"Sis, kumain ka naman ng kunti." Tiningnan ko si Freya na kanina pa ako kinukulit sa pagkaing inihanda niya.
"Sis." Agad na tumalikod si Freya nang makita niya ang luha na muling nagpapaala sa akin kung gaano kasakit mawalan ng isang sanggol na hindi mo man lang nahawakan.
Ilang beses na akong tinakasan ng panglasa ko, ilang beses na rin akong trinaidor ng mga luha ko na kahit anong mahika ang gamitin ko ay wala pa ring makakapigil sa sakit na nararamdaman ko. Sa bawat pagpikit ng mga mata ko ay isang sanggol ang naalala ko. Sanggol na namatay sa sinapupunan ko dahil sa pagsalakay ng mga kaaway.
"Masama ba akong ina?" Bigla kong tanong sa sarili ko. Nakatanaw lang ako sa bintana kung saan nakikita ko ang malayang agila lumilipad sa kalangitan.
Dati noong bata pa ako tinanong kami ng guro namin kung ano ba ang pangarap naming maging. Some of my classmates said, gusto nila maging teacher, pulis, bombero, at marami pang iba. But when my teacher pointed her attention on me, I simply said. "Gusto kong maging eagle."
And all of my classmates are bursting in laugh. Even my teacher didn't understand what I meant.
"I want to be an eagle so that I can watch my mom while she's at work. I can even watch you too, teacher. And I can fly high and free." My younger self smiles sweetly.
Gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil doon but if they will ask me the same question again, I would say the same answer. Pero ngayon hindi lang dahil sa paborito kong guro, o dahil sa ina ko. Gusto kong maging agila upang maabot ko ang anak kong namamahinga sa langit. Upang masabi ko sa kaniya na mahal na mahal ko siya, at nagsisisi akong hindi ko siya nailigtas sa araw na iyon.
Napayakap ako sa unan ko habang unti-unti na naman magsilaglagan ang butil ng luha sa mata ko.
I look at my hands. Ano kaya ang pakiramdam na mahawakan ang kamay ng iyong sanggol. Ang malambot at mapulang balat nito. Ang mga ngiti nitong pumapawi sa sakit at pagod. Ano kaya ang pakiramdam na makakarga mo ang anak mo. Ano kaya ang pakiramdam na masilayan mo ang unang ngiti niya sa umaga, siguro kahit pagod ka na ay bigla na lang siguro gagaan ang pakiramdam mo.
Napayakap ako sa sarili ko. Gusto kong maranasan lahat ang iyon. Gusto kong mahawakan at makarga ang anak ko. Gusto kong makita ang mga ngiti at tawa niya sa unang umaga. Gusto kong maging ina ng maliit kong prinsipe.
Wala na ang anak ko. Hindi ko na alam kung paano na ako nito ngayon.
"Sis. You're not a bad mother. Don't put your blame. Lahat ay may rason, lahat ay may kalakip na dahilan kung bakit ito nangyari." Naramdaman ko ang mainit niyang yakap, pero hindi pa sapat iyon upang painitin ang malamig kong nararamdaman ngayon. Ang sakit na pinapauba ko na lang sa mga luha.
"Kailangan na nating maghanda."
Mas lalo akong napayakap sa unan. Narinig kong lumabas si Freya. Napahagulhol ako nang iyak. Napakasakit. Sobrang sakit.
Biglang naalala ko ang mukha ni Mr Yvan. The way he curve his lips and reveal his fangs makes me furious.
Kailangan pagbayarin ang taong gumawa nito. Buhay ang kinuha nila. Buhay rin ang kukunin ko. Gusto nila ng away? Pagbibigyan ko sila.
Bumangon ako sa higaan ko't inabot ang damit na hinanda nila para sa akin. Humarap ako sa malaking salamin, at kahit anong pilit ko na hindi umiyak ay paulit-ulit pa ring naglalaro sa isip ko ang bata na sa sinapupunan ko. I brush my hair, put some make up.
"Hindi pa rin ba siya lumalabas?" Dinig ko nang lumabas ako. Sila iyong mga bata na nagsilbi sa akin noong unang araw ko rito.
"Hindi pa rin," wika ni Freya. Laglag din ang kaniyang ekspresyon.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto na siyang kinagulat nila. Agad din naman nila akong binigyan nang pugay nang makita nila ako na suot ang damit ni mama.
I can still feel my mom's presence in her dress. Ganito rin ba ang naramdaman mo noong nilayo ako ni Apollo, ma?
Paano mo nagagawang malagpasan ang sakit na ito noong wala na ko sa piling mo ma?
Napapikit ako habang nakasakay sa karwahe na maghahatid sa amin sa huling puntod ng anak ko. Katabi ko si Vincent na siyang pumilit sa akin na lumabas ng kwarto upang makarating dito. Pagkadaan namin sa mga taong nakabihis puti ay agad sumalubong sa paningin ko ang mga puting rosas na iaalay nila sa mga kadugo rin nilang namatay dulot ng pag-atake ng Lucian, pero agad din naman iyon nagging itim nang malagpasan namin. Lahat sila'y nagtataka pero mukhang alam naman na nila ang dahilan.
Huminto na ang mga karwahe. Tanaw na tanaw ko mula rito ang mga namatay na tinabunan ng lupa. At kabilang na doon ang anak ko. Naramdaman ko ang kamay ni Vincent na marahang pinipisil ang kamay ko. Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkalukot ko sa palda ko. Mariin akong napapikit bago bumuntong-hininga.
Dahan-dahan kaming lumabas. Unang tapak ko pa lang sa lupa ay mga pagluha ng mga ina, ama, anak, kamag-anak ang siyang umalingawngaw sa buong tainga ko. Kahit hindi ko tingnan ay nakikita ko ang luha nilang pumapatak sa lupa, mga pagsusumamo nilang ibalik sa lupa ang katawan ng mga namatay nilang mga mahal sa buhay, mga katulad kong hindi tanggap ang pagkawala ng kanilang mga supling. Samo't-saring daing at ungong pero iisa lang ang luha.
Binabaybay ko ang gitnang puntod ng mga taong namatay habang hawak ang maliit na korona na ginawa ko para sa anak ko.
Sa bawat paghakbang ko papalapit ay tila hinihiwalay-hiwalay ang parte ng puso ko. Ilang hakbang na lang ay matatanaw ko na ang puntod niya. Sa bawat hakbang ko ay ang pagkapulbos ng mga bulaklak na nasa paligid kasabay noon ay ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko.
Biglang lumitaw sa kamay ko ang puting rosas. Mas matingkad iyon at buhay na buhay. I am holding two gifts for him. White rose for his pureness soul, and black crown for the royal throne that will stay forever.
Tila tumigil ang mundo ko nang umihip ng malakas ang hangin. The black petals from their roses are waving on the air. Marahan akong lumuhod sa puntod ng anak ko nang makarating ako.
I know there is no use of all these tears, dahil hindi ko na maibabalik pa ang anak ko. But I just let my tears fall for the last time. Naipikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang isang malamig na kamay na tila hinahaplos ang mukha ko.
Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko sa harapan ko ang isang batang nakatingin sa akin. Nakangiti siya sa akin bago hinalikan ang noo ko.
"Mom, please don't cry. I will watch you from above."
Napatingin ako sa langit at nakita ang agila na nasa himpapawid. Ibinalik ko ang tingin ko sa batang lalaki. Kahawig na kahawig niya ang ama niya.
"Pwede ka bang yakapin ni mommy kahit sa isang sandal?" Patuloy pa rin sa paghikbi ko.
Marahan siyang tumango sa akin kaya mabilis ko siyang niyakap. Kung gaano kalamig ang nararamdaman ko galing sa kaniya ay siya naming pagsiklab ng pagmamahal ko sa kaniya. Napapikit ako ng mata.
Kahit dito lang kitang nakitang lumaki ay masaya na rin ako dahil makakapagpahinga na ang anak ko. Hindi na niya masisilayan ang mundo na mabagsik. Hindi na niya kailangan maghirap sa lupa, hindi na niya mararanasan ang lumuha at bumagsak sa mga balisa.
Naramdaman kong itinapat niya ang bibig niya sa tainga ko't may ibinulong.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at kasabay noon ay ang unti-unti niya paglaho sa paningin ko. Tinangay ang hangin ang huling butil na lumabas sa mga mata ng anak ko. Hanggang hindi ko na nga ito makita. Itinaas ko ang tingin ko sa agila na lumipad papalayo sa akin.
"I will avenge you, my son." I whispered.

BINABASA MO ANG
6969 Corporation
WampiryR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...