Chapter 14

137 5 3
                                    

A loud knock wakes me up from a deep sleep. I groan and force myself to open my eyes when the lights from my window hit my senses.

"Wake up, Precious, or else I will hit this door!" I heard him roar in front of my door. Napatingin ako sa tray na hindi ko ginalaw kagabi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon, ilang araw na rin akong walang gana sa lahat. Para akong pagod at tinatamad na bumangon sa kama. Ilang araw na rin akong walang ganang pumasok sa skwelahan o bumangon man lang sa kama ko. Maybe I was broken hearted because of what happened that night. Sino ba naman kasi ang niloloko ko? Alam ko naman noon pa na imposible na magsama kami ni Vincent kahit na marami kaming kapareho sa buhay. Lilipas din itong sakit. I believe in healing zone but I am not sure what will happen to me after I recover from pain. Gusto ko na lamang humiha hanggang malagutan ng hininga. Nagulo ko ang buhok ko sa inis sa paulit-ulit niyang pagkatok sa pinto ko. Ilang araw na rin akong binubulabog ni Yvan sa tuwing hindi ako bumababa upang sabayan siya sa pagkain.

"Precious," I heard him sigh.

Napataklob ako ng kamot dahil sa boses niya na 'yon. Naiinis ako sa boses niya sa hindi ko malamang dahilan. Sino ba ang niloloko ko? Naiinis naman talaga ako sa kaniya simula na noong mapadpad ako sa mansion at makulong sa bayan na ito.

Naidilat ko ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang pagkawasak ng pinto. Mabilis kong inalis ang kumot ko at masamang tiningnan si Mr. Yvan. Out of nowhere, I can feel my anger rage out of my head.

"What did I do?" Tanong niya sa akin sa pagmamakaawa na boses. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at umupo sa gilid ng kama ko.

"Umalis ka na muna, Mr. Yvan!" Inabot ko ang unan ko at malakas na binato sa kaniya, na agad din naman niyang sinangga gamit ang kaniyang kamay.

Agad na kumunot ang noo niya nang makita niyang magliparan ang feather ng unan sa tindi nang pagkakabato ko sa kaniya. Halos umulan na ng feather ang buong kwarto ko dahil sa pagbabato ko ng unan sa kaniya. I want him out of my sight!

"What's wrong with you?" Sangga niya ng abutin ko ang lampara sa gilid ng mesa ko.

Hindi ko siya sinagot nang bigla na lang may maamoy akong nakakasuka mula sa nakahaing pagkain. Mabilis kong binitawan ang hawak kong vase nang pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko. Mabilis akong tumakbo sa banyo at sinarado ang pinto. I make a spell on that door para hindi niya mabuksan tulad na ng nangyari sa kwarto ko.

Don't ask me about how I discover those spell. It come out naturally.

I continue vomiting. Halos mawasak ko na ang kubeta mailabas lamang ang nais malabas. Pinunasan ko ang labi ko nang makitang wasak na ang pinto.

"What!?" Gulat na napatingin ako sa kaniya dahil sa mukha niya. He looks like he's about to faint.

I pressed my lips to avoid from laughing. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa mukha niya, wala namang bago.

"Did you make a spell from that door?"

"Yes, I did." I laughed.

He swallowed hard and press his lips. "What happen to you?" Mabilis niyang nilagay ang palad niya sa noo ko but I managed to get away from his hands.

"Ano ba!?" Pinanlisikan ko siya ng mata.

Napaatras siya sa gulat. Inikutan ko siya ng mata bago naglakad pabalik sa kama ko. Umupo ako doon habang nakaharap sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin bago inilipat ang tingin sa kaniya. Nakatayo lang siya doon at nakatingin sa akin.

Napayuko ako at tiningnan ang kamay ko nang makita doon ang maiitim na tattoong kumakalat. Mabilis kong tinago iyon gamit ang sleeves ng jacket ko.

"Precious," he called my name again. Hindi ko napansing nasa gilid ko na siya at nakatingin sa kamay kong pilit kong tinatago. Hinawakan niya ang kamay ko pero pilit ko iyon binabawi.

6969 CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon