37 ; guilt and jealousy

1.6K 104 27
                                    

N A R R A T I O N

As soon as the private jet arrived in the airport once owned by the Razello, the Montero Family readied their belongings. There's nothing much really.

Mula sa eroplano ay bumaba si Elen and Beth, nagtatakbo ang dalawang niyakap ang mga kaibigan at ang mga kasama nito.

The whole country is hot at their tail, this is the reason na tinago nila ang flight papuntang Spain. They needed to exit the country as less hassle as possible. Paniguradong susugudin sila ng mga media kapag nalaman nila na nandito sila sa airport.

"I'm really sorry, ito lang talaga ang maitutulong namin. With your losts, naapektuhan din kami. Hindi na kasi nagtimpi ang mga Xaverio at pati negosyo namin ay pinaka-alaman." Ang sabi ni Elen at yinakap ang si Juday na tulala habang nakatingin lang sa eroplano na kalalapag lang.

Elen looked at Juday in pity. The woman has nothing left, namatay ang nag-iisang anak nito, tapos ganito pa ang nangyayari sa kanila. Hindi alam ni Elen kung ano ang sasabihin sa kaibigan kaya nanahimik na lamang siya.

"It's okay, really. Malaking tulong na'to para sa amin. Wala na rin kasi kaming pwedeng lapitan. Masiyadong mainit ang pamilya namin sa mga mata ng media ngayon, iha. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa inyo." Ang pasasalamat ni Amber.

Tumango si Beth dito at sinenyasan ang isang tauhan niya para mas padaliin ang pag-karga ng mga kagamnitan ng mga Montero. Pati sila ay natatakot sa pwedeng mangyari kapag nakamata ang mga media sa kanilang pagtakas.

Naging abala ang lahat sa kanilang mga bagahe pero hindi si Juday. The whole moment na naging abala ang lahat ay 'di mapigilan ni Juday ang maiyak habang tinatanaw ang madidilim na tanawin sa gabi. Ang lamig ng panahon na tila ba nakikibagay ito sa mga dinaramdam niya, ang makulimlim na mga bituin na tila kinakait ang ningning ng mga ito, at ang disyertong lugar.

She's mad, but above all she's full of resentment. Let's face it, nadamay ang mga bata dahil sa kasalanan nila noon. Ang sakit lang kasi eh. Sobrang sakit lang kasi she was expecting na makita at maramdaman ang ni-katiting na awa ni Cymon. Naniniwala kasi siya na 'di nito ginusto na isali ang mga bata sa kanilang alitan.

Pero nung makita niya ito kahapon, she can't expect more. Ni-hindi nga niya alam kung sino talaga ang may kasalanan sa pagsabog ng paaralan. Ang alam lang niya ay wala na si Calyx, wala na ang anak niya.

Ngayon, malaya na siya sa kaniyang asawa. Walang dalawang pag-iisip niya itong hiniwalayan. Namatay ang anak niya dahil sa kapabayaan nito. Sa lahat ng nangyari ay sinisi niya ang asawa na si Ariel. Dahil sa pagiging palengkero nito ay nawalan siya ng anak. Kailanman ay hindi ito naging pabaya pero bakit noon pang kailangan siya ng anak niya.

"Juday... malamig na ang gabi, you should go inside." Pinahiran niya ang luha sa mukha at tumingin kay Angge.

"Kasalanan ba natin to? Bakit ganito na lang ibalik ng panginoon ang karma natin? Hindi naman natin 'to ginusto diba?"

Pareho silang naiyak sa tanong ng pinsan. How can it be? Papaano 'yun? Ang masaktan ka sa mismong katanungan mo? Masiyadong masakit to the point na maluluha ka.

"I-I don't know eh. 'Di ko rin alam Juday. Gusto kong maging matatag pero ang sakit. Nadamay ang mga anak ko. Buhay ko 'yun eh. Buhay natin 'yun bilang mga ina nila." Umupo si Angge sa paanan ng hagdan ng eroplano at pinahiran ang luha.

"Then why aren't we doing anything? Bakit tayo aalis? Why aren't we fighting for justice? Angge, wala ng natira sa akin. I'm all alone."

"Hindi ba't 'yan din ang naging dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay niyo?" Pareho silang napatingin kay Elen na may nakataas na kilay.

Eloping Our Chances [BL][COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon