Chapter 26

15 1 0
                                    

"Simula ng maglaho ka ay naging mas magulo pa ang bayan ng Ashvel." Inabot ni Sebastian ang isang tasang mainit na kape sa akin.

Pinaradahan ko nang tingin ang mga nagtipon-tipon dito ngayon. Marami sa kanila ay biktima ng nakakalason na tubig. May mga sintomas din akong nakikita mula sa kanilang balat. Bata, matanda, dalaga, binata. Lahat sila ay walang kawala sa salot kung tawagin nila.

Sure it is. Pero gusto kong malaman kung bakit? Noong iwan ko ang mundo rito pansamantala ay maayos pa naman ang bayan ng Ashvel at ginagampanan pa ni Yvan ang kaniyang pagiging Alpha sa bayan niya.

Dahil din doon ay bigla akong na konsensya. Kung hindi lang sana nangyari iyon, hindi sana ay may magagawa pa ako. Pero ang nakatataas na ang nagdesisyon sa kapalaran ko. Hindi ko na mababago ang lahat. I gritted my teeth, trying to hold myself not to cry.

"Anong ibig mong sabihin?" Napatingin ako sa mainit na kape.



"Noong mawala ka sa mansion ni Yvan ay napapansin ko na ang unti-unti niyang pagbabago. Hindi mo man alam ay isa ako sa naging saksi kung gaano kasaya si Yvan ng malaman niya ang pagdadalang-tao mo sa anak niya."





Napaiwas ako ng tingin. Tila nagbalik ang sakit sa aking dibdib ng maalala ang pagkasawi ng aking anak sa sinapupunan ko.


"Masaya? Ni hindi niya nga ako kayang tingnan sa mata nang matagal?" Mapait akong tumawa. Tila nanumbalik ang lahat sa akin. Ang sakit na binitawan niyang salita, hanggang sa mga malalamig niyang mga titig at pagkulong niya sa akin sa silid ko upang makasama si Kimberly, at ngayon malalaman kong masaya niya na nagdadalang tao ako sa anak niya? Para naman atang ang unfair naman noon.

Bumuntong-hininga si Sebastian. "Believe me, Jas. He's above the earth hearing the news."


Hindi pa rin ako kombensido na naging masaya siya balita ko na 'yon.

"Maging ako ay nagtataka man sa kaniyang biglaang trato." Umupo sa gilid ko si Sebastian at nagdagdag ng wika, "Bali-balita na sa buong mansyon ang tungkol sa pagpasok ng isang babae sa council. It's just a rumors that spread like a fire. Hanggang sa umabot kay Yvan ang tungkol doon. He talks to his council. Lahat bg myembro ng council ay ayaw sa kaniya, everyone know about it. Simula kasi noong naluklok siya sa murang edad ay palaging kinukontra ng council ang desisiyon niya. Kaya siguro, humanap sila ng kahinaan niya. Upang makumperma ay palihim akong nag-imbestiga dahil may kutob akong nagbabadya ang isang papalapit na panganib. Tama nga ng hinala ko't ipinasok nga nila si Kimberly bilang kahinaan ni Yvan."

Mahigpit akong napahawak sa tasa ko. I suddenly feel the pinch that lock the pain inside my heart. Bakit parang nasasaktan pa rin ako doon?

Marahan akong sumimsim ng kape nang maramdaman ko ang isang mabigat na bagay ang dumadagan sa dibdib ko. Bigla kong naalala ang sinabi noon ni Yvan kay Kimberly. Mahal niya pa ito ay kahit kailan may hindi ko siya napalitan sa puso ni Yvan.

"Matagal ng nakalimutan ni Yvan si Kimberly. Simula nang dumating ka Jas. Wala na siyang ibang inaalala kundi ang kapakanan mo. Hindi ka niya minahal dahil lang sa kaparehas kayo ng mukha ni Kimberly. Kung totoosin ay malayong-malayo ang agwat ninyo ni Kimberly. Kimberly never been careless. She calculate all her decision, hindi na niya binigyan ng puwang si Yvan na mag-alala sa kaniya tulad ng ginawa mo. Dahil din doon ay naramdaman niya ang dati niyang kasintahan sa bawat galaw at desisyon mo na nagsasabi na kailangan mo siya."



"Nandoon din ako ng aminin ni Yvan na mahal niya pa si Kimberly pero sa huli ay sinabi ni Yvan na handa na niyang palayain ang alaala nilang dalawa. Pero hindi pumayag si Kimberly. She tried to persuade him... I was thinking that she uses a magic spells to make Yvan fall in love with her."


Nagulat ako sa sinabi na iyon ni Sebastian. Totoo ngang hindi ko narinig lahat ang pag-uusap nila noon sa council pero hindi ko pa rin maintindihan. Kung pinalaya na ni Yvan ang kahapon nila ni Kimberly bakit patuloy pa rin akong sinasaktan ni Yvan noon? Bakit pinapamukha niya sa akin noon na wala akong puwang sa buhay niya at ang tanging inaalala niya lang ay ang bata sa sinapupunan ko?

And the spell? Is it really possible to pour a love potion who's stronger than them? Hindi ba parang katangahan naman ata kung hindi iyon mapansin ni Yvan. He's the strongest Alpha in their pack. Parang malabo naman ata yon.


"Lahat siguro para sa iyo ay nakakalito. Maging kami ay nalito rin sa biglang galaw ni Yvan. Hindi namin maintindihan kung bakit ang palagi niyang kasama ay si Kimberly at hindi ikaw, na kung tutuosin ay halos pangalan mo ang bukang-bibig niya."





"Hindi kaya, may rason kung bakit ako tinutulak ni Yvan papalayo?" taka kong tanong.



"Ganiyan din ang nasaisip ko ng mga oras na iyon. Malakas ang kutob ko na baka ay kinuha nila Aris at Kimberly ang pagkakataon na iyon upang mahawakan nila sa leeg si Yvan, dahil alam nilang ikaw ang kahinaan ni Yvan. At mahina ka sa punto na iyon dahil sa pagbubuntis mo."





Naitutok ko ang buong atensyon ko sa kape na hawak ko. "Kung tama nga ang hinala mo, bakit hindi niya sinabi sa akin?"





Bigla kong naramdaman ang pang-iinit ng sulok sa mga mata ko. Bakit hindi niya na lang ako sinabihan ng araw na iyon? Bakit kailangan niya pang-ipagtabuyan ako? Hindi sana ay buhay pa hanggang ngayon ang anak ko.





"Hindi ko maintindihan, Seb. Bakit kailangan niya pang-ipagtabuyan ako? Hindi ba pwede na kaming dalawa ang humarap sa pagsubok? Hindi lang ako basta tao lang, kaya ko rin siyang protektahan dahil makapangyarihan din ako. H-hindi sana ay buhay pa ang anak namin." Humarap ako sa kaniya na may luha sa mga mata.





Mabilis na tinuyo iyon ni Sebastian, nakita ko rin ang gulat at ang mga luha sa mga mata niya. "Hindi ko alam na masasawi ang bata na dinadala mo—"





"Alam mo ba kung sino ang pumatay sa anak ko? Siya mismo ang pumatay sa anak niya. Kung hindi lang siya sumuko. Kung hindi niya lang pinaramdam sa akin ang mga masasakit na salita. Hindi sana ay nailigtas namin ang anak namin. Hindi sana ay nahawakan ko siya. Makapangyarihan naman ako, Seb. Bakit ganoon?" putol ko kay Sebastian.





Marahan akong niyakap ni Sebastian, hinagod niya rin ang likod ko upang maibsan ang sakit na dinadala ko sa dibdib ko.



"Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Pero alam kong matapang ka, Jas. Nalampasan mo na lahat ng pagsubok na nasa daan mo, wala ng rason pa para umatras ka pa. Ikaw na lang ang natitirang pag-asa naming."





Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at ngayon ko lang napansin kung gaano kapagod at puyat ang buong mukha ni Sebastian. Malayong-malayo ito noong mga araw na pinaalalahanan niya ako tungkol sa propesiya. His mischievous and wise all the time pero ngayon ay lantad na lantad ang totoong pagkatao niya. Ganoon na lang ang pagtataka at pagkaawa ko sa kaniya ng makita ang bakas ng isang posas sa leeg niya.





"Seb, paano ka ba napunta sa lugar na ito?"



Bigla silang napatahimik.



"Dahil kay Joanna," puno ng pait niyang sabi habang nakangiti.



"Tatlong taon rin akong nagging aso sa kamay ni Aris." Pauna niyang kwento.





"Bago pa man ako napasakamay ni Aris ay nagkaroon noon ng isang patimpalak na dapat ay sa mga university lang ginagawa. Hindi na nakikinig sa akin si Yvan noong sinabi kong masyadong madahas kung ilalabas namin ang laro na iyon. Binuo namin ang prey and predator hunting upang malaman ang karapat-dapat na magkaroon ng stars at rank sa university, pero hindi ko akalain na maiisip niya ang ganoong kahibangan na ilabas ang ground at maging open ito sa lahat ng mga mayayaman na dumadayo sa bayan upang manuod at pagpustahan. Nagsisimula na ring maghirap ang buong bayan ng Ashvel, naging talamak ang mga kasamaan ng buong lugar dahil sa pamamahala ni Yvan, na kahit ang buong council ay hindi makakatutol sa desisyon ni Yvan na hayaang magpatayan ang kaniyang bayan. Ang laro na iyon ay nilahukan ng labing dalawang pares. Tulad ng nakasanayan sa university noon na kung sino man ang makabunot ng Prey ay magtatago dahil tiyak mapapatay sila ng mga nakabunot na predator. Hindi naging maganda ang takbo ng lahat dahil oras na mapatay ka ay wala ng extra life ang magbibigay sa iyo upang magising ka pa. Patay kung patay at buhay kung buhay. Pero kahit na mabuhay at manalo ka pa, ay sa huli ay kamatayan pa rin ang nag-aabang saiyo, dahil kung sino man ang makakaabot sa finish line ay makakaharap nila ang mabagsik na si Yvan." Napatitig siya sa kape.





"Isa sa lumahok ay si Joanna," he inform. Napakurap ako. Napahawak ako nang mahigpit sa tasa ko.





Hindi ako makaniwala sa narinig ko. Bakit gusto niyang makalaban si Yvan? Hindi ba ay magkadugo sila?





"Naiintindihan kong gusto niya ring pigilan si Yvan, pero wala siya sa posisyon upang kalabanin ito. Mas doble ang lakas ni Yvan kumpara sa dati, baliwala rin ang lakas ni Joanna sa kaniya. Sa huli ay nakaabot na sa tutok si Joanna, pero marami na siyang natamo na sugat at malabong makalaban ba ito." Bakas sa mga mata ni Sebastian ang takot at awa habang inaalala nito ang mukha ni Joanna.





"I volunteer as a substitute dahil hindi na magawang makalakad pa ni Joanna sa pagkalaban niya kay Yvan. Wala sa akin ang mga sugat ko kumpara sa natamong sugat ni Joanna. We been through a long fight pero hindi na iyon tulad na dati na kapag may natumba ay nandoon ang isa upang ilahad ang isang kamay para makabangon. Doon ko lang napagtanto na nagbago na si Yvan at kahit kaibigan at kadugo niya pa ang kaharap niya, ay hindi niya kinikilala ito at tinudurog niya hanggang malumpo at mamatay.Masyadong masakit ang aking pagkatalo ko, pero wala ng mas sasakit pa noong ibigay niya ako kay Aris upang gawing sunod-sunoran. Doon na nagsimula ang buhay empyerno naming lahat sa kamay ni Aris."





Hindi ko alam na sa aking pag-alis ay siya naman ang paghihirap ng mga naiwan ko rito sa lupa. Nakakalambot ng tuhod marinig ang masakit nilang kwento.



Nahinto ang pag-uusap namin ni Sebastian nang magkagulo ang lahat. May mga kalalakihan ang naghahanap kay Sebastian.



Agad na lumuhod sa harapan namin ang isang binata. Pamilyar sa akin ang mukha niya, marahil ay naging estudyante rin noon sa university. Hindi man siya nakitaan ng sintomas ay alam kong bitbit na ng dugo niya ang salot sa kaniyang balat.



"Pakiusap, Seb. Iligtas mo siya. "



Napatingin sa akin si Sebastian. Agad na binitawan niya ang tasa. Seryoso ang buo niyang mukha bago ibinaling ang tingin sa lalaking nagmamakaawa. Mabilis na rumesponde si Sebastian.



Tulad ng nakita ko kay Angelica ay mayroon ding acrodynia ang ina ng binata. Kahit na mga bampira o werewolf sila, pagdating sa ganitong sakit ay wala siyang kawala. Para itong virus na walang sinasanto. Nasa likod lang ako ni Sebastian habang ginagawa niya ang makakaya upang iligtas ang matanda.

Napaluhod siya habang tinitingnan ang lagay ng matandnag babae. Masama ang lagay nito. Nag-nanana na ang mga sugat sa kaniyang balat. Mahina na rin ang kaniyang katawan. Hindi ko alam kung kakayanin pa niyang indahin ang sakit galing sa mga lumalalang sugat. Sa palagay ko ay hindi lang ang mercury ang nakapasok sa buong katawan ng matanda. May mga namumuong bukol din sa kaniyang mukha na hindi mo mabilang.



"Ma-masama ang lagay n-niya." Napasinghot siya. He's weak too. Bakas iyon sa kaniyang galaw. His hands are shaking while smashing those herbs.



Naririnig ko ang pag-iyak ng binata at pakiusap na mailigtas namin ang ina niya. Tiningnan ko si Sebastian nang marinig ang mahinang daing nito habang walang tigil ang kaniyang kamay sa paggamot. Kahit na dumudugo na ang kaniyang kamay kakapokpok ng mga halamang gamot ay ayaw pa rin itong tumigil.



"Seb." Tawag ko sa kaniya ng hindi ko na makita ang paghinga ng matanda.



"Hindi, maliligtas ko pa siya." Kitang-kita ko sa mukha ni Sebastian na pursegido siyang matulongan ang matanda.



Napapikit ako ng mata. Kung nasa sa akin lang sana ang kapangyarihan ng aking ina ay hindi sana'y may nagawa ako.



Hinawakan ko si Sebastian sa balikat niya. "Ka-kaya ko pa siyang iligtas, Jas!" sigaw niya.



"Ma!" Sigaw ni Seb sa matandang unti unti ng pinipikit ang kaniyang mga mata.


"Ma! Pakiusap. Pakiusap ma. Gumising ka please. Kaya natin 'to ma! Mama! Mama!" Paulit-ulit niyang sigaw.



Napatakip ako sa bibig ko. Napapikit ako ng mariin sa nasaksihan ko. Hindi ko alam na kabilang sa nandito ang pamilya ni Sebastian. Niyakap niya nang mahigpit ang kaniyang ina sa huling sandali.



Muling pumatak ang isang luha sa mga mata ko. Kung may magagawa lang sana ako para sa mga taong ito, hindi na sana sila nagtitiis pa sa munting tubig na nagmumula sa palasyo ni Yvan na nagdudulot ng sumpa na ito. Kahit ang mga bata ay malaya sana nilang nalalasap ang tunay na lasa ng tubig.



"Umuulan." Isang salita ang pumukaw sa aming lahat. Agad kaming tumingala sa langit.



Unti-unti ay nababasa nito ang mukha ko dahil sa sunod-sunod na patak. Napatulala ako. Napatingin ako sa mga kamay ko nang maramdaman ang isang kakaibang kapangyarihan na nanggagling doon.



Lahat sila ay sabik na sabik na matikman ang buhos ng ulan. Nakita ko si Angelica na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na nakikita niya ang butil ng ulan na matagal nilang hinihingi sa langit.



"Sa loob ng anim na taon ay ngayon lamang ulit umulan." Naluluhang sabi nong matanda.



Lumapit ako kay Sebastian na ngayon ay nabasa na ng ulan at yakap yakap ang kaniyang ina. Lumapit ako at hinawakan ang kamay ng kaniyang ina.



Ipinikit ko ang mga mata ko. "Nebe, prosím tě, abys odpustil její duši a uzdravil ji ze zoufalství." Mahina kong bulong.



Napansin kong nalalagas ang mga namumuong bukol sa buong balat ng ina ni Sebastian. Nakita ko na hindi makapaniwala ni Sebastian sa nakikita niya.


A gasp of beginning and life wakes everyone's attention. Unti-unti ay iminulat ng matanda ang kaniyang mga mata na sinubong naman ng luhang nagpapasalamat ni Sebastian. Mabilis na niyakap ng binata ang kaniyang ina, maging ang kapatid ni Sebastian ay walang humpay na nagpapasalamat sa akin.



Wala akong idea kung saan ko nakuha ang mga katagang iyon na gumawa ng isang himala. Hindi ko rin lubos na akalain na maibabalik ko ang karunongan ko sa mahika. Napatingala ako sa langit at nagpapasalamat sa kaniyang ibinigay ngayong oras na ito.



Mabilis kong tinulongan ang mga batang nadatnan ng acrodynia at ang iba pa. Nakapagpundar na rin ang iba ng tubig galing sa walang tigil na ulan. Marahil para sa akin ang paglisan ko rito ay minuto lamang, pero para sa mga tao na nandito ay labis na hirap ang dinanas nila.



Tila nakalutang ang puso ko sa kaligayang nakikita ko ngayon. Naalis ko na ang sumpa sa kanila. Napalitan na ng saya ang kanilang mukha.



Tumabi sa akin si Angelica na siyang huli kong ginamot. "Maraming salamat po, mahal na Reyna."



Marahan siyang yumuko sa akin. Ganoon din ang ginawa ng iba pa, nakita ko ring si Sebastian na ganoon din ang ginawa.



Tumayo ako ng tuwid. "From now on! No one will die because of thirst, hunger and fear. As long as I am with you, I will not leave you and let you be enveloped in fear and anxiety. Because today I will be your queen and tomorrow will be our salvation against oppressive enemies who have planted fears in our hearts." Sabi ko na nagpabuhay sa kanilang mga puso.



Mabilis silang nagbunyi sa sinabi ko. Napuno ng pag-asa ang kanilang mukha, at naging masigla ang kanilang diwa.





Gabi na at handa na ang lahat sa paglipat, may ginawa akong barrier sa lugar kung saan nakita kong malayo sa Ashvel at sa kaharian ni Aris. Masyadong malayo iyon at hindi sapat ang paglakad kaya kinakailangan namin ng mga werewolf upang isakay ang mga mortal na tao papunta sa lugar na iyon.



Inilahad ni Sebastian ang kaniyang kamay habang nakasakay sa taong lobo kasama ang kaniyang ina.



Napailing ako. "Mauna na kayo roon."



"Pero, Jas–"



"Seb, marami pa akong dapat iligtas sa kamay ni Yvan. He needs to pay for the circumstances, Seb," sabi ko sa kaniya. He pause a little moment. Their is an hesitate in his voice that he keeps on his tongue.


I know it. I know them.



"Pero napakadelikado ang gagawin mo, Jas." Pag-aalala niya sa akin.



"You said that nanay Rona, Joanna and Vincent are on that place. Kailangan ko silang iligtas."



"Kung ganoon ay kailangan kitang samahan." Nakangiti niyang sabi.



Napangiti ako ng makita ang dating Sebastian. Ganitong ngiti rin ang iginawad niya sa akin sa unang araw ko sa Ashvel.



Laking pasalamat ko sa sinabi na iyon ni Sebastian. Kailangan ko ng mata sa loob at labas ng malaking pader na iyon upang mailigtas ko ang mga tao na nabihag ni Yvan.



Napatingin siya sa kapatid niya at sa nakasakay nilang ina.



"Please, keep our salvation safe. Huwag mong pababayaan ang ina natin." Habalin nito sa kaniyang kapatid.



Magp-protesta pa sana ang ina nila pero nang tingnan niya ako ay bumuntong-hininga ito at ngumiti sa amin. "Mag-iingat ka anak." Wika niya. Napatingin siya sa akin at dumaing sa kalangitan. "I know you can do it. We believe in you, my queen."



Nakita ko kung paano matigil si Sebastian sa narinig niyang pagtawag ng kaniyang anak.



"Kayo rin, ma."



Naglakbay na ang mga lobo bitbit ang mahigit isang daan katao na likuran nila. Hindi ko rin hinayaan na maglakbay sila na wala ang aking kawal.



Hindi ko alam kung paano ko ulit nabawi ang aking kapangyarihan na mag-summon at magpagaling pero isa lang ang natitiyak ko. Nagbalik na ang tanging pag-asa nila na makakatalo sa kanilang Alpha.



Napatingala ako ng mapansin ang isang payong. Napatingin ako kay Sebastian habang nakangiti.



"When Joanna sees that we didn't bring an umbrella she might scold the two of us." Natatawang sabi ni Sebastian.



Bigla kong naalala ang araw na inabotan ako ni Miss Joanna ng payong. Iyon rin ang araw na biglang umulan ng malakas at wala akong dala na isang gamit bukod sa jacket ko at cellphone. Napabuntong hininga ako. Kahit naman hindi naging maganda ang naging takbo ng buhay ko sa loob ng ilang buwan na pamamalagi sa mansion ay isa si Miss Joanna kung bakit gusto kong iligtas ang bayan ng Ashvel. I know she's pure. Malinis ang kaniyang intensyon , at hindi niya hahayaan na mag-isa kang babaybay sa maputik na daan na walang payong. She's one of the ideal friends that I would cherish forever.



"Sure, she will." Tugon ko.



Hintayin mo lang kami, Miss Joanna. Ililigtas ka namin.



6969 CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon