N A R R A T I O N
"HER MEMORIES SHALL BE TREASURED: OUR CONDOLONCES TO THE BEREAVED FAMILY OF XAVERIOS!" Ang malaking paskil na headline sa bawat artikulo ng media sites at social media.
Sa isang artikulo ay pinapakita dito ang tatlong magkakasunod na larawan. Ang unang larawan ay ang larawan kung saan umiiyak at akay-akay ng binatang si Cymon ang patay na katawan ng kapatid.
Ang susunod na larawan ay ang larawan ng binatang si Cymon na umiiyak sa isang bangkay ng kaniyang ina sa morgue.
Ang pangatlong larawan ay ang natira sa gutay-gutay na eroplano na sumadsad noon sa karagatan ng Pacifico.
Muli, kumalat ang balitang buhay si Cymon Joshua Montero. At ito ay nasa bagong katauhan na kilala sa lahat na Mr. Powers.
Sari-saring opinyon ang lumabas sa bibig ng mga taong wala ng ginawa kundi ang maki-alam sa buhay ng may buhay. Ang iba ay nagalit at ang iba ay ginawang inspirasyon ang katatagan at lakas-loob ni Cymon.
Internet is breaking with all the photos of Cymon and Cevor. Pinagkukumpara ng mga tao ito at 'di mo rin na masisi sila dahil isa itong pandaigdigang balita.
Ang tanong, may nagbago ba? Nabuhay ba ng kanilang opinyon ang babaeng Xaverio? Nabuhay ba ng kanilang mga salita ang kapatid ni Cevor. Others pitied Cymon or Cevor for his lost. Kakaibang sakit ang paulit-ulit na mawalan. If it's true then Cevor and Cymon is a great person for standing amidst the pain the world has thrown at him.
"Nandito kami ngayon sa harapan ng mansion ng tanyag at bali-balitang si Mr. Cymon Montero-Xaverio o mas kilala sa kaniyang bagong pangalan na si Mr. Cevor Powers. Walang pahayag ang binibigay mula sa kanilang kasapi bagkus ay nakuhanan ng larawan ang binata habang bitbit ang larawan ng kapapanaw na si Gwen Xaverio."
"Sa kabilang panig ay nagbigay rin ng pahayag ang mga Montero. Sinasabing umatras sa pagkaka-kandidato si Mayor Arnaldo Montero sa kaniyang pwesto bilang susunod na sanang alkalde ng probinsiya. Sa isang pahayag ay sinabi niyang malaki at malagim ang sinapit ng kaniyang pamilya na naging dahilan para sa kaniyang desisyon. Sinabi niyang, 'Kailangan ako ng pamilya ko ngayon, sana maintindihan niyo.'"
"Samo't-saring emosyon at haka-haka ang mga tao ngayon sa sinasabing family feud ng bawat pamilya, lalo pa't kung ikokonsedara ay may malalim na nakaraan ang mga ito!"
Wala mang balita patungkol sa binata ay alam naman ng lahat na hindi basta-basta ang sinapit nito. Kung tutuusin ay siya ang pinaka-apektado sa lahat. Tunay ngang walang katumbas ang buhay ng tao, mapalaki o maliit man na kayamanan.
In his dining table, walang imik na nakamasid lang si Cevor sa pagkaing hinanda ng kaniyang kapatid. Ayaw pa sana niyang bumaba pero pinilit siya nito.
For the first time, hindi puting damit at kagamitan ang suot niya. Ngayon ay nakasuot siya ng itim na damit na may pares na itim na duchess hat at itim na guwantes. Sapat lang ang maskara para matabunan ang kaniyang peklat pero hindi ang buong pagmumukha.
'Walang silbi ang pagtatago ng mukha. Alam na ng lahat kung sino ako. Bakit pa ako magtatago?' Isang mapait na ngiti ang kumawala sa labi niya.
Tiningnan niya ang upuan ng kapatid na si Gwen at mas lalong napangiti dahil sa mga luhang nag-uunahang kumawala sa mata niya. Masaki pa rin. Mahapdi at nagkukumawala ang galit sa puso niya. Dinamay nila lahat-lahat na mahal niya sa buhay.
He shouldn't be crying but he can't stop it. Gusto niyang ibalik ang tapang-tapangan niyang sarili, ang grandiosong tindig, ang dominanteng awra, pero hindi sa muna ngayon.
Gusto niya munang maging mahina kahit saglit lang. He wants to mourn for a moment and offer a peace moment for his sister Gwen. Pinikit niya ang mga mata para pigilan ang luha, kinuyon niya ang mga kamao at hinayaan ang mga hikbi na umalingawngaw sa buong silid.
BINABASA MO ANG
Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]
Novela JuvenilSEASON 2: ELOPING OUR CHANCES Cymon Joshua Xaverio. He's a fighter. In his world full of lies, killings, pain, and suffering he still stands out among the rest. He had to work hard for the respect he was earning. With all that happened to him, he w...