Inangat ko ang kamay ko. Nasilayan ng mga mata ko ang unti-unti pagiging abo na tinatangay ng hangin. Hanggang nawala na sa paningin ko ang mga daliri ko at hindi ko na maramdaman pa. Marahan kong idinestansiya ang sarili ko kay Vincent.
"Vince, I'm vanishing."
"No! No! You are not, Jas."
"This is the punishment of heaven for taking the life of her blood relatives," wika ni Apollo.
Lahat kami ay naipako ang tingin sa kaniya. My father runs toward me. He whispered something I couldn't understand. Unti-unti nang naging abo ang kalahi kong katawan
"W-what?" Parang nabingi ako sa sinabi na iyon ni Apollo.
Tila bumagak ang pag-asa na ipinangako ko sa anak ko. Punishment? Pwede pa rin pa lang paresahan ang tulad kong makapangyarian? Hindi ba ay napaka unfair para sa akin ang makatanggap ng parusa? Gusto ko lang naman na mapaghiganti ang anak at ina ko.
It's unfair!
Hanggang dito na lang ba ako?
"NO! PLEASE! JASMINE PLEASE DON'T GO!" Pagmamakaawa ni Vincent nang makita na niyang tinatangay na ng hangin ang kalahati ng mukha ko.
Naipikit ko ang mga mata ko. Kung hanggang dito na lang talaga ang buhay ko, ay masaya na rin ako. Mabuti na rin ito at matatapos na ang lahat ng kasamaan ko. Siguro kaya maagang kinuha sa tabi ko ang anak ko dahil alam ng mas makapangyarihan sa akin na hahantong sa pagkitil ng buhay ang kaya kong gawin o mas masama pa doon. Tanggap ko na ito na ang kaparusahan ng isang reyna na walang korona at nalilihis ng landas.
"Vincent, salamat sa lahat." I smiled at him.
Simula nang mapadpad ako ay siya ang unang tao sa Ashvil na nag-welcome sa akin. Palagi siyang nandiyan para sa akin. Bawat pag-iyak ko ay nadoon siya. Sa bawat panganib na nakaabang sa akin ay nasa gilid ko siya at handang sumagip. At hanggang dito, kasama ko pa rin siya sa kabila nang nangyari sa kaniyang mate noon. Nakakapanghinang lang at wala akong nagawa upang suklian siya sa lahat ng kabutihan niyang ginawa para sa akin.
Kung bakit kasi hindi tayo pwede noon? Siguro baka bukas sa paggising ko'y pwede na tayo? At pwede pang maging tayo. Pero napakalabo. Ito na ang huli kong sandali.
Ipinikit ko na ang mga mata ko hanggang tangayin na ng hangin ang natitirang parte ng katawan ko.
"Maligayang pagdating sa chamber of light." Dumagundong ang kaniyang boses.
Marahan kong idinilat ang mga mata ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na lugar.
Napatingin ako sa mga kamay ko. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. Hindi ko mainitindihan. Patay na ba talaga ako?
"Nasaan ako?"
Nilingon ko ang babaeng nasa tabi ko. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita kung sino iyon. Hindi makapaniwalang nakatitig ako kay Miss Joan na nagpakilala sa akin noon na secretary ng 6969 Corporation. Ganoon pa rin ang mukha nito kahit lumipas na ang maraming buwan. Nakasoot ito ng office attire niya at tuwid na nakatayo sa gilid ko.
"Welcome back, Precious." Magiliw niyang bat isa akin.
"Miss Joan...A-anong gi-ginagawa ko rito?"
Nakabalik na ba ako sa panahon ko? Kung ganoon ay makikita ko na ang pamilya ko?
"You commit a serious violation that against your role in underworld." Seryosong saad ni Miss Joan.
Biglang nagbalik sa alaala ko ang lahat na nangyari kanina. Ang pagpatay ko sa aking pamangkin ng aking ama gamit ang dahas. Ang pamamaalam ko kay Vincent at ang pagkabigo ko bilang isang reyna.
"A queen of light should bring hope and mercy to her people. Do not let your emotion bring you in darkness. Alam mo siguro kung bakit narito ka?" Tiningnan ako ni Miss Joan.
Tama siya. Sa parte doon ako'y nagkamali. Hinayaan ko ang emotion ko ang magkontrol sa akin upang makagawa ng kasamaan. Inalay ng ina ko ang buhay niya upang manatiling magliwanag ang kabutihan, pero nabahiran ko iyon ng dungis sa sarili kong kamay. Aminado akong kasalanan ko ang lahat at wala dapat akong sisihin sa pagkamatay kundi ang sarili ko.
"I'll take the responsibilities of my action." Lakas loob kong sabi sa kaniya.
Napangiti si Miss Joan sa akin, bago bumukas ang pinto ng elevator. Pamilyar sa akin ang tagpo na ito. Naalala ko ang unang pagkakataon na umapak ako sa building na ito at nag-sign nang kontrata para mailigtas ang kapatid kong si Stacey. Ito rin ang lugar na nagsilbing tulay upang makilala ko ang mga taong naging parte ng paglalakbay ko.
"Hindi mo pa rin ba nakikita ang dahilan bakit napili ka ng agency namin na maging parte sa kompanya?" biglang tanong ni Miss Joan habang binabaybay naming ang mahabang hallway.
Bigla akong napaisip sa sinabi na iyon ni Miss Joan. Wala akong nakikitang espesyal sa akin upang maging karapatdapat sa kung saan ako ngayon. Nabulag ako ng kasamaan kaya narito ako ngayon at haharapin ang parusa. Without my power, I am just a normal girl who are desperate to earn big money.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Miss Joan. "You are one of the powerful Queen that under our company. Hindi kami ang nakakita sa abilidad mo, kundi ang isang lalaki na niniwala sa iyo ang lumapit sa amin. Nang makita naming ang potensyal mo ay hindi na kami nagdalawang isip na akayin ka sa company namin. At alam mo ba kung ano ang napatunayan namin sa araw na 'yon?" Miss Joan paused.
"You have a big heart that shine bright. Dapat mo lang tanggapin ang lahat upang makita mo iyon. You claim that you are a queen of light, then prove it," she said.
Napatitiig ako sa kaniya. Yes, I always claim to myself that I am a queen of light, pero kahit isa ay hindi ko iyon napatunayan. But even the queen of light had a darkness inside her heart.
Nakita ko kung paano itulak ni Miss Joan ang malaking pintuan. Inaya niya akong pumasok sa tinatawag nilang hukuman.
Nakaramdam ako ng kaba nang makaapak ako sa marmol na sahig. Sa harapan ay nakaupo ang labing-dalawa ka-tao na nakasuot ng mga maskara at sa pinakataas nito ay isang lalaking nakasuot ng americanong damit. Tulad ng labing-dalawang tao na nakasuot ng maskara, ang lalakeng nakaupo sa pinakataas na upaun ay nakasuot rin ng maskarang lion.
"Alam mo ba kung bakit nandito ka, Jasmine?" Isa sa mga nakamaskara ang nagtanong ng makarating ako sa harapan nila.
"Nakapatay ako ng aking kadugo, at narito ako upang harapin ang parusa na nararapat sa akin," I said.
"Kung ganoon ay handa mo na bang isuko ang lahat ng kapangyarihan mo ay mamuhay bilang isang normal na tao sa mundo?"
Bigla akong napatahimik. Sanay na akong mamuhay na normal, pero noong mapadpad ang tadhana ko sa mundo ng kung saan nagkalat ang mga pangil, mga mahika at taong lobo ay doon ko rin nalaman ang tungkol sa kapangyarihan ko. Pero dahil din dito ay napunta ako sa kung nasaan ako ngayon. Nararapat lang sa akin na harapin ang kaparusahan sa aking kasalanan.
"I was once a mortal. I don't mind if you take my power. Pero may isang hiling ako sa inyo. Hayaan niyo po akong matupad ang pinaghirapan ng ina ko sa mundo ng mahika. Gagawin ko po ang lahat." Lumuhod ako sa harapn nila.
"I never seen a queen bend her knees for a mortal life," wika ng isa sa kanila.
"Ano sa tingin mo ang laban mo sa mundo ng pangil at mahika? Hindi kaya'y mabigo ka lang sa hinihiling mo?" Another one asked.
"I know I will be futile without my power. But I am a queen of light. Even without my power I can still shine. I have friends who are always there for me, I have me who always believe in what I can." I answered.
"And what makes you think we should accept your words?" they asked.
"You should accept my words and bring me back my life because without me, darkness will win the whole immortality. Ang natitirang pag-asa niyo na lang para manalo sa laban na ito ay ako. Your company will be futile without me. Kahit tanggalin niyo pa ang kapangyarihan ko kayang kaya kong ipanalo ang laban. They need the queen that can balance the world. Kaya nga binigay niyo sa akin ang yin at yang na tattoo hindi ba?" I answer them honestly.
Lahat sila ay napatahimik, hinihintay ang desisyon ng lalakeng nakaupo sa taas.
"You are right that you are the only hope we have." He started.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nakita kong sumang-ayon doon ang mga nakaupo sa harapan ko.
"Mahina na ang mga reyna sa silangan, kanluran, at hilaga at ikaw na taga-timog na lang ang natitira naming na huling inaasahan. Ganoon pa man, kailangan ka pa rin naming hatulan. At bilang paghatol ay, aalisan ka naming ng kapangyarihan at ibabalik sa lupa. Mayroon ka lamang 40-araw upang tapusin ang misyon mo at matalo ang kadiliman." Hatol niya na nagpagaan sa loob ko.
"May gusto lang akong itanong sa inyo." Tumayo ako mula sa pagluhod.
"Ang taong lumapit sa inyo para irekomenda ako, si Yvan ba iyon?" lakas loob kong tanong.
Hindi ko rin alam bakit si Yvan ang unang naisip ko noong sinabi sa akin ni Miss Joan na may isang lalaki ang nagpunta sa kanila para ipakilala ako.
"Hindi." Simpling sagot niya.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkadismaya sa sarili ko.
"Si-sino?"
"Your son."
Napatulala ako ng sabihin nila iyon. Paano nangyari iyon? Gulong gulo ang isip ko nang bigla na lang bumukas ang pinto. Dahan-dahan ako lumingon. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kakaibang saya, lalo na noong makita ko ang binata na kuhang-kuha ang ama niya.
Malapad itong ngumiti sa akin. "Mom."
BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampireR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...