"Mom." Tawag ng isang binatang papalapit sa amin.
Gulat akong napatingin sa kaniya. Unang napansin ko ang pagkakahawig niya kay Yvan, pangalawa ay ang mga mata niya na gaya ng sa akin at ang aura nitong nagbabadya ng panganib at ang tingin nitong naghahatid ng kilabot. Tulad ng araw na mapadpad ako sa Ashvel at nakilala sa unang pagkakataon si Yvan.
Hindi ko napansin ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Tila may pakiramdam ako na nagpapahayag ng patinding pangungulila ng matagal.
"Mom. How are you?"
"Y-you know me?" Taka kong tanong ko sa kaniya. Magkahawig nga sila ni Yvan at imposible rin naman na anak namin iyon dahil patay na ang anak namin. Nasaksihan ko ang paghatid sa kaniya sa huling hantungan.
"Matagal na rin ang panahon, simula nang makausap kita, ma."
Gulong-gulo na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit niya akong tinatawag na mama.
"I know you are confused right now. At mahabang kwento rin kung bakit ako narito sa iyong harapan. But to make the story short. Anak mo ako sa unang pagkabuhay mo. And my father is Yvan."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. May idea naman ako na noong unang pagkabuhay ko ay nagkaroon kami ng relasyon ni Yvan, at sa panahon din na 'yon nakita ko sa mismong mga mata ko kung paano ako malagutan ng hininga sa mga bisig niya. Pero hindi ko labis na akalain na may nabuo kami ng panahon na iyon.
"A-alam ba ni Yvan?" Pag-aalala kong tanong.
Mabilis naman siyang umiling bilang tugon.
"Bago pa man mamatay ka noong araw na iyon ay naisilang mo na ako. Apollo take me here as your order." He said.
"D-did I named you?" Naluluha kong tanong sa kaniya. Halos kumabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan. I have a son.
"People called me Kyle." May inilabas siyang pendant na nakasabit sa kwentas niya.
Nabasa ko roon ang pangalan niya at ang nakaukit na letra.
"Kyle." Napapikit ako. Pilit iniisip ang tungkol sa pagkabuhay niya hanggang nahungkat ko sa isip ko ang paglihim ko kay Yvan noong araw na iyon. I was pregnant when I runaway at noong bumalik ako sa kaniya ay doon na nga ako namatay. Naalala ko ring may ibinigay akong bata kay Apollo bago nangyari ang pagpaslang sa aki noon. I remember everything now.
"I'm sorry, Kyle. Kung alam ko lang." Paghingi ko ng tawad sa kaniya. Bigla niya naman akong niyakap.
"My mom made a right choice. Alam mo na noon na magiging ganito kasama ang ama ko kaya inilayo mo ako sa lugar na iyon. You did what you think is good for me, no need to say sorry mom. Masaya akong makita ka rito." He said.
Nang maghiwalay na kami sa pagkakayakap ay pinunasan niya ang mga luha ko. Humarap siya sa mga council at humingi ng paumanhin sa kaniyang pagdisturbo sa paghuhukom. Bitbit niya sa kamay niya ang isang sulat na gawa sa gintong papel. Binasa niya ang laman ng sulat. Agad na umani ng bulong-bulongan ang silid ng council nang maintindihan ang nais ng dark council na mangyari.
Naging tuloyan na ngang masama si Yvan. Ang bayan ng Ashvel na siyang hinahangaan ko noon ay mistulang isang abandonadong lugar na lang, kumikitil siya ng mga bata at matanda. Nakita ko sa kislap ng mga mata ni Kyle ang nais na pigilan si Yvan pero may pumipigil sa kaniya doon.
"We will send you, Precious to the land of immortality. We don't have time." The leader of the council proclaim.
Humarap ako sa aking anak. Ngumiti siya sa akin. Niyakap niya ako at sa huling pagkakataon ay may binulong ito sa akin.
"This is my gift for you, mom. Please, stop my father for me and Ryle." Humiwalay ako ng yakap sa kaniya. "How'd you know about him?"
The time I notice I'm pregnant I was planning to name my son, Prince Ryle and that was the name I engraved to his crown.
"Is he here too?" Pumatak ang luha sa mata ko.
"He's in the better place, mom. Have a safe trip." Hinalikan niya ang pisngi ko. Unti-unting nagig mabigat ang pakiramdam ko, maging ang talukap ng mata ko na para bang hinihila ako sa lupa.
-*-
Nagising ako nang maramdamang may nakatakip ng kung ano mang bagay sa mukha ko. Agad na nagtangis ang panga ko nang maramdaman ng katawang lupa ko na nakabalik na sa mundo. Inilibot ko ang tingin ko sa lugar kung saan ako ipinadala ng council. Agad na natagpuan ko ang isang batang marungis na kasalukuyang nag-iigib ng maruming tubig sa agos.
Agad na nalukot ang puso ko nang makita ang kalagayan ng lugar. Mga abandonandong bahay na halos gumuho na dahil sa mga pagsabog, mga patay na nagkalat, ang kulay ng lawa na pinagkunan ng bata ay tila nagkulay abo na sa sobrang rumi.
Nang makita ako ng batang babae ay takot siyang nagtago sa malaking puno. Bakas sa mukha niya ang takot at pagmamakaawa. Dahan-dahan akong tumayo upang lapitan siya.
Nang mapansin ko ang lumang lalagyan ng tubig ay kinuha ko ito at tiningnan. Tama nga ang hinala ko't naghalo na ang kulay pilak na chemical sa tubig, bukod din doon ay masakit rin sa ilong ang amoy nito.
Pero ang nakakapagtaka bukod sa mga basura ay bakit may nakahalong mercury sa tubig? Saan nangagaling ang mga ito? Napatingin ako sa pinanggagalingan ng maliit na umaagos na tubig. Halos manghina ang tuhod ko nang makita ang malapad na pader. Hindi ko man lubos na matukoy kung ano ang nandoon ay may kutob na akong masama.
Hindi ko maintindihan. Walang ganito noon sa Ashvel. Ilang taon na ba ang nakalipas at bakit naging abandonandong lugar na ito ngayon? Saan galing ang matayog na pader na iyon? Nasaan na ang masaya at napakakulay nitong mga puno? Tila naging patay na ang buong lugar.
"I-iniinum mo ba ito? " Napatingin ako sa batang babae nang i-angat niya ang tingin niya sa akin.
Halos maluha ako nang makita ang buong mukha nito. Sa mukha niya makikita ang epekto ng mercury. May namumuong kulay pink sa balat niya na kahit ano mang tago niya ay hubad na hubad sa mga mata ko ang dinaranas ng batang ito.
Marahan siyang tumango bago tiningnan ulit ang tubig.
"Matagal na kaming umiinom sa tubig na nanggaling sa kaharian ng Alpha. Ilang tao na rin ang namatay. At nitong araw lang din, hindi ko na magising ang bunso kong kapatid. Pero lahat kami walang magawa." Pinahiran niya ang luhang tumakas sa mga mata niya.
"Simula nang mamatay ang sinasabi nilang tunay na reyna ng Ozz ay naging apektado rin ang lugar ng Ashvel. Ayon pa sa mga matatanda noon, ang kasalukuyang reyna rin ang pumatay sa damdamin ng namumunong Alpha. At dagdag pa nila, nasa ilalim na ni Aris ang Alpha at ang bayan ng Ashvel." She said painfully.
My tears fall rapidly. I don't know what how to react. My lips form into thin line as I was trying to held my sob.
"Sapilitan nilang pinapatrabaho ang mga batang katulad ko na nadakip nilang pakalat-kalat sa daan... Naging isang nakakatakot na rin ang dating mapayapang bayan ng Ashvel dahil sa mga witches na pinaglalaruan lamang ang aming kawalang kabuluhan sa mundong ibabaw."
Kahit na hindi mo suriin ang mga luha niya ay mababatid mo ang mapait na salitang binibitawan ng batang ito. Maliit lamang siya pero tila pasan na niya ang mundong hindi nababagay sa kaniya. Napakabagkis ng mundong ginagalawan niya habang wala ako. Hindi nila deserve ang maghirap sa kamay ng mga taong walang mga puso at tanging iniisip lamang ay ang kapakanan ng kanilang sarili.
Ito ba ang gusto ni Yvan na mangyari?
Tumingala siya sa langit. "Matagal na rin noong nabagsakan ng tubig ulan ang lupain ng Ashvel. Anim na taon na rin ang nakakaraan ayon kaya sa naruming tubig na iyan kami nagtitiis."
Nagulat ako sa sinabi niya. Anim na taon? Ganoon kahaba ang taon na wala ako?samantalang minuto lamang ako noong nasa council ako.
Umupo ako upang magka-level kami. Marahan kong tinuyo ang luha niya. "Naniniwala ka bang isang araw ay magbabalik ang tunay na reyna upang ibalik ang liwanag sa lugar na ito?" I asked.
Tiningnan niya ako sa mata. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at nilaruan ang laylayan ng damit.
"Kahit na ilang ulit pa ipamukha sa akin ng mga magulang ko noon na hindi na babalik ang reyna ng liwanag, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na isang araw makikita ko siyang ibabalik ang lahat ayon sa balanse ng mundo," tugon niya.
Tila may humaplos na isang malamig na kamay sa puso ko. Tinuyo ko ang luha ko bago ginulo ang buhok niya.
"Ano pa lang pangalan mo?" I smile at her.
"Angelica po."
"You have a wonderful name." I said at her.
Magsasalita sana siya nang makarinig ako ng isang panang papalapit sa amin. Nagawa naming iwasan ang pana mula sa kung kanino man galing. Mahigpit kong niyakap si Angelica na hindi matigil sa pangangatog ng buong katawan. Agad akong kinapitan ng kaba at takot.
"Okay ka lang?" Pag-aalala ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at mabilis siyang umalis sa pagkakayakap ko at tumakbo.
Napatingin ako sa lalaking lumabas sa mga tambak ng basura at tinapat sa akin ang pana. Nakita kong ngumisi ito bago inilihis ang pana papunta kay Angelica.
Huli na upang saluhin ko ang pana nang pakawalan niya iyon at agad na tumama ang pana sa binti ng bata. Napatakip ako ng bibig sa gulat. Hindi ko aasahang magagawa ng isang taong magpakawala ng pana ng hindi man lang pinag-iisipan. At sa bata pa mismo!? Anong klaseng nilalang sila?
Tila nabingi ako sa pagsigaw ni Angelica. Tumagilid ang luha kong nakatitig sa batang umaagos ang dugo mula sa binti.
Dugo? Matagal na rin simula nang makalasap ako nang dugo. Tila nanuyo ang aking lalamunan. My lips desperately begging me to taste even the small portion of her blood. Mariin akong napapikit and umiling.
"Bullseye!" Komento nong lalake.
"Anong bullseye, Hamna? Sa binti mo tinamaan. Bobo ka ba?" Sabi noong lalakeng kakarating lang din at may nakasunod na mga batang nakatali ang kamay.
My eyes lock at the blood dripping on the ground again. It was red, and tempting. Marahan kong tinampal ang sarili ko at mabilis na lumapit sa batang nawalan ng malay.
"Angelica? Please wake up." Naluluha kong pakiusap nang mabawi ko na ang sarili ko. Hindi ito ang oras upang matakam sa dugo ng tao. Paulit-ulit kong kinakastigo ang sarili ko.
Hinawakan ko ang mukha ng bata. She suddenly open her eyes. "S-save y-yourself."
No! Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko. Nalasahan ko bigla ang pait ng ngiti niya. Naipikit ko ang mga mata ko't naikuyom ang kamao ko.
"Tch. Let's go."
"What? What about the girl?" Rinig kong pagrereklamo nong kasama ni Hamna.
"I said, let's go..."
"Who told you can go?" Malamig kong sabi sa kanila. Winasak ko ang laylayan ng damit ko upang ipangtali iyon sa binti ni Angelica na kasalukuyang nawalan ng malay.
Tiningnan ko ang dalawang lalake. Kahit na hindi ko na magawang mag-summon ng aking tauhan ay hindi naman ibig sabihin na wala na sa dugo ko ang pagiging 6th generation na namana ko sa aking ama.
Dinaanan ko ng tingin ang mukha ng mga bata, na sa bakas sa mga mukha ang takot. Lahat sila ay may galos sa saan mang parte ng katawan. They're like pigeon cage in one cage. Magbabayad sila.
"Oh, scary." Pang-uuyam nong isa.
Nakita kong sininyasan siya nong lalaking nagngangalang Hamna na sumugod. Mabilis niya akong tinamaan sa mukha kaya napaupo ako. Pero kahit na ganoon ay hindi ko maramdaman ang sakit.
Paulit-ulit na gumuhit sa isip ko ang mukha ni Angelica at iba pang bata. Ang pagmamakaawa nito at ang mukha nitong napupuno ng pag-asa sa pagbalik ko.
Sila ba ang dahilan kaya ganoon na lang ang takot ng mga bata na ito?
Narinig ko ang pagtawa niya. Naiyukom ko ang kamao ko sa galit.
Bigla kong naalala ang huling hiling ko bago nila ako pinadala rito sa lupa. Hiniling ko sa leader ng council nila na hayaan akong pumatay ng mga taong nagkasala. Noong una ay gusto ko lang na malinis ang lugar, pero ngayon ay may matayog na akong dahilan upang kumitil ng buhay. At iyon ay mabawi ang takot sa mukha ng mga musmos na bata sa lugar na ito.
"Bakla ka ba at napakahina mong sumuntok?" Mapang-asar kong sabi sa kaniya.
Nakita ko kung paano dumaan sa mukha niya ang inis, lalo na at tinawanan siya ni Hamna na naka-upo at nanunood sa gilid.
"What a shame." Sarkastikong wika ni Hamna sa kasama niya.
Napatingin ako sa mga nakakaawang bata. They're supposed to be playing not hunt like an animals! Dumaan ang takot nila sa sinabi ko. Ngumiti ako sa kanila, at tumayo.
Huminga ako ng malalim at mabilis na tumakbo sa harapan niya't ginawaran nang malakas na suntok. Nakita ko kung paano madikdik ang mukha niya sa lupa at nawalan ng malay.
Matulis kong tiningnan si Hamna na manghang-mangha sa nakita niya. Tumayo siya at pinagpag ang suot niyang pang-ibaba.
Piniling niya ang ulo niya at ngumisi sa akin. Nakikita ko sa mukha niya ang pagkamangha sa labi niya. Tiningnan niya ang lalaking nakahandusay sa lupa at walang malay.
"Tsk. What a shame," sabi niya.
Ipinako niya ang tingin niya sa akin. Nagulat ako nang naging seryoso ang mukha niya. Ang mata niyang kalmadong nakapukol sa akin ay tila nakakaalarma. Ang mahaba niyang buhok na hanggang balikat ay sinasayaw ng hangin. Ang mata niyang malamlam na nakatitig sa aking kaluluwa at tila inaabangan ang munti kong pagkilos. Ang taong ito ay hindi basta-basta. Nakakatakot ang mga titig niya.
"You can have the kids. Wala na akong pake kung ano pa ang gusto mong gawin sa kanila." Seryoso niyang sabi bago tumalikod at binitbit ang kaniyang kasamang hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Nang makaalis na sila ay mabilis kong nilapitan ang mga bata upang tanggalin ang nakatali sa kanilang mga kamay.
Ganoon na lang ang labis nilang pagpapasalamat nila. Inalalayan ko rin si Angelica na makaalis sa lugar na iyon. Pumasok kami sa isang abandonado at tambakan na lugar. Labis ang pagkagulat ko nang makita ko kung gaano sila karaming nagtatago doon. Tulad ni Angelica ay mayroon ding acrodynia decease ang mga batang iniligtas ko, na nakuha nila sa mercury sa sapa.
Inaya ako ng mga bata na pumasok sa masukal na lugar na naghahatid sa amin sa underground.
"Dito po, ate!" Tawag sa akin ni Talia nang makahanap siya ng pwestong paglalagyan namin kay Angelica. Nalaman kong matalik na kaibigan niya si Angelica. Tulad din ni Angelica ay wala na rin itong mga magulang at matagal nang namatay ang kaniyang kababatang kapatid dahil sa mercury na pinagkukunan nila ng tubig. Ganoon din ang kaniyang magulang.
Inilatag ko sa karton ang walang malay na si Angelica. Walang tigil pa rin sa pagdurugo ang sugat ni Angelica dulot ng pagpana ni Hamna kanina. Kahit na nakapikit ang mga mata niya ramdam mo iyong sakit sa bawat pagdaing niya.
"Ate! Narito na po ang manggagamot!" Sigaw ng batang lalaki na kasama kong iniligtas kanina.
"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ng manggagamot nang makaabot siya sa amin.
"Tinamaan siya ng pana kanina."
Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang mamukhaan ang tinatawag nilang manggagamot. Kahit na gusgusin ito ay sigurado akong nakita ko na siya noon.
"Malubha ang natamo ng bata. Maraming dugo ang nawala sa kaniya." Napatingin siya sa akin. Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata niya ng makita ako.
"Jasmine!?"
Ang boses na iyon.
"Sebastian?"
Ngayon ko lang napansin na si Sebastian iyon. Ano ang ginagawa niya sa lugar na ito? Malayong-malayo siya sa nakilala kong Sebastian noong napadpad ako rito. May puting balbas ito at mahabang buhok, marungis rin ang kaniyang suot na tulad ng mga nakikita sa lansangan.
Napatingin ako sa mga taong nakapalibot sa amin. Nagsimula na silang nagbulong-bulongan.
Masayang niyakap ako ni Sebastian. "Ang buong akala ko'y hindi ka na babalik."
"Seb, ano ba ang nangyayari?" Hindi ko napigilang maging emosyon.
Makita ang mga taong ito ay nagpapasikip sa dibdib ko. Ang mga batang pinapana at hinuhuli na para bang mga hayop upang gawing bihag ay lubos na nakakawasak ng damdamin ko. Hindi ito ang nakita ko noon sa Ashvel. Isang masaya at malayang lugar ang bayan na ito, kung saan ang mga ngiti ng mga bata ang nagpapakulay ng lugar. Walang takot, walang paghihirap.
Dumaosdos ang luha ko nang maalala ang nasaksihan ko kanina.
Napatulala sa akin si Sebastian bago tinuyo ang mga luha ko. "A queen shouldn't cry like this. Hindi ito ang inaasahan kong takbo sa pagbabalik mo." He chuckled, but it was all bitter.
"The queen?" Napatingin kami kay Angelica nang magising na ito. Tumungin siya sa akin at agad na nandilat ang mata.
"Sabi ko na nga ba at totoong babalik ang reyna ng ozz!" maligaya niyang sambit. "Magiging malaya na tayo!" puno nang pag-asa na balita ni Angelica sa mga tao. Malakas ang kaniyang boses at hindi nakakapagtaka na hindu siya umani ng atensyon.
"Ang reyna nagbalik na!"
"She'll save us! magiging malaya na tayo!"
Lumapit silang lahat sa akin at nagmamakaawa na tapusin na ang kaguluhan na ito upang mailigtas sila.
"Mabuhay ang Reyna!"
Muling napuno ang mga mata niya ng mga luha at marahas itong bumabagsak sa lupa. "Queen Precious," sambit ng mga bata.
Mabilis na yumakap sa akin ang mga bata na para bang humihumingi ng tulong sa kanilang ina sa pag-agaw ng candy nila. Napatingin ako sa iba pang mga tao na nandito nang yumuko ang mga ito ay nagbigay pugay.
"Save us from this darkness, my queen." Paulit ulit nilang sambit.
Nakita ko ring pinahiran ni Sebastian ang luha niya. Hindi ko alam kung paano ko sila pagsisilbihan bilang aking mga mamamayan, ngayon na wala na akong kapangyarihan at ang tanging bitbit ko lamang ay ang dugo ng aking ama na hindi ko alam kung kaya ko bang talonin ang kanilang Alpha.

BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampirosR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...