C Y M O N – M O N T E R O – X A V E R I O
My life has been a series of whirlwind. Maraming naging ganap sa aking buhay at kasama sa pagdaan ng panahon na nailaan ko doon, ay ang mga taong nawala rin sa aking tabi. Hindi ko man masabi sa iba, pero nangungulila ako sa mga salita at alaga ni Hashem. Kahit papaano ay tinulungan pa rin niya ako, he was there when I was with no one. Siya ang isa sa mga taong yumakap at inalagaan ako ng mga oras na dapang-dapa ako sa mga paghihirap.
But reality and truth will always prevail. When I heard of Hashem's treachery, naalala ko pa kung paano ako magwala sa loob ng kwarto ko. Sobra ang galit ko nun. Pero hindi ko sinisi si Hashem, ang sinisi ko sa mga oras ay ang sarili ko mismo. In my mind, hindi sana ako mawawalan ng kaibigan kung hindi ako si "Cevor Powers", I could've been a better someone to him and not his enemy.
Ironically, siya rin ang taong nagpatahan sa mga luha ko nang mga oras na 'yun. Siya ang nagpahid at gumamot sa mga sugat ko. Si Hashem. Ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. I felt his love and it was sincere, sad to say, his love for me was not enough to tame the demon he has. Ang tangi ko lang mahihiling ay kung nasaan man siya ngayon ay gaya ko, pareho sana naming mahanap ang kapatawaran sa puso namin.
I thanked the waitress when she gave me a glass of champagne. I'm finally living the freedom. Seeing these people in the walkways, the beauty of culture, and the kindness of everybody reminds me of my choices.
Umalis man ako at nagpaalam ay babalik pa rin ako. 'Yan ang pangako ko sa lugar na 'yun. Maraming tao ang umaasa sa tulong ko, pero sa ngayon ay uunahin ko muna ang aking sarili. Hindi maaring maging mabuti ako sa ibang tao pero wala naman akong kapatawaran sa sarili. I need myself see the wonder of this world in my own. This is for our dream. This is for my sister's dreams. This is for the unborn child within me.
A small smile rose in my lips and decides not to drink more of the champagne drink. Makakasama ito sa bata. Kung babae ang magiging anak ko, gusto ko siyang ipangalan sa dalawang babae na pinkamamahal ko sa buong buhay ko. Kung magiging lalaki ang anak ko, I will name him after his father.
'Gwen, I'm doing this to fulfill our dreams together. Pinagkait man sa atin, but thanks to you, nabigyan pa ako ng panibagong pagkakataon.'
If heaven is real, then I pray for mom and Gwen's bonding there. Sana masaya na sila. At ako naman ay pipiliin ko ang maging masaya. I closed my eyes at unti-unting napapangiti sa mga masasayang ala-ala na pumuno sa aking kabataan noon.
Nagsimula ako bilang isang apo ng sikat na pamilya, kalaunan ay nakita ko ang isa sa mga tao na naging sentro ng buhay ko. I met Rusell. And it was the best times of my life. Sa mga panahong 'yun ay naranasan ko ang umibig, at magmahal. Iba ang pagmamahalan namin ni Rusell. Sinubok man ng panahon ay nagpasalamat pa rin ako sa katatagan nito.
Just like any other stories, it has its own turning points. One incident that made me lose everything was when my mom left abruptly. Iyong tipo na umalis si mommy ng hindi nagpapaalam ang pinakamasakit. She left me with no one at that time. Pero ang mas masakit ay ang alam mo sa sarili mo na ang pag-alis niya ay panghabang-buhay at kailanman ay 'di na magbabalik pa.
I faced death, but the only person I saw in my dreams was Gwen. It still haunts me sa kung bakit wala man lang akong mahanap ni katiting sa presensiya at pakiramdam na nandiyan lang siya. Kahit ngayon ay umaasa pa rin ako na buhay siya. That everything was fake. Hanggang ngayon ay patuloy kong hinahanap ang matagal ng nahanap na katotohanan. Ang mahirap lang ay, alam ko na ang totoo pero hinahanap ko pa rin ito. I keep on seeking for the truth which was already found a long time ago. And it pained me. Doon ko naisip na kahit anong kapangyarihan ang taglayin ko, mapa-pera pa 'yan at mga ari-arian. Hindi na nito maibabalik ang minsan at dati. Sa kung saan masaya at may ina akong masasandalan. Na may kapatid akong pwedeng mang-inis sa akin. A friend like Hashem at my side with loyalty.
BINABASA MO ANG
Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]
Подростковая литератураSEASON 2: ELOPING OUR CHANCES Cymon Joshua Xaverio. He's a fighter. In his world full of lies, killings, pain, and suffering he still stands out among the rest. He had to work hard for the respect he was earning. With all that happened to him, he w...