"What the f*ck, Vin. Did you know what you're doing right now!? Alam mo ba kung ano itong pinasok mo!?"
I groan when I heard a girl shouting outside.
"Hinaan mo ang boses mo, baka magising mo siya!"
Naimulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang buong paligid. Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at niluwa doon si Vincent na may bitbit na pagkain.
"Hey, you're awake." He smiles.
"What's happening?" Napahawak ako sa ulo ko.
"You're almost dying in the forest."
"Kailangan ko nang u-umalis, Vin," sabi ko bago inalis ang kumot pero pinigilan ako ni Vincent.
"H-huwag ka munang umalis, Jas." Nakatingin lang siya sa mga mata ko bago niya ibinaba ang mga tingin niya sa mga labi ko.
Suddenly I remember last night, ang pagligtas niya sa akin at ang paghalik niya sa labi ko. Hindi ko mapigilan na mamula sa alaalang iyon. Hindi naman kasi posibling magkaroon ako ng paghanga sa kaniya una pa lang. He is responsible and a life savior.
Lumayo ako nang bahagya sa kaniya at ngumiti. Napatingin kami pareho nang makita namin ang isang babaeng pumasok. May matulis na tingin ito ay at kulay puti ang buhok.
"Siya nga pala, siya si Yesh, siya —" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Vincent nang magsalita si Yesh.
"Hindi ba dapat nasa Mansion ka na ni Mr. Yvan? " She rolled her eyes while she places her crossed arms around his chest.
Nakita ko kung paano mag-iba ang tingin ni Vincent sa kaniya. Kaya naman padabog itong lumabas at binagsakan kami ng pinto.
"Pasensya ka na kay Yesh, ganoon lang talaga siya, pero mabait iyon."
Napatango na lang din ako. "Nasaan nga pala ako?"
"In my Mansion," sagot nito bago ako sinubuan. Medyo naiilang pa ako sa kaniya.
I was hesitating in his actions, but he reassures me of my safety. Ilinibot ko ang tingin ko nang ipasyal niya ako sa mansion niya. Maraming mga paintings at mararamdaman mo talaga ang buhay na buhay nilang paligid. Nagkalat din ang kanilang mga maid sa saan mang sulok ng mansion. Hindi katulad ng mansion ni Mr Yvan ay mangungulila ka talaga kapag wala kang kausap.
Binati kami ng mga maids nila nang magpunta kami sa harden. Tiningnan ko si Vincent, he was smiling while pointing to the lake. Inaya niya akong manghuli ng isda sa maliit nilang lawa. Gusto ko na sanang umuwi na, pero nakita ko ang mga batang masayang nagtatampisaw sa lawa, kaya naman naingganyo na rin akong sumama sa kaniya. Tila nakalimutan ko ang nangyari kahapon. Napuno ang tainga ko ng tawanan. Tinuruan din nila akong manghuli ng isda at marami pang mga aktibidad na alam kong babaunin ko saan man ako magpunta.
Habang nasa lawa ay pansin ko ang panay sulyap ni Vincent sa akin na para bang may gusto itong itanong.
"Uhm, do you want to ask me something?" tanong ko sa kaniya habang hinihintay na may kumagat sa pain namin. Nanghuli kami ng isda and to be honest, Vicent is so patient teaching me how to catch fish. Nakaupo lang siya sa tabi ko.
"Actually, I was thinking, how did you end up in Yvan's place?" Napakamot siya sa tungki ng ilong.
"It's a long story." Napasinghap ako habang inaalala kung bakit ako pumerma ng kontrata at paano ako napunta sa lugar na ito at naging katulong ni Mr. Yvan.
"It's okay. I have all of my time." Napapantastikuhan man ay tinuloy ko ang kuwento mula noong unang araw ko sa mansion ni Mr. Yvan, but I did not include that day he punished me. Natatakot ako na baka bigla na niya na lang akong panandirian dahil doon.

BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampirR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...