Dumagsa ang mga manggagamot sa loob ng palasyo ni Yvan. Hindi ko akalain na magiging concern siya sa anak niya.
I felt a little bit jealous. Naisip ko rin na kung nabuhay kaya ang anak namin, hahantong kaya sa ganito ang kapalaran namin? Ganito rin kaya ang ipapakita ni Yvan na pag-aalala?
I shake my head. Bakit ba ako nag-iisip ng ganito?
Nakaupo lang ako sa malawak na upuan habang ninanamnam ang aking tsaa. Ito na ang pangalawang araw na walang malay ang anak nila.
Hindi man sabihin ni Yvan ay nababasa ko sa galaw niya ang pag-aalala para sa kaniyang anak. Hindi siya umalis sa tabi buong magdamag. Panay silip din ang kaniyang ginawa sa noo ng bata.
"Puwede ka nang matulog sa kwarto." Binaling niya ang tingin niya sa akin. Halata sa kaniyang mata ang puyat at pagod sa pagbabantay sa kaniyang anak.
"You should take a nap, Yvan. Dalawang araw ka ng walang maayos na tulog." Nilapag ko sa mesa ang tasa ko. "I'll take care of her."
Buong araw na akong nakaupo rito at pinagmamasdan silang dalawa. It's not like I enjoy the show but of course, gustong kong ipalabas na concern din ako sa anak nila.
That I am better than the queen. Hindi lang iyon, gusto ko rin pasukin ang isip ni Yvan ngayon. Now, I know his weaknesses.
"Your child is beautiful," I said. Napatingin ako sa kaniyang anak na mahimbing na natutulog. Naalala ko bigla ang ginawa ng kaniyang ina noong araw na iyon. Masyado pa siyang bata para mamulat sa marahas na mundo.
"I never had the chance to carry her when she was a baby." Napatingin ako sa kaniya. His eyes suddenly filled with tears that he immediately dry it.
Muling nadagdagan ang selos ko para sa bata na tinitigan niya. She's lucky that her father is watching her right now. He's giving his regrets while he never been sorry to my baby who hahe died.
Napatingin siya sa kamay niya. "I never have the chance to feel her warmth small hands before."
Napaiwas ako ng tingin. Mabilis kong tinuyo ang luha ko. Para bang may kakaiba sa kaniyang mga salita. Tumikhim ako bago tumayo.
"But still you're lucky that you have met her alive." Lumingon siya sa akin.
"Yes." Umiwas siya ng tingin at ibinaling na lang ito sa kaniyang anak. Hinagod niya ang buhok nito.
"Can you tell me how our son look like?"
Agad kong nalasahan ang pait sa sinabi niya. Tila may kung anong nakabara sa lalamunan ko. I'm not ready to talk about my son. Masyado bang mataas ang galit ko sa kaniya at baka saan na naman ito mahantong.
"I never have the chance to met him." Mariin kong pinikit ang mata ko. Nanumbalik sa akin ang alaala ang sakit, paghihinagpis ng isang ina na hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na mahawakan ang kaniyang anak.
My chest suddenly fill with cold. Napakabigat. Napakasakit.
"I'm sorry."
Minulat ko ang mata ko. Tama ba ang narinig ko? Did he really apologize?
"Your sorry doesn't change anything, Yvan." Tinuyo ko ulit ang mga nagsilaglagang luha sa mata ko.
"I know." Tinuyo niya ang labi niya habang pinipigilan na maluha ulit.
"I know that my apology will not change anything. And I am not asking you to forgive me. Hayaan mo lang akong ipakita sayo ang pagsisisi ko." Humarap siya sa akin. Tumayo siya at tinitigan ako sa mata.
Napaangat ako ng mukha nang tumayo ito sa aking harapan. Hinawakan niya ang kamay ko't dinampi ang kaniyang labi sa aking noo.
"I don't regret meeting you, Precious."

BINABASA MO ANG
6969 Corporation
WampiryR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...