Readers,
Oras at pagpupuyat po ang ini-alay ko habang ginagawa ang mga story updates. 'Di madali ang lahat. Sana naman ay maging sensitibo tayo at huwag i-report ang mga stories ko. Iyan lang po ang hiling ko sa ngayon. Ang pagsusulat ang tanging natitira sa akin na ako mismo ang bida sa aking mundo, huwag niyo pong ipagkait. Maraming Salamat.-
N A R R A T I O N
Dumating ang araw ng kaarawan ni Cevor. Pero walang naging masaya sa pagitan ng bawat isa sa kanilang magkakapamilya.
Malaking handaan at intimate ang kaarawan ni Cevor lalo pa't lahat ng mga malalaking organisasyon sa buong mundo ang dadalo dito. At hindi na mawawala ang Red Fang Mafia, na pinamunuan ni Cadmus, the unknown leader.
Sa loob ng mansion ni Cevor ginaganap ang kaarawan. Walang media, walang ordinaryong mga tao, napaka-intima nito na animo'y parang may lamay dahil sa hangin at tinginan ng bawat-isa.
Nagkalat ang mga tauhan ng bawat organisasyon. Hindi mawawala ang mga paminsan-minsang angilan ng mga panauhin pero 'di rin umalma kalaunan.
Mahalagang pagtitipon ang ganitong okasyon sa mga Mafia Lord, syndicate and illegal organizations dahil ang ganitong pagtitipon ay walang mataas o mababa. Pantay ang lahat para sa kadahilanang dapat walang dadanak na dugo.
May mga malalaking tao rin, mga bilyonaryo at mga taong importante sa kalakalan. Nandiyan na ang mga presidente ng iba't-ibang bansa, kasama ang mga malalaking investors. After all, their world doesn't evolve in the illegal side, rather ay nakikilala rin sila sa legal na paraan. Kagaya ni Cevor na hindi lingid sa kanilang kaalaman na isang business tycoon sa tunay na mundo.
"Ladies and Gentlemen, please stay on your seats as the celebrant will have his first appearance entertaining us with a song together with his husband as his escort."
Nanlalaki ang mga mata ng mga Montero na nag-iisang pamilya na 'di masiyadong impormado sa mga taong nandidito. Kung tutuusin ay sila lang ang pamilya na 'ordinaryo'. Imbetado sila dahil may koneksiyon naman sila sa mga Rusciana.
'I-I don't understand?' Ang sa isipan ni Alcher habang tinitingnan ang dalawa.
Pumalakpak ang mga 'di masiyadong kilalang tao pero ang mga Yakuza, ang mga Rusciana, at ang iba pang malalaking sindikato ay nanatiling tahimik at minamanmanan ang buong silid. Kahit na may kasunduan ay hindi mawawala ang biglaang salakay lalo pa't nandidito ngayon ang mga iba't-ibang klaseng demonyo.
Mula sa itaas na bahagi ng hagdanan ay bumaba si Cevor, wearing his pristine white detailed gown and long train. Hindi rin mawawala ang maskara niyang sapat lang na itago ang mga mata at para makita ang mapupulang labi. On his right chest is the proud crest of a phoenix, the Xaverio's heirloom signature.
Ang asawa niyang si Nhaze ang kasama niya sa pagbaba at giniya siya nito sa isang piano at tinulungang maupo. Tahimik ang lahat at minamasdan lang ang bawat pino niyang galaw.
'So innocent yet dangerous at the same time. Who would've thought that this fine man can instantly put bullet in your skull?' Ang komento ng isang presidente sa kaniyang isipan. He knew better than to speak his opinions aloud.
Kahit na sino ka man, walang mas makakapangyariyan sa'yo maliban sa 4 Pillar o ang apat na haligi ng underground. Makakapangyarihan ang mga ito, just like Cevor, bago mahalal ang presisdente ng bansa, ay napili na niya ito. No Votes can astound his choice; kung may napili na siya ay paniguradong panalo na ito.
The syndicate's choice always matter. Dahil sa kanila rin nanggagaling ang mga pinakamalaking pera na ambag para sa bansa.
The whole area is diverse with emotions. Some lacks of it, some are sickly happy, and others are just plainly bored. They're just waiting for something that could instantly light up the fire. Knowing the 4 Pillars, they won't let it slip, lalo na't nandidito sila sa event.
![](https://img.wattpad.com/cover/241619709-288-k117643.jpg)
BINABASA MO ANG
Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]
Подростковая литератураSEASON 2: ELOPING OUR CHANCES Cymon Joshua Xaverio. He's a fighter. In his world full of lies, killings, pain, and suffering he still stands out among the rest. He had to work hard for the respect he was earning. With all that happened to him, he w...