27 ; the empire's response

1.6K 108 10
                                    

N A R R A T I O N

May apat na organisasyon ang kinikilalang pinakamataas na pundasyon ng underground society, ito ang Four Pillars of Domain. Itong domain na ito ay pinapagalaw ng pera, tauhan, ilegal na transaksiyon, makabagong agham at pananaliksik.

Natayo ito dahil sa pagkakaunawaan ng apat na makapangyarihang pamilya. Ang apat na organisasyon ay kinikilala sa mga pangalang: Blood Phoenix, Black Dragon, Diamond Eye, at ang panghuli, ang Yakuza. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nabuwag ito. Ang apat ay nahati sa dalawang grupo.

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang apat dahil sa pinagbabawal na relasyon na naganap sa dalawang lider ng Rusciana at Xaverio. Matapos makita ang epekto nito ay pinagsikapan nila na mapanatili ang balanse ng kapangyarihan ng bawat-isa kundi malalamangan sila sa iba.

Sa apat ay ang Blood Phoenix ng mga Xaverio at Yakuza ang magkakampi. Ang Black Dragon na pinamumunuan ng mga Rusciana kakampi ang Diamond Eye Mafia. Ang apat na organisasyon ay ang pinakamataas sa lahat ng mg pamilya sa buong mundo. Ang mga mafia ay laganap pero ni-isa sa kanila ay hindi nakakakilala sa apat na pamilya. Protektado rin ang mga ito ng gobyerno dahil sa kanilang pera, armas, at mga hindi pa nakikilalang imbento at natutuklasan.

Higit sa lahat, pinapangalagaan ng gobyerno ang Blood Phoenix dahil sa kanilang mga natuklasan. Ang kanilang organisasyon ay kilala dahil sa HSBC o Human Scientific Body Cloning. Ang HSBC ay naglalaman ng buong dokumento kung papaano i-clone ang isang tao, gumawa ng buong hukbo gamit ang cloning effect, at higit sa lahat ang carrier cloning. Ang nakamaskarang si Phoenix ng mga Xaverio ang kauna-unahang lalaki na nag-clone ng ekspiremento na siya mismo ang gumawa at nagsaliksik.

Ang Blood Phoenix ay pinapamahalaan ng pamilyang Xaverio ay kilala dahil sa kanilang bagong pangulo na nakamaskara, pero hindi lang sila ang may pangulo na nakamaskara. Ang apat ay may pinapangalagaan na pwesto kaya alam nila kung paano umakyat at sumipsip na parang linta ang panglima sa hagdananan ng mga mafia sa buong bansa, at gaya ni Phoenix ay nakamaskara rin ang lider ng bagong organisasyon.

Gaya ng mga Xaverio ay naka maskara rin ito at wais dahil hindi sumusunod sa batas na nakalatag sa buong underground na kalakalan. Pati ang gobyerno ay mainit ang mga mata dahil sa grupong ito.

'Masiyadong tahimik. The silence is deadly.' Ang obserbasyon ni Cevor habang lulan ng kaniyang sasakyan. Alam niyang may nakamanman sa kaniya. Nandiyan lang sila sa dilim, nagtatago.

Pasimpleng hinawakan ni Cevor ang baril na nakapaloob sa hita niya. Tinanggal niya ito sa loob ng kaniyang suot na strap at pinaglaruan ang gatilyo nito. Ang baril ay kulay itim pero ang gatilyo nito ay pula. Sinundan ng daliri ni Cevor ang mirasol na naka-ukit sa hawakan ng baril.

"Rusciana's possession," Ang naka-ukit sa hawakan ng baril. May maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Cevor nang maalala na isa ito sa mga regalo ni Rusell na personal niyang ginagamit.

May kakaibang relasyon ang lalaki sa lider ng mga Rusciana. Hindi niya mahal ang lalaki pero hindi rin siya nasusuklam sa mga halik at pagtingin ng lalaki. Sa bawat gabi na kanilang pinagsasaluhan, hindi man niya maamin pero payapa siya habang katabi ang lalaking kaaway niya.

Kaya bakit pa magtataka si Cevor na malalaman ng knaiyang mga kapatid ang ugnayan niya kay Rusell kung ang lider ng mga Rusciana mismo ang nagpapahayag sa organisasyon niya na ang nakamaskarang Phoenix ang gagawin nitong reyna sa kaniyang trono.

"Akala ko wala ng mas magulo sa buhay ko, mas magulo pa rin pala ang relasyon natin, Rusciana." Pinasok niya ang baril sa lalagyan nito at itinuon ang atensiyon sa labas ng bintana ng sasakyan.

Mula sa kaniyang sasakyan ay napatingin si Cevor sa mga naglalakihang billboard sa kung saan nakapalagay ang pangalan niya, kasama ang iba't-ibang larawan ng taong may takip ang mukha.

Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon