Mabilis na naging tao si Vincent nang mailapag na niya ako sa lupa. Hindi ko na maalala ang pinasukan namin upang makapunta rito. Hindi ko na rin maalala ang mga dinaanan namin para makatakas sa kamay ng mga bampira na 'yon.
Nabaling ang tingin ko sa babaeng lobo nang matamaan ito ng sinag ng araw. Nakapatong ito sa malaking bato habang patuloy sa pag-alulong. Ang kaniyang balahimo ay kasing kinang ng bituin sa langit at ang kaniyang mga mata ay tila ba ay replika ng kalawakan.
Mariin akong napapikit nang maramdaman ang sakit sa braso ko. Biglang natuyo ang lalamunan ko't kahit ang tubig ay hindi nito kayang pawiin ang uhaw ko. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Vincent pero tila naging malabo sa pandinig ko ang mga boses nila.
"Vincent!" Tawag ng dalawang babae nang makita kong lumabas ito mula sa puno.
"W-what are you doing here?" boses iyon ni Vincent.
"Sinundan ka namin. Obvious naman 'di ba?" Aniya pa.
Nakita ko na lang ang paglapit ng kambal sa akin bago nila ako ginamot. They try to touch me, pero nagpupuglas ako. The vision started to get unease.
"Huwag!" Nanghihina kong pigil sa kanila nang nakita kong may itinurok itong injection sa braso ko.
"Masyadong maraming dugo ang nawala sa kaniya. Kailangan natin siyang sali—"
"Here. Drink my blood, Jas." Mabilis na tugon ni Vincent sa sinabi ng kambal.
Naging klaro ang paningin ko nang makita ang tumitibok na ugat ni Vincent sa leeg. Bigla akong natakam nang makita doon ang sariwang dugo na siyang makakapawi sa uhaw na nadarama ko.
I don't know if it's a good idea to be this greed.
Itinapat ko ang pangil ko sa kaniyang leeg. Walang pag-aalinlangan ay mabilis kong binaon sa kaniya iyon. Hindi ganoon kasarap ang kaniyang dugo pero pwede na rin pantawid sa natutuyo kong lalamunan.
Napakapit ako sa kaniya nang mahigpit. I was searching for more. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko't kamuntik ko nang mabali ang leeg niya.
"Jas, tama na 'yan. Mapapatay mo si Vincent!" Sigaw ni Sebastian.
"Hayaan mo siya, Seb. Vincent was her first bloodlust, normal lamang na maging sabik siya sa dugo." Paliwanag ng kambal.
"Pero... Baka mapatay niya si Vincent!"
Naipikit ko ang mga mata ko hanggang tuluyan ko nang pinakawalan si Vincent. Nakita ko kung paano bumagsak ang kaniyang katawan sa lupa. Nagsitalsikan ang mga butil ng dugo sa damo. Napatingin ako sa kamay ko nang pakiramdam ko'y binubuhay ng dugo ni Vincent ang buo kong katawan.
Tinuyo ko ang sulok ng labi ko nang maramdaman ang isang papalapit na estrangherong enerhiya. Mukhang naramdaman din nila iyon kaya mabilis silang naalarma. Hindi iyon tao o witch. It's like, more than that.
"Fck! The croucker is here! Everybody run!" sigaw ni Miss Joanna bago nag-anyong lobo.
"Protect Vincent at all cost!" sigaw ng kambal bago nila binunot isa-isa ang kanilang mga mahahabang baril sa likod.
Pinag-aaralan ko ang mabibilis nilang galaw sa likod ng mga mga kahoy. It has a human size. Tumitingkad ang kanilang balat kapag natatamaan ng sinag ng araw. They're skinny and I see how their beautiful feather hides on their back. They're not human, or lycan that belong in this generation.
Sumugod ang isa sa kanila. Napakabilis niya at halos hindi ko na ito masabayan. Gayoon pa man, his agility does give me a little thrilled. Hindil ko alam kung hindi pa ba sapat ang nainom ko na dugo kay Vincent at tila hindi ko mapigilan na matakam. Napangisi ako nang makita ang dugo na nanalantay sa kaniyang mga ugat. Para iyong isang masarap na halimuyak. Napakasarap iyong tingnan.

BINABASA MO ANG
6969 Corporation
VampirR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...