng pera ay wala ito magiging silbi kung wala kang katahimikan, anak." Ang pagpapatuloy niya. Kasunod nito ay ang malambing na paglapat sa isang mainit na palad sa mukha ko.
Kahit pa man ay may pagkakatabon, hindi ko maiwasan ang hindi tumingin sa maamong mukha ng Padre Santiago. His bare face reminds me of those times. Yung mga masasayang araw sa buhay ni Cymon.
I know that I craved for peace and happiness, and it may sound joyous when you reminisce those happy moments, pero hindi na sa pagkakataong ito. Masiyado ng maraming nawala sa sugal na sinimulan ako at hindi mangyayaring babaliktad ako sa mga salita ko.
"Patay na si Cymon. Ibang tao na ang kaharap mo ngayon." I said.
I want to believe him. I do. I want to listen and follow his words, his suggestions, his bid, pero kahit gusto kong maniwala kasi iyon ang totoo.
BINABASA MO ANG
Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]
TeenfikceSEASON 2: ELOPING OUR CHANCES Cymon Joshua Xaverio. He's a fighter. In his world full of lies, killings, pain, and suffering he still stands out among the rest. He had to work hard for the respect he was earning. With all that happened to him, he w...