Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan namin ngayon na alam na nang buong palasyo ng Alpha na patay na si Glenda. Naging alarma ang lahat ng kawal sa palasyo at nagpakalat ang mga bantay sa labas ng pader tulad na lamang nang nakikita ko ngayon.
Mag-isa ko lamang na tinahak ang patay na siyudad ng Ashvel. Palihim lamang ang lakad na ito dahil ayaw kong sumama pa sila Vincent. Mas kailangan ng iba pang mga lobo ang tulong ng kambal at Vincent dahil marami sa kanila ay hindi pa lubos na magaling gawa nang pag-atake ng mga croucker.
Habang tinitingnan kung paano ako makakapasok sa loob ay nagulat na lamang ako nang isang kamay ang humila sa akin patungo sa kagubatan. Sinubukan kong makaalis sa kaniyang mga kamay, pero laking gulat ko na lamang nang makita kung sino iyon.
Mabilis niya akong sinipa dahilan para mapaupo ako sa damuhan. Napamura ako dahil pakiramdam ko'y natamaan nang husto ang kamay ko. Hindi na siya nag-aksaya pa nang segundo at mabilis niya akong inatake. Sunod-sunod naman ang bawat sangga na ginawa ko.
I split blood. Nakatukod ang dalawa kong kamay habang nakadapa sa damo. Sumasakit na rin ang buo kong katawan dahil sa sunod-sunod niyang pag-atake. Ilang minuto pa lang kaming magkaharap ay labis na ang natamo kong pinsala.
Nakita ko kung paano niya sundan ang mga kamay ko habang tinutuyo ko ang sulok ng aking labi. Tanaw ko rin kung paano gumalaw ang kaniyang Adam's apple na tila nagpapahiwatig ito nang biglaang pagkatakam.
Napamura ako sa isip ko. Hindi ko alam na ganito kalakas ang taong ito. Kaya niyang sanggain ang mga pag-atake ko sa kaniya at kaya niya ring ibalik ang atake ko nang mas doble pa.
"Tch. This is boring. Paano ka makakaabot sa dulo kung ako pa lang ang kaharap mo ay lugmok ka na?" He said.
Kumunot ang noo ko. Naiinis na ako sa lalaking ito. Hindi biro ang kaniyang lakas. Kahit anong pilit kong tama sa kaniya ay tila parang wala lang sa kaniya iyon.
"Your name is Jasmine, right?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ko ang kaniyang ngiti sa labi.
"What a wonderful name." Bulong niya.
Mabilis akong tumayo upang sugurin siya. My eyes is desperate to hit him, pero mabilis niya lang ako sinalo ng kamao niya at tinamaan sa sikmura.
Halos manginig na ang mga tuhod ko. Nanghihina na rin ang buo kong kalamnan gawa nang malakas niyang pagsuntok.
"I heard you tried to rescue the old woman. What's her name again? Ah, Rona? "
Mabilis na kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya na iyon. Pinilit ko ang buong katawan ko na gumalaw. Kahit na ang mga spell na ginamit ko ay tila wala lang sa kaniya at mabilis niya lamang iniilagan ang mga iyon.
Narinig ko ang kaniyang pagtawa na tila ba ay iniis pa ako nito.
Hingal na napangiti ako sa kaniya. Wala na akong lakas pa upang makipagsabayan sa lakas niya. Hindi na rin kaya ng mga tuhod ko na habulin siya at patamaan.
"I didn't know you are more beautiful when you're mad,'' mapang-asar niyang saad habang mabilis na nakaupo sa malaking kahoy.
I touch the ground to summon my demon from the underworld. Agad na nabura ang ngiti sa labi niya at mabilis na sumeryoso ang kaniyang mukha. Bumaba siya sa puno at nakatitig sa aking na summon.
It's the black mutant butterfly na makikita lamang sa underworld. He has the ability to kill by spreading his wings and produce a strong chemical that can kill by a second.
Lumapit ako sa aking na-summon at hinawakan ito. "Have you meet my guardians?"
"Y-you can summon monster?" Nauutal niyang saad.

BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampireR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...