S I C C A R I O – X A V E R I O
Tatlong buwan na ang nakakalipas. Ang mga sugat sa puso ng bawat-isa ay paunit-unti ng naghihilom. Masakit man ang ala-alang iniwan ng iba, bilang isang ama ay masasabi kong nabigyan ko ito ng hustisya. Mabibigat ang talukap ko sa bawat umaga, pinipilit ko itong buksan sa panibagong araw ngunit ang iisiping nawalan ako ang nagpapabigat nito ng husto.
Masama akong tao. Hindi ko na mabilang ang mga taong napatay ko gamit ang makasalanang kamay. Hindi ako magandang impluwensiya pero ginagawa ko ang lahat pagdating sa kinabukasan ng mga nasasakupan ko. Dahil kung maibabalik ko lang ang panahon, pipiliin kong maging isang ordinaryong tao na may normal na pamumuhay para sa ikakabuti ng aking mga anak.
Marami akong pagkakamali, pero ang maging isang ama sa tatlo kong mga anak ang hindi kabilang sa mga pagkakamali ko. Ipinagmamalaki ko na ang isang katulad kong may pusong bato at sa abot ng aking makakaya, napalaki ko ang matapang na si Cevor, mapagmahal na si Gwen, at ang maalahanin kong anak na si Nhaze.
Minsan rin akong nagmahal. Nadali rin ako sa pagmamahal na 'yan. Binaliw ako ng pagmamahal sa taong alam ko na sa simula lang. Isa rin ako sa mga taong pinilit ang pagmamahalan na 'yun. I fought for the love I know was wrong in the first place. Pinaglaban ko ang taong 'yun pero sa huli, ako rin ang bumitaw.
Ang mahalin at masaktan ang naging basihan sa pagmamahalan namin. Minahal ko ang taong 'yun, pinaglaban, at kalaunan ay nasaktan namin ang isa't-isa.
"Pinigilan naman natin di'ba? Ginawa natin ang ating lahat ng makakaya natin pero 'di rin. Hindi natin na-kontrol ang tadhana ng mga bata, mi esposo."
Mula sa ilalim ng puno, sa isang lumang parke, at sa matibay at napaglipasan na nang panahon na upuan ay binaling ko ang atensiyon sa taong buong puso kong inalayan ng pag-ibig noon. Nakikita ko sa mata niya ang pagsisisi kahit man ay hindi ako ang sentro ng atensiyon niya.
"Masiyado tayong naki-alam. 'Yan ang sigurado ako." May ngiti ang mukha niya ng binalingan ako ng tingin.
Siya ang kandungan ko sa mundo namin noon. Siya ang naging takbuhan ko sa bawat araw na nahihirapan na ako sa buhay. Ang ngiti ni Rocco ang nagpapakalma sa akin sa bawat alab at galit ko noon.
"Akala mo 'yun, nandito na tayo ulit. Pero tingnan mo ang mga sarili natin, napaglipasan na tayo ng panahon."
Ipinalibot ko ang tingin sa buong lugar. Ginawa ko itong pribado, gaya ng mga ala-ala namin na nabuo dito.
"Sa paglipas ng panahon, hindi pa rin nakalimutan ang mga mali nating desisyon sa buhay." Pinagtiklop ko ang mga kamay at tiningnan ito ng may pagsisisi.
Isang naka-gwantes na kamay ang lumapat sa kamay ko. Bago pa niya inalis ang kamay niya ay mariin at mahigpit ko itong hinawakan.
"Walang perpektong tao sa mundo, mi esposo. Oo, nagkakamali tayo ng dinawit natin ang mga kaibigan natin noon. Pero desisyon nila Amoria at Rosalind 'yun na tulungan tayo. Alam nila ang ating pagmamahalan noon. Ang kung anumang meron tayo ngayon ay utang natin sa kanila."
"Tila ba'y hindi napaglipasan ng panahon ang ating nakaraan Rocco." Nakita ko ang reaksiyon na matagal ko ng inasam makita ulit. Ang matakot siya sa pwedeng salita na lumabas sa bibigan niya.
Ang mahinhin at inosenteng si Rocco Rusciana, ang nagpalambot sa puso ko. Ang naging dahilan kung bakit may parte sa puso ko ang 'di tuluyang naging madilim. Dahil kailanman ay 'di nawalit ang liwanag na binigay niya sa akin.
"Hindi ka pa rin nagbabago, mahal ko." Ang usal ko na nagpasinghap sa kaniya.
"Napaglipasan man ng panahon pero 'di ibig sabihin nun na kailangan ko rin na magbago ng pakikitungo sa taong naging dahilan kung sino ako ngayon. May mga magbabago, pero 'di ang pakiramdam ko sa'yo, mi esposo."
BINABASA MO ANG
Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]
Teen FictionSEASON 2: ELOPING OUR CHANCES Cymon Joshua Xaverio. He's a fighter. In his world full of lies, killings, pain, and suffering he still stands out among the rest. He had to work hard for the respect he was earning. With all that happened to him, he w...