Chapter 17

51 1 0
                                    

"Good evening, Alpha." She calmly greeted.

Napansin ng council na natigilan si Mr Yvan. Gumuhit ang malaking ngiti nila. Naikuyom ko ang kamao ko. Ibinalik ko ang tingin ko babaeng kamukha ko.

"Oh another Jasmine. Exciting," the voice in my head said.

I have this second thought na baka siya nga iyon, but now that I heard her voice I have a relief that she's still trapped in me.

"Alpha, this is Kimberly, she's the new member, and the first woman in council. She nominated by the council from the former head council last year." Paliwanag noong matanda.

Napasinghap ako nang sumibol ang kakaibang kutob sa dibdib ko.

Hindi maalis ang tingin ko sa babaeng walang kasing tamis kung ngumiti noong tawagin ang pangalan niya bilang isa sa kabilang ng council. She is indeed look like me, ang kaibahan lang ay ang mga mata namin. She has a hazel eyes and raven hair. She have this smiles that can drool the dragon's eyes. She's more than pretty and powerful than me. Ang dami niyang katangiang pinapakita ngayon na alam kong kinakaingitan ng lahat, at kabilang na ako doon. Kitang kita ko ang mga kinang sa mga mata ng mga kalalakihan na nandito ngayon na para bang sa bawat galaw ni Kimberly ay hinihila ang kanilang mga mata upang itutok sa kaniya ang atensyon na hindi dapat nila pinapalampas.


Napansin kong kanina pa si Mr Yvan tahimik at pinagmamasdan si Kimberly na ngayon ay nakangiti sa harapan niya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Mr Yvan. Kanina pa siya walang kibo, o tapunan man lang ako ng kunting tingin.


Alam niya ba na nandito siya? Ano ba ang relasyon nilang dalawa at kung makatingin si Kimberly sa kaniya ay parang may pinapahiwatig ito. I can feel the sore gouge on my esophagus that bring sting to my heart.


Kanina habang nasa kalagitnaan ang lahat sa pagtataka at pagtatanong kung bakit may kamukha ako ay pansin ko na agad ang mga titig ni Mr Yvan sa kaniya. Puno ng pangungulila, sakit, saya at pag-asa. Bigla kong naalala ang mga larawan noon sa kwarto niya.


This is a big mistake. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Mr Yvan painted Kimberly, not me. Napakalaking pagkakamali ang lahat ng ito.



Kimberly, she's back. Mr Yvan's first love is back. At ang masakit ay kamukha ko pa ito.


Halos hindi ko masangga ang mga tanong na naririnig ko kanina. They're asking my personal information. Hindi ko naman kayang gawing ibigay sa kanila ang totoong impormasyon ko at baka magkagulo pa ang lahat at malaman nilang isa akong tao. Pero alam niyo 'yong masakit? Mr Yvan remain staring at the girl, he even loosen up his grip on my hands and live it hanging. Masakit. Para akong hinampas ng katotohanan na kailan man ay hindi ako ang una niya.


Now that Kimberly is back, natatakot ako baka kung saan ako pulutin. Natatakot ako na baka pagkatapos ng gabi na 'to ay hindi na ako ang kailangan ni Mr Yvan sa buhay niya. Hindi ko ata iyon makakaya.


Tiningnan ko ang babae na puno ng pagmamalaki kung gumalaw. Kahit na marangya at sukat na sukat sa akin ang suot ko ay wala pa rin ako sa kalingkingan ni Kimberly. Ngayon alam ko na kung bakit nahulog ang loob ni Mr Yvan sa kaniya.


Tiningnan ko ang maskara kong nakalapag sa mesa. Wala na akong ganang itago pa ang sarili ko sa hubad na katotohanan. Bumalik na si Kimberly. Bumalik na ang dapat na Luna ni Yvan.


Pinangdilikit ko ang labi ko. Kahit ubusin ko pa ang laman ng baso ay hindi ko pa rin nalalasahan ang alak na gumihit sa lalamunan ko kanina lang. Walang wala sa pait na nararamdaman ko ngayon.


Bigla kong naalala ang mga painting na nasa kwarto noon ni Yvan. It was a big mistake na inangkin ko ang lahat ng mga pagmamay-ari na hindi naman dapat sa akin. The attention that Mr Yvan gave to me, was it because he saw Kimberly on me?


Ramdam na ramdam ko ang panginginit ng gilid ng mata ko, na kunti na lang talaga at magsisilaglagan na sila.


"And wedding will be on Friday, My lord. . ." Pagpapatuloy ng taga-ulat.


Wedding? Para saan? Para kanino? Para sa akin ba? O para kay Kimberly?

"Wedding?" Biglang kong singit. Lahat naman sila ay napatingin sa akin. My father give me a soft look.

"Yes, Miss Kimber...? What's your name again? I'm sorry." One of them ask.

"Ano ba kayo. Ang bilis niyo namang makalimot. Ilang minuto pa nga ang nakalipas nang ipakilala tayo ni Mr Yvan sa Luna niya." Makabuluhang sabi ni Kimberly.


"Ah pasensya na. I almost called you Miss Kimberly earlier. Parehong-pareho kasi kayo ng mukha," sabi noong tabi ni Kimberly.

"Oo, nga. Nagtataka nga rin ako bakit kuhang-kuha mo ang mukha ko. Hindi na ko nagtataka na pati ang mahal ko'y nakuha mo rin."

"That's enough." Mahinahong sabi ni Mr Yvan.

"Miss... What your name again?" tukoy niya kay Kimberly. Dumaan ang inis sa mukha niya nang sabihin iyon ni Mr Yvan. Pero hindi rin naglaon ay napalitan iyon ng mapang-akit na ngiti.

"Don't say silly things, Yvan. You know who I am, and what I am to you. Paano mo naman makakalimutan ang mukha na ito. Porque ba nakahanap ka na ng kapalit ay hindi mo na natatandaan ang pangalan ko?" Ngumiti siya. "Ako nga," sinubo niya ang pagkain na nasa pinggan niya. "Hindi ko pa nakakalimutan kung paano isigaw ang pangalan mo habang—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang tumayo ako. Pumikit ako ng marahan. Hindi ko na napigilan na kumawala sa mga mata ko ang isang butil ng luha na mabilis kong tinuyo gamit ang kamay ko. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay at ang sulok ni Kimberly.

"Excuse me," sabi ko rito. I smile at them and excuse myself. Agad kong nilakbay ang hallway na mag-isa.

I wasn't expecting Mr Yvan would follow me. Mukhang gusto niya naman ang nakikita niya. Naikuyom ko ang kamao ko. Ang labis na kinaiinisan ko lang talaga ay ang salita na lumalabas sa bibig ni Kimberly. Paano niya nagagawang sabihin iyon sa harap ng marami, at sa harapan ko pa talaga. At least she show respect to Mr Yvan's luna.

Napahawak ako sa pader nang nakaramdam ako nang biglang pagkahilo. I shake my head and continue walking. Nang nasa pinto na ako ay nakarinig ako ang pag-uusa ng mga matatandang nasa council.


"Alpha, what are we going to do with her? All of us in this room know that you pick the wrong luna."

Are they talking about me? Wait. Si Mr Yvan ba ang kausap nila?

"Ililigpit ba natin siya?"


Kung makipag-usap sila ay daig pa nila ang mga amo na nagp-planong iligaw ang pusa sa gubat. Napasandal ako sa pinto. Ipinikit ko ang mga mata ko at inisa-isang iproseso ang nangyari ngayon.


I am still waiting for Mr Yvan to speak. I want him to tell the truth and...what I am to him.


"Poor, Precious!" I heard a laugh from the voice on my head.

"Tsk...tsk...I was watching you all the time, Precious." Napatingin ako sa malapit na salamin. Tiningnan ko ang sarili kong repleka na ngayon ay parang buhay na nakakulong sa salamin.


She fire the cigarette she was holding. Tinapunan niya na muna ako ng tingin bago ito nagsalita ulit.


"I have this feeling that, that Kimberly is dangerous. You can smell her too right?"


"This is not good." Natali ang mga tingin ko sa sahig. Pinahiran ko ang takas ko na luha when she snapped in front of me.


Itinaas ko ang tingin ko nang nakita ko biglang paglabasan ng mga matatandang kasali sa pagpupulong kaya mabilis akong nagtago. Bakas sa mukha niya ang poot, gulat at pagtataka.


May nangyari ba?


Naikunot ko ang noo ko nang bigla na lang lumapit sa gawi ko ang mga matatandang kasali sa pinakamataas sa council. Sila iyong mga matatandang sumalubong sa amin kanina.



Naamoy ko ang kaligayahan na dumadaloy sa mga dugo nila.


"Naawa ako sa luna."


"Hindi niya naman siya karapat-dapat. Balita ko pa ay mahina lamang ito tao...galit ang mga mamamayan sa mga taong katulad niya."


Napapikit ako. Kung ang alam pa lang nila ay ang tao kong anyo, paano pa kaya kapag nalaman nilang anak ako ng isang makapangyarihang witch, baka kamuhian at ipatapon nila ako ng tuloyan. We all know witches are forbidden to step in this place.


Halos mapasigaw ako nang biglang may tumakip sa mga bibig ko at hinila ako sa kung sa malapit na silid. Mabilis akong humarap sa lalaking humila sa akin. Nagulat na lang ako ng makitang isa siya sa apat na council kanina.



"Shhh." He put his finger on his lips.



Although it was dark and shallow in this part, I can smell his warm body pressing on me. Napatitig ako sa walang emosyon niyang mata at seryoso nitong mukha.


"W-who are yo. . ." He put his fingers on my lips again.

Napatango na lang ako. Sinundan ko ng tingin kung saan nakadako ang mga mata niya. Halos mangunot ang noo ko nang makita sa nakaawang na pinto sila Mr Yvan at Kimberly na nagyayakapan. Parang pinana ang puso ko sa nakita ko.



Mr Yvan hugging her tight.


Sumikdo ang sakit sa puso ko ng manlambot ang expression ni Mr Yvan. Maya't-maya pa ay isang butil ng luha ang pumatak mula sa kaliwang mata ni Mr Yvan.



"Van, alam kong ako pa rin ang laman ng puso mo at hindi ang babae na 'yon."



"Bakit ngayon pa, Kim?" Tanong ni Mr Yvan."You never know how much I lost myself the day you left me."


Humarap si Mr Yvan kay Kimberly na ngayon ay kitang kita ko kung gaano ka senseridad ang bawat binitawang salita ni Mr Yvan. Mabibigat iyon na kaya akong itumba.



"I left because I have to." She said.



"Why? Please tell me!" Desperado niyang tanong. "Alam mong hindi kita kayang kalimutan! Alam mong mababaliw ako kapag mawala ka. Alam mong ikaw ang Luna ko umpisa pa lang. Alam mo iyan Kim. So please tell me why did you run away from me? Why do I have to suffer like this? Alam mo ba kung gaano ko pinaghirapan makarating sa posisyon ko upang hingiin ka sa mga lahi niyo?"


Halos tagain ako sa sakit nang marinig iyon galing kay Mr Yvan. Tila binara ng mga salitang iyon ang lalamunan ko. Nag-uunahang kumawala sa mga mata ko ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.



"Van, I was afraid that time, I was so lost when I lost our baby!" sigaw ni Kimberly habang bakas sa mga mata niya ang sakit na pinagdaanan niya.


Tinakpan ng lalaki na iyon ang bibig ko upang hindi makalabas ang ingay mula sa sakit sa aking dibdib.


T-they lost their baby?


"K-kaya naisipan kong lumayo rito para hanapin ang sarili ko. I know I was so wrong, baby but, please come back to me...."


Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Hindi ko na ata kakayanin ang mga naririnig ko ngayon. Napahawak ako sa ulo ko. I can't take it anymore.



Kusang naglakad ako palabas ng silid. Wala na akong pakialam kung makita nila ako. Napahawak ako sa umaagos sa gitna ng parte ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa tiyan ko.




Hindi maguhit ang ekspresyon ni Mr Yvan nang makita ako sa ganoong kalagayan. Sabay silang lumabas ni Kimberly. Nakatitig lang siya sa kamay kong nababalutan ng dugo. Kapag-kuwan ay nakita ko kung paano naging halimuyak sa mga mata ni Kimberly ang umaagos na dugo sa gitna ng mga binti ko.



"Fck!" Rinig kong mura ni Mr Yvan bago naging malabo ang lahat sa akin.


I try to open my eyes. Kahit na malabo ay nakikita ko pa rin kung paano pinilit ni Yvan na makaalis kami doon. I can see their fangs. Their hungry eyes.



I am so scared.


Napahawak ako sa tiyan ko. Suddenly, I can feel the small heartbeat coming from it. Napaiyak na lamang ako.



I'm pregnant?

6969 CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon