Naging matagumpay ang pagpasok namin ni Sebastian sa loob ng mataas na palasyo na itinayo ni Yvan. Hindi ko akalain na ganoon ka hirap lusutan ang kaniyang mga kawal na nagkalat. Kamuntik pa kaming mahuli dahil sa paggamit ko ng mahika. Buti na lang at napigilan agad ako ni Sebastian na gumamit. Tila may detection system ang buong lugar na 'to, at hind basta-basta makakagamit ng mahika na hindi napapansin. Pansin ko ring mabilis nilang maamoy ang mga intremetido tulad namin.
Hindi kami dumaan sa entrance mismo ng kanilang kaharian, kundi sa pinakatago na tanging si Sebastian lamang ang nakaalalam. Sa pagkakaalala ko ang lugar na ito ay ang mansion noon ni Yvan. Hindi ko rin alam kung paano nila natatag ng ganito kataas ang pader na siyang naghahati sa palasyo niya at sa bayan ng Ashvel, na kung titingnan ay tatagal ng isang dekada bago mabuo ang pader.
Mabilis akong hinila ni Sebastian sa kamay ng bigla na lang may dumaan na werewolf. Hindi pa kami tuloyang nakaabot sa pinakapinto ng palasyo ay nagkalat na ang mga werewolf.
Nakagat ko ang ibabang labi ko sa kaba nang marinig ang mga yabag nila na papalapit sa amin. Maging si Sebastian ay bilang na lang ang pinapakawalan niyang hininga upang hindi marinig ng mga nakapalibot sa amin.
Sebastian is a pure vampire at sa pagkakaalam ko ang 6th generation ay may sensitibong pangamoy na tulad ng sa akin. They're like the new born whose eager to win in every match.
Tila kinakampana sa kaba ang puso ko para sa amin ni Sebastian. Nasa mahigit isang daan ang nagkalat sa buong lugar at ang puno ng narra lamang ang pwede namin pagtaguan ngayon. Ilang kilometro rin ang layo upang makarating kami sa pinakamalapit na pinto na maghahatid sa amin sa loob ng palasyo.
"Rona!" Tawag ng kung sino man.
Agad na lumaki ang mga mata ko ng marinig ang pangalan na iyon. Pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko sa tuwa, lalo na noong na komperma ko ang boses niya.
Sinibukan kong hanapin ang hininga ni nanay Rona upang makita ang ginagawa nito. Halos madurog ang puso ko sa nakita ko. Nangingig na pinulot ni nanay Rona ang kaniyang nabasag na banga. Nakita ko rin kung gaano kadungis ang kaniyang damit na tila ba ay isang basahan na lamang iyon. Malaki rin ang pinayat ni nanay Rona. Ang dating masigla niyang mukha ay ngayon napalitan ng pagluluksa.
Gusto kong magising kay sa makita silang ganito. Tila hindi ko na kaya pang panindigan ang sakit habang pinagmamasdan silang ganito. Si Sebastian, si Nanay Rona, ang mga taong naging apektado sa pagbabago ng bayan nila. Hindi ito kasama sa plano ko.
Isa sa naging parte ng buhay ko sa loob ng mansion noon si nanay Rona. Siya ang nagsilbi kong kapatid, at ina noong mga panahon na pakiramdam ko'y nag-iisa ako. Siya rin ang naging isa sa mga dahilan na pinaghahawakan ko kung bakit ako nagpapatuloy noon. Alam kong malulungkot siya kapag nawala ako. Alam kong iiyak siya kapag nalaman niyang wala na ako sa kwarto ko. Alam kong masasaktan sjya sa bawat araw na wala ako sa kaniyang tabi.
"Pa-pasensya na Miss Glenda, h-hindi ko po sinasadya!" Nanginginig na wika ni nanay Rona.
"Wala ka talagang kwenta!" Narinig ko ang pagdaing ni nanay Rona nang nakita kong i-angat ni Glenda ang pamalo niya. Nanuot sa sariwang sugat ni nanay Rona ang pamalong gawa sa bakal na siyang nagpahina ng tuhod ni nanay Rona. Agad na namansyahan ng dugo ang kaniyang madungis na damit na pilit niyang iniinda.
Hindi man lang nanlaban si nanay Rona upang awatin ang bawat latay na humahampas sa kaniyang balat. Tumingala ito sa kalangitan na para bang nag-aabang ng pag-asa. I can hear every waves of her whip. Naikuyom ko ang kamao ko.
"That vase worth more than your life!" giit ni Glenda.
Mahigpit na hinawakan ako ni Sebastian nang mapansin niyang nangingig na sa galit ang buo kong katawan. Tiningnan ko siya na may luha sa mata. Marahan niyang pinisil ang palad ko upang kumalma.

BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampireR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...