Chapter 4

345 9 0
                                    


Mabilis na bumalik ang lahat dahil sa pagtutulong-tulongan ng mga tao sa Ashvel. Nakasama ko na ulit si nanay Rona. Halos hindi nga maawat ang mga tanong niya tungkol sa nangyari sa akin. Mabuti na lang at nakalusot ang mga pagsisinungaling ko. Sinabi ko sa kaniyang noong nagkagulo ang mga tao ay bigla na lang akong nakuyog kaya nakapagtago ako nang magsimula ang kaguluhan.

"A-ano po ba iyong umatake sa bayan?" tanong ko kay nanay Rona habang pinupunasan ang mga vase.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni nanay Rona bago nagsalita.

"Witches," nanay Rona said.

Napahinto ako. Agad na humigpit ang pagkahawak ko sa basahan. Bigla na lang bumalik sa akin ang alaala noong nasa kagubatan ako. Hindi na rin ligtas sa labas ng Ashvel. Paano na ako makakatakas nito?

"Nakakapagtaka rin dahil sa tagal ng panahon, ngayon lang ulit umatake ang mga witch na iyon. Hindi ko rin alam kung paano sila nakapasok sa loob ng Ashvel," sabi ni nanay Rona habang nakatitig sa rosas niya.

Hindi ko akalaing makakasalamuha ako ng mga hindi kapani-paniwalang nilalang. Demon, witches and wolf. Ano naman kaya ang susunod?

"A-anong klase po ba ang bayan ng Ashvel, ba-bakit nagkaroon ng mga witch?" I heard nanay Rona sigh.

"Marahil para sa iyo ang lugar ng Ashvel ay isang misteryo. Pero huwag kang mag-aalala dahil mga normal naman ang mga naninirahan sa bayan. Maybe some of them has a blood line of wolf and vampire kaya naman ang mga taong nakikitaan ng mga kapasidad nang vampire at wolf ay sinasanay ang kanilang kakayahan upang makagawa ng mabuti." Napatango ako sa paliwanag na iyon ni nanay Rona.

" Sa lahat ng bayan na nandito ay ang Ashvel lamang ang nanatiling matatag..."

"Ano po ang ibig sabihin niyo?" Nakakunot noo kong tanong.

"Lahat ng kalapit na bayan ay minamarkahan na teritoryo ng mga mangkukulam na iyon. Kagimbal-gimabal ang naging kasaysayan na natamo ng ibang bayan at ibang distreto dahil sa pagsugod ng mga mangkukulam." Binitawan ni nanay Rona ang gunting niya sa mesa.

"W-wala bang naging aksyon ang gobyerno doon?" Hindi ko mapagilang hindi mangusisa tungkol sa bayan nila.

"The government was corrupt. Ang mga naloklok na gobyerno ay galing sa ibang distreto at ibang bayan. Isa rin sila sa sumira sa kanilang bayan at distreto at pinabayaang sakupin na lang ng mga witch ang kanilang kinalakihang lupa. Hindi rin nakaya ng Alpha ang pagyayari na 'yon dahil ayon sa mga usapin ay namatay ang Luna niya sa bayang sinakop ng mga witch." Dagdag pa ni nanay Rona.

" S-sino po ba ang tinutukoy ninyong Alpha?"

Bumuga muli ng hangin si nanay Rona bago umupo at tiningnan ang rosas niyang kanina lang ay ginugupitan. "Ang dating alpha ay nagmula sa Tyui City but because of the tragedy kinakailangan muling pumili ng Lucian council ng bagong Alpha para pamunoon ang government of each city."

"A-and who is the current Alpha right now?"

Sasagot na sana si nanay Rona nang bigla na lang dumating si Miss Joanna.

"Mukhang malalim ata ang pinag-uusapan ninyo?" Humarap siya sa akin bago ako tiningnan nang nakakatakot na tingin.

"Didn't I tell you that today is your first day of school?" Tiningnan niya ang relo niya at ibinalik sa akin.

"Any minute the car will be here."

Napabuntonghininga ako bago yumuko. "Patawad po, miss Joanna at hindi ko po namalayan ang oras." Labag man sa kalooban kong pumasok sa paaralang hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko pagdating doon, ay nagpaalam ako sa kanila.

6969 CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon