"Jas." Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Mariin akong napapikit habang nakakapit ng mahigpit sa trap ng bag ko.Hindi ko alam pero bigla kong na miss ang lalaki na 'to. Hindi na ko na rin siya nakumusta noong huling pagkikita sa amin dahil sabi ni Miss Joanna na mas makakabuti kung hindi muna kami magkikita. Nalaman ko rin nagpapagaling siya noon sa kaniyang mansion, kasama si Miss Joanna. Kaya naman panatag ang loob ko na hindi siya pababayaan ni Miss Joanna.
And look at him. Napaka-bibo na naman niya na para bang walang nangyari. Pero kahit na ganoon, I still owe him an apology. Hindi rin ako nagkatoon ng pagkakataon na magpasalamat sa kaniya.
"Vincent," bati ko sa kaniya. Nahihiyang tumingin ako kay Vincent. "About what happened, pasensya ka na." I bow my head. Marahan naman niyang pinitik ang noo ko.
"Ano ka ba, normal lang para sa magkaibigan na mag-away minsan. Kaya huwag mo nang isipin 'yon. At isa pa, magaling na ko oh. You don't need to feel sorry about what happened. Kasalanan ko rin naman 'yon." Ginulo niya ang buhok ko.
Inangat ko a g tingin ko. Nakangiti na siya bago napamulsa na naglakad. Mabilis akong sumabay sa kaniya. "Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa iyo noong araw na 'yon. Maraming salamat."
"Oy, ano ka ba. Wala 'yon. Have dinner with me na lang—ayyy" napangiwi siya. "Ay hindi pala pwede." Natatawa siyang napahawak sa leeg ko. "Next na lang pala, kung pwede na."
Napatango naman ako.
Pansin kong lahat ng mga kaklase ko ay aligaga, may iba na may dalang box at mga mabibigat na bagay. Hindi naman ako nag-aalala dahil doon dahil kahit paaano ay nasanay na 'ko na makita ng mga extraordinary na mga tao sa lugar na 'to.
"Bakit parang abala ata silang lahat?" Tanong ko nang makapasok kami sa hallway.
"Malapit na kasi ang evwnt. Kaya lahat ay abala sa pagdedekorasyon ng kani-kanilang designated area," he said.
"Events?" I frowned.
"Hunting mate," simple niyang sabi. "You'll see. This game was the most exclusive because this is once in a blue moon lamang na event."
"Magpagkakahawig ba 'yan sa pag-rank noon?" I'm confused.
"Hmmmm. Kinda." He said.
"By the way, wala ka bang ibang gagawin pagkatapos ng klase mo?" he asked.
"Uhm, wala naman."
"Cool! Sama ka sa amin mamaya. Mamaya na kasi gaganapin ang laro."
"Talaga?" Naimulagat ko ang mata ko. Kaya naman pala double time ang mga tao rito.
"Yup!" He emphasize the p.
"Uhm siguro—" hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang itong nawala sa tabi ko.
Dumiretso na lang ako sa upuan ko nang makapasok ako sa klase. Ako na lang mag-isa ang nasa loob. Hindi naman suspended ang klase at ayon sa nakita ko sa announcement board kanina ay mamayang ala una y media pa mag-uumpisa ang laro.
Napatingin ako sa relo ko. Alas dose pa lang ng hating gabi.
"Hindi kaya nagpunta na sila lahat sa venue?" I asked myself. I check the hallway. Wala na ring pakalat-kalat na estudyante at mukhang minadali nga nilang matapos ang mga kulang nilang props para sa palaro mamaya.
Napatingin ako sa maliit na speaker na nakasabit sa ceiling. "All students go to arena. I repeat. All students go to arena. Any minute from now, the game will begin," the speaker said.
Kaya naman pala. Naikunot ko ang noo ko habang kinukuha ang bag ko.
Naalala ko ang sinabi kanina ni Vincent. They'll hunting their mate. Does that mean they have to look for their chosen mate?
![](https://img.wattpad.com/cover/202522633-288-k858622.jpg)
BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampirR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...