"Father?" Sinundan ko siya nang tingin. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga 'yon!
Nabalutan ng pag-asa ang puso ko nang sundan ko siya. Pumasok siya sa isang liblib at nakakasulasok na lugar. Pansin ko rin na may bitbit ito na supot. I couldn't smell what's inside of it.
Akmang tatawagin ko na sana siya nang bigla na lang itong pumasok sa isang silid. Kumunot ang noo ko nang may napansin ako kakaiba sa kaniya. May mali sa kaniyang kinikilos.
Mabilis akong nagtago nang pumasok siya at sinalubong siya ng isang babaeng may suot na balabal. Kumunot ang noo ko nang maamoy ang kaniyang pamilyar na pabango.
Kimberly?
Hindi nga ako nagkamali nang dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na balabal. She's looking at my father- our father.
What's happening here? Bakit nandito ang aking ama?
Lumapit siya kay Kimberly bitbit ang supot na kaniyang dala. Tila bumaliktad ata ang sikmura ko nang ilabas niya ang laman ng supot. It's a heart with size of walnut.
Saka ko lamang nakita kung saan ito galing.
No. He didn't do that. Napatakip ako ng bibig nang makita ko kung kanino iyon galing. It's the new born baby from the real world. Nagpanggap siyang doctor upang mapatay ang bata.
Mariin akong napapikit. Napakasama niya.
"I killed the child, like what you command." Napayuko ang aking ama habang inaalay niya ang puso ng isang sanggol. Bakas sa kaniyang kamay ang panginginig nito, dala na rin ng katandaan.
What will she do with the child's heart? Kakainin niya?
May nilabas si Kimberly na patalim. She cuts the heart, nasugatan niya pa ang kamay ni ama. May lumabas doon na parang isang perlas-mahiwagang perlas at agad niyang nilagay sa boti.
Tinitigan ni Kimberly ang boti. Her eyes reflect how greed and powerful the pearl was. Kung ganoon ay hindi galing sa normal na tao ang pinatay nila?
"Kunti na lang at mabubuo ko na ang kapangyarihan ko." Puno nang pagnanasa niyang sabi bago tumawa.
"12 heart from the new born witch, isa na lang ang kulang at iyon ay ang puso ng iyong anak." Napatingin siya sa aking ama.
Nakita kong pinipigilan ng aking ama na sumagot. Pansin ko rin ang manipis na kulay itim na mahika sa kaniyang leeg. Kinuyom ko ang kamao ko nang makitang humigpit ito. Napaluhod at nahihirapan na makahinga ang aking ama. Kamuntik na 'kong lumabas sa 'king pinagtataguan kung hindi ko lang pinigilan ang aking sarili. Mariin kong pinikit ang aking mata.
Hindi pwedeng magpadalos-dalos lalo na at maraming kakampi si Kimberly rito. My power ain't safe in this place. Masyado pang alanganin ang pangkakataon. Napamura ako sa isip ko. Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakakuyom ng kamao ko.
Narinig ko ang pagmamakaawa ng aking ama, ngunit ilang sampal, tadyak, at latigo na muna ang nadanas niya bago siya pinakawalan ni Kimberly.
"You, old rug. How dare you use your power against me!? Baka nakakalimutan mong sinanla mo ang buhay mo sa akin, para manatiling ligtas ang apo mo!" Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ng matanda.
"A-anak m-mo rin siya..." Isang malakas na sampal ulit ang natamo ng aking ama.
"Wala akong pakialam!" Inayos niya ang buhok niya matapos niyang lampasuhin at lumpuhin ang ama namin.
Hindi 'ko makapaniwala sa aking narinig. Wala man lang siyang pakialam sa kaniyang anak. She's more willing to kill her child for power. Napakasama niyang ina.

BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampireR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...