Nakasakay ako ngayon sa lumang train na maghahatid sa akin sa Ashvel town. Hindi ko rin alam kung bakit may lumang station ng train sa syudad na ito. Maunlad naman ang syudad, kaya nakakatuwang makakita ng lumang train.
I have search about the town pero wala akong ibang nakita bukod sa malaki at lumang mansion na sa tingin ko ay nasa dekada na ang tanda. Wala ring ibang lumabas tungkol sa pamumuhay at mga mamamayan ng Ashvel.
Dinukot ko ang cell phone ko sa bulsa para tawagan si mama.
After the second ring, she picked.I take a deep breath."Ma," I enthusiastically called.
"Salamat, anak! Binigay na nila si Stacy. Maraming salamat," bungad niya, at walang humpay na nagpapasalamat sa akin.
Napangiti ako. Tinuyo ko ang luha sa aking mata. Sa wakas ay nawala na ang tinik sa lalamunan ko. Balik na sa dati ang lahat.
"Salamat naman at tumupad sila," bulong ko.
"Kumusta na pala si Stacy, ma?" pag-iiba ko. Kahit naman na hindi kami close ng kapatid ko na iyon ay may pakialam pa rin ako sa kalagayan niya.
"Nasa kwarto siya ngayon, nak. Nagpapahinga. Saa—" biglang naputol ang linya.
"Hello, ma?" pauli-ulit kong tawag sa kabilang linya
Kunot-noong tiningnan ko ang cell phone ko. Hindi pa naman lowbat at malakas din ang signal. Hindi bali na. Ang mahalaga ay nasa maayos na lagay na ngayon ang kapatid ko.
I try to call them again but someone interrupted.
"No, phone call please," maawtoridad na sabi ng ginang na kanina pa pabalik-balik na lakada, na sa tingin ko ay nasa 40s na. Nakapusod ang buhok nito at nakasuot ng mahabang palda at itim na damit na may logo pa ng companya, bakas sa buong mukha nito ang awtoridad na kaniyang bitbit.
"Sorry," I apologize.
Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Sinilip ko ang cell phone ko't nag tipa. Matapos kong i-sent ay itinago ko ang cell phone ko sa bulsa at agad na bumuntong hininga.
Nag-umpisa ng umandar ang train. Napasinghap ako. Napatingin ako sa mga upuan. Halos lahat ata ng upuan sa train na ito ay bakante.
Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin iyon at tumingin sa labas.
Umuulan pa rin ng malakas kahit umaga na. Walang tigil sa pagbuhos ang ulan simula nang makaalis ako sa gusali na iyon. Hindi ko rin nagawang umidlip dahil agad na pinasakay nila ako sa train na ito."Ano kaya'ng aasahan ko sa lugar na iyon?" Napatingin ako sa labas. Kitang-kita ko ang bawat pagbagsak ng butil ng ulan sa bintana na gumagawa ng kakaibang imahe. Napahikab ako at siniksik ang sarili ko sa upuan.
Slowly, I closed my eyes.
Nagising ako sa malakas na tunog ng train. Napahawak ako sa ulo ko't nagkusot ng mata. Inayos ko ang sarili sa pagkakaupo. Ito na ata ang pinakmahabang tulog ko sa taong ito. Napatingin ako sa labas at halos wala akong ibang nakita bukod sa mga punong naglalakihan. Napasinghap ako ng maamoy ang simoy ng hangin. Napakapresko, malayong-malayo iyon sa hangin na nasa syudad. Nasaan na nga ba ako?
Napabuga ako ng tingnan ko ang relo. Mag-aalas saes na ng hapon, tumigil na rin ang ulan pero nanunot pa rin sa ilong ko ang malamig na hangin.
Tumayo ako para sana hanapin ang ginang at makapagtanong na rin, nang biglang may nag-anunsyo galing sa nakakabit na maliit na speaker sa harapan.
Agad akong naglakad papunta sa exit ng makompirmang ito na nga ang distinasyon ko. Iginala ko ang tingin ko sa labas.
"Ashvel town." Basa ko sa naka ukit sa malaking semento.
BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampirosR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...