Chapter 15

58 2 0
                                    

Walang masidlan ang kaba ko sa nangyari kanina. Gahibla na lang talaga at mahuhuli na ako ni Mr. Yvan na pumasok sa kwarto niya kung hindi ko lang naibulong sa hangin ang mahika. Pero si Vincent, ano naman kaya ang ginagawa niya roon? Nasabi ni Sebastian, walang ibang makakapasok doon maliban kay Mr. Yvan. Maging ako nga ay hirap na lusutan ang mga pasikot-sikot na daan makaabot lamang sa library na 'yon. Hindi ka basta-basta makakatuntong sa lumang library ni Mr. Yvan dahil sa mga patibong na nagkalat.

I was curious what happened down there. Kung ano ang ginawa ni Mr Yvan kay Vincent. Pabalik-balik ang paglakad ko sa harap ng salamin. Pinaglaruan ko ang kamay ko.

"Why don't you just calm down. Ako iyong nahihilo sa 'yo."

Halos lumipad ang kaluluwa ko sa pagsulpot na 'yon ng babaeng kamukha ko. I've been hearing her voice, and saw her reflection every time I walk through the glasses where I can see my reflection. But that's not the concern here, paano kung malaman ni Mr Yvan na nawawala ang libro ng propisiya?

"Paano ba ako kakalma, baka kung ano na ang nangyari sa dalawa't baka magpatayan na naman sila. Alam mo namang mainit ang dugo ni Mr Yvan kapag nakikita siya." Paliwanag ko.

"Paanong hindi kukulo ang dugo niya? You're a cheater. Ang masaklap, sa kaibigan niya pa." She summons an apple.

"I'm not a cheater. How dare you call me cheater! Wala naman kaming relasyon ni Mr Yvan. No feeling attach."

"Technically, you have relationship. You're his luna, she's your Alpha. No feeling attach? Who are you trying to fool here? You had sex with him, and we all know that you love it."

"That's not the point here okay!" I said out of frustration. "Baka napaan na si Vincent."

"If you're really worried about him? Bakit hindi mo na lang puntahan?" Pamimilosopo niya.

"I am not allowed to go there! It's forbidden for me to go there. Hindi mo ba ma-gets!?"

"Okay, chill. Bakit hindi mo na lang kaya gamitin ang pagiging witch mo? Use your power to peek at them. Easy." Bigla naman siyang nawala.

I did what she said. I immediately close my eyes and concentrate. Sinubukan kong alalahanin ang daan na pinasukan ko kanina. Naabutan kong nag-uusap silang dalawa. Nakatingin nang seryoso si Mr Yvan kay Vincent.

Yvan walks to the secret door to immediately hide it from the eyes of Vincent. Vincent on the other hand, seems not to bother with what he saw earlier.

"What are you doing here?"

Nilibot lang ni Vincent ang kaniyang mata sa bawat sulok ng silid na para bang may hinahanap ang mga mata nito. "Hindi pa rin pala nagbabago ang lugar na 'to."

Umupo si Mr Yvan sa kaniyang upuan at agad na nagbuklat ng libro. Napansin naman agad ni Vincent ang kaniyang binabasa.

"Are you still looking for cure?"

Lunas? Para saan naman? Sinubukan kong basahin ang libro na binabasa ni Mr Yvan. Pero parang may mahika itong nakapalibot at hindi ko na maaninagan.

"That's none of your business." Tumingin sa kaniya si Mr Yvan. Mahina namang natawa si Vincent.

"You know that I love, Jasmine, right?" Nakita ko kung huminto sa pagbabasa si Mr Yvan.

"Don't you fucking say that to my face, Beta! Baka nakakalimutan mo sino ang pinag-uusapan natin dito?" Nagtiim ang panga ni Mr Yvan.

"Hindi ko naman nakakalimutan kung sino siya. Ano siya at ano ang kaya niyang gawin, at sana ikaw rin, Van."

Nganong ko lang nakita ang mga mata ni Vincent na puno ng poot. Nakakatakot. Ibang-iba siya sa Vincent na nakilala ko. Ano ba ang ginawa ko sa kaniya, bakit bigla naman ata siyang napoot sa akin.

"I remember well, Vincent. I fucking remember everything. I see everything."

Abot-abot ang kaba ko, baka magsalita ito bigla at madulas ang kaniyang dila, masabi niyang bumisita ako doon bitbit ang libro.

There's a tense between the small air coming from their place. Ano ba ang nangyayari sa kanila? Hindi ba magkaibigan sila?

Walang gustong pumutol sa kanilang nagbabagang tinginan. Hanggang sa magsalita ulit si Mr Yvan "By the way, condolence to what happened to your partner and the baby."

Napamurap si Vincent nang sumilay ang makabuluhang ngisi ni Mr Yvan. Sumandal si Mr Yvan sa kaniyang upuan at pinagsiklob ang kaniyang palad. Para bang may pinapahatid si Mr Yvan kung kaya ganoon na lamang kung magbaga ang tingin ni Vincent sa kaniya.

W-what happened to his partner? Akala ko ba ang bata lang ang nawala. Unti-unti ay nangilid ang luha ni Vincent.

I couldn't process the whole conversation they into. Matagal na ba silang may alitan? Bumuhos ang luha sa mata ko. Palagi akong nililigtas ni Vincent, pero kahit kailan ay wala man lang akong kamalay-malay sa pinagdaanan niya.

"I see." Vincent wipes the tears that come from his eyes.

"Why did you kill your partner?" Direktang tanong ni Mr Yvan na kinagulat ko.

Hindi magagawa ni Vincent ang pinaparatang niya. Mas naniniwala pa ako kapag si Mr—

"Because why not? You push me into this way Yvan!" Vincent roar. Napatigil ako sa sinabi na iyon ni Vincent.

"I pushed you?" Natawa si Mr Yvan. "Don't play dumb here, Vincent."

"But why?" I can see the tears that come from Vincent's eyes.

"Why, Yvan? We were best friends, and you know Yuki is like a sister to me. Yuki admitted that the child on her tummy is not mine. I never touch her, and you know that! But why do you need to ravish her future and shoulder me all the guilt you've done?"

Napatakip ako sa bibig ko. Ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit ang nangyari kay Vincent at sa kabiyak niya. Pero, paano nagawa ni Yvan iyon? Nakipagtalik ba talaga siya kay Yuki? Sa kaniya ba talaga ang anak na dinadala ni Yuki? Bawat minuto na pumapatak ay tila kakaba-kaba. Ayaw ko na marinig ang pag-uusap nila, ayaw kong marinig ang katotohanan tungkol sa ginawa ni Yvan kay Yuki.

"You know I never murder her." Pag-amin niya.

"T-tama na Vin," bulong ko na lamang habang sapo ko ang dibdib ko.

"She was depressed...you know she has nothing to run in this world...ako na lamang ang nag-iisang takbuhan niya, Van."

Ngumisi si Mr Yvan. "You, never murder her? Hindi ba ikaw ang nagsabi sa kaniya kung hindi mo naman anak ang dinadala niya, mas mabuti pang magpakamatay na lang siya? She's doing your favor."

Napa-tap ako sa labi ko. Mabilis kong minumat ang mga mata ko. Nanghihina ang tuhod ko't napalubog ako sa sahig. Sinabi ba talaga iyon ni Vincent?

Kahit na nakamulat na ang mga mata ko'y nakikita ko pa rin sila sa silid. "Alam mo ba ang huling sinabi niya bago niya tapusin ang buhay niya? Gusto niyang makita kang malaya mula sa bayan na ito." Vincent continues.

Nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa labi ni Yvan. His demonic laugh echoed around the room.

"Alam mo ba kung bakit ko ginawa iyon? Don't play dumb here, Vincent. You did that to my precious little sister too, right. Do you think I won't find it? O baka gusto mong ipaalaala ko sa iyo kung paano niyo ginahasa ang nag-iisa kong kapatid noong oras na iyon? You put all the blame on innocent people that I have killed with my own hands."

Hindi makapaniwala na napatingin ako kay Mr Yvan. Bakas ang paghihinagpis sa kaniyang mata na tinatakpan niya ng kaniyang galit. May kapatid siya?

Tama ba ang narinig ko? Vincent raped his sister? Hindi ko na alam kung sino ang papanigan sa kanilang dalawa. They're best friend pero bakit sila-sila ang nagkakagatan?

"Akala mo, hindi ko malalaman iyon? Good thing I met your cousin earlier and he slipped to open up about my sister... ahhh, I can feel his flesh running to my skin." Mr Yvan scoff.

"W-what did you do to Philip?"

"Do you want to meet him?" Tumayo si Mr Yvan at sinuklay ang buhok niya. Naglakad siya sa binatana. "And by the way, how's your young brother?" Yvan smirk at him.

"You, monster!"

"Yes, I am Vincent! And this monster turn into this because of what you did to my sister. She was so young and don't deserve to die that way. " Halos mabasag na lahat ng bintana sa galit ni Yvan.

"You deserve all of the pain, Vincent!" Yvan's roar causes me to rush to his room.

Humahangos na dumating ako sa silid-aklatan upang awatin siya. Nadatnan ko ang panibagong mukha ni Yvan. He was so bright. His wings and his body were shining like a diamond. His eyes were tainted with black smoke.

"Mr Yvan!" I mentioned his name pero hindi iyon nakuha ang atensyon niya. Sinubukan kong lumapit sa kanila pero napapalibutan ito ng makakapal na barriers.

Hawak ngayon ni Mr Yvan si Vincent sa leeg. Sa takot ko ay napatawag ako ng armor mula sa lupang kinatatayuan ni Mr Yvan upang basagin ang barriers nito. Hindi ko rin alam kung paano ko nagagawa iyon.

Napatingin sa akin si Mr Yvan na galit na galit. Hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya sa kaibigan niyang malapit nang malagutan nang hininga.

He attacks me with his lightning balls, mabuti na lang at hindi ako natatamaan dahil sa ni-sommon kong si Achelis. Tiningnan ko ang lalaking naka body armor at ngayon ay marami nang tama. Ibinaba ko ang tingin ko sa sugat niyang hawak. Even a creature like him has limit. Maraming black blood ang lumalabas sa sugat niya at hindi ako sigurado kung hanggang kailan niya kayang labanan ang anyo ni Yvan ngayon.

"Achelis." Napatingin sa akin ang binata na halatang iniinda lamang ang sakit dulot nang pagsalo niya sa ibinabato ni Yvan.

"Go back."

"M-my queen." He was shocked.

"I order you, Achelis. Go back and heal your wounds. I can take care of myself."

Matapos na lumuhod sa harapan ko si Achelis ay agad itong nanglaho na parang bola. Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Vincent.

"Mr. Yvan." Malamyos kong tawag sa pangalan niya pero ngumisi lamang ito at tinapon si Vincent. He was fast as f*ck! Parang laruan lang si Vincent na tumatalbog-talbog dahil sa pag-atake ni Yvan. Kung magtagal pa ang pag-atake ni Yvan kay Vincent, baka ay mapatay niya ito.

Alam ko na ngayon saan galing ang galit niya. Dalawang mahahalagang babae ang nawala sa kaniya. He lost me, as will as his little sister and left him alone. Mourning all the pain, chaos, and loneliness.

Mabilis akong humanap ng matulis na bagay at sinugatan ang sarili ko. Agad namang napahinto si Yvan, kinuha naman iyon ni Vincent upang tumakas gamit ang anyo niyang lobo at tumalon.

Mabilis na lumapit sa akin si Yvan. Bawat hakbang niya ay bumabalik ito sa anyo niya. Nang makarating na siya sa harapan ko ay mabilis niyang winasak ang laylayan ng damit ko upang itali sa kamay kong may sugat.

"Now you know my secrets." He chuckles. Mugto ang kaniyang mata na para bang umiiyak ito habang pinapahirapan niya si Vincent.

"Lahat naman tayo may secret." Including me. "Walang sekreto kayang takpan hanggang buhay."

Napaiwas siya nang tingin habang sinusubukan na bawiin ang nangingilid niyang mga luha. "My sister. She's just 15 years old. We born in the same day, but different year." Ngumiti siya na para bang inaalala niya ang kaniyang kapatid.

"Her mother neglected her, and her step-father abuses her since she was young. Kaya naman noong napunta siya sa puder namin ay laking pasalamat niya at nakaramdam siya nang kalayaan. She becomes one of the precious treasure to our family. But... It happened again to her. Wala ako noong nangyari ang pangbababoy ni Vincent at pinsan niya sa kapatid ko. I was sent for the declaration of my father's dethroned. Nang bumalik ako, hindi na siya nagsasalita. Hindi na rin siya makausap. Palagi siyang nagmumukmok sa kaniyang kwarto. Kaya pina-imbestigahan ko iyon. Napag-alaman ko na ilang beses na naulit ang pangbababoy nila sa kapatid ko. Hindi lamang si Vincent ang nagsamantala sa kaniya..."


"St-stop..." Ayaw ko nang marinig. Alam ko kung gaano ito kasakit para kay Mr Yvan.

"Lahat ng myembro noon ng kabinete ng aming ama ay pinagsamantalahan ang kapatid ko. Ako na nga lang ang kaniyang natitirang kasangga niya at taga-protekta ay hindi ko pa nagawa." Bumuhos nang iyak si Mr Yvan.

Napayakap ako sa kaniya bigla. Napaiyak ako dahil sa pinagdaanan niya. Hindi ko lubos maisip na sa likod ng kaniyang demonyo na anyo, ay may nakatagong malaking sugat sa kaniyang puso.

Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko upang mapagaan ang kaniyang loob. Napakabigat ng loob ko para sa kaniya.

"Kung hindi lang sana ako idineklara noon maging Alpha at naiwan siya sa kamay ng mga demonyo na 'yon ay hindi sana... Hindi sana nandito pa rin siya at nagpapatuloy sa kaniyang pangarap na makatulong sa buong Ashvel." Pagpatuloy niya.

"Hindi mo kasalanan iyon, Mr Yvan. Hindi mo kasalanan ang nangyari." I comfort him. Mahina kong hinaplos ang kaniyang likod, habang bumubuhos pa rin ang kaniyang damdamin.

Sa tagal niyang kinimkim ang galit na iyon, hindi na ko nagtataka na hindi iyon masusuklian ng mga luha. Hindi ko lubos maisip kung paano niya natitiis ang lahat ng ito. I salute him for being so brave enough.

"You'll never be alone," I said. I tap his back. Mahigpit ko siyang niyakap. You'll never mourn alone, Mr Yvan. Nandito na ko. Nandito kaming mga kaibigan mo.

Biglang umilaw ang kalangitan dahil sa pagsalubong ng mga fireworks. Pareho kaming napatingin sa labas. Maririnig mo rin mula rito ang kasiyahan sa labas. Naalala kong ngayon ang kaniyang kaarawan.

Humarap ako sa kaniya at tinuyo ang kaniyang luha. "Happy birthday, our Alpha."

6969 CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon