Chapter 12

111 1 0
                                    

Simula na ulit ng klase. Alam kong maraming nangyari sa loob lamang ng ilang buwan na pamamalagi ko sa mundong ito. Marami akong naging kaibigan. Marami rin akong mga alaala na nabuo. Lumuha, tumawa, nainis, naguluhan at higit sa lahat umibig. Dahil dito mas naging malakas ako.

Naglakad na 'ko sa hallway. As usual ay marami na namang titingin sa iyo na para bang kilala nila ang buong pagkatao mo. Hindi na rin naman ito bago. Talamak din naman ang bully kahit saang university ka mapunta, dito pa kaya sa lugar na ang sukatan ay pangil at karahasan?

"Hey bitch!"

Napadaing ako nang hilaan ng kung sino mang babae ang buhok ko papunta sa isang abandonadong building. Halos matanggal ang anit ko sa pwersa na binibigay niya. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin naman siya kaklase. Kulay pula ang kaniyang bagsak na buhok na hanggang leeg, may earrings sa ilong at nakangisi na nakatingin sa akin.

"Let me go!" Sinubukan kong alisin ang kaniyang kamay. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa mga babaeng ito.

"Listen here, chick. Lumayo-layo ka sa Alpha kung ayaw mong buong buhay mong dadalhin ang sakit na hatid namin sayo." She warn. Hinatak niya ang buhok ko hanggang maabut niya ang tainga ko. "Huwag kang ambisyosa. Isa ka lang namang prey. Alam mo kung ano ang ibig sabihin noon? You're just nothing but a piece of shit.

Kaya naman pala may kakaiba sa tingin ng estudyanteng babae noong dumaan ako kanina sa canteen. Hinatid ako kanina ni Yvan gamit ang kotse niya. Hindi ko rin alam kung bakit naisipan niya pa akong ihatid, may driver naman. Hindi lamang iyon dahil pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

Malakas niya akong sinikmuraan hanggang sa pinagtulong-tulongan nila akong tadyakan, habang nasa sahig ako't nakasalampak. Napadaing ako habang iniinda ang sakit sa tiyan ko. Pakiramdam ko nga rin ay mawawala ako sa ulirat ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Napahawak ako sa ulo ko nang makarinig na naman ako ng boses. Ang buong akala ko ay nawala na 'to. "If I were you, I'll burn them."

Why does she always choose violence?

"Violence? Violence na ba ang tawag sa pagtanggol sa sarili natin?" Mahina siyang natawa.

You better shut your mouth now.

"Damn you! Bakit ba hindi ka na lang mamatay!?" Sigaw noong humablot ng buhok ko bago inayos ang buhok. Huminto rin naman 'yong dalawang kasama niya nang huminto ang leader nila.

"Burn them now." Sigaw ulit ng boses sa ulo ko. "Jasmine! Are you going to let them go!? You loser!"

Tiningnan ko ang sarili ko kung nasagutan ba 'ko. Hindi nila ako pwedeng sugatan kundi baka magkakagulo na naman ang buong university. At baka this time hindi na talaga ako makakalabas ng buhay.

Napatingin sila sa akin nang mapansin nilang nakakatayo pa rin ako. Ngumisi ang nasa gitna nila habang naka-cross ang kamay sa dibdib.

"Aba, palaban pala ito Queen, gusto pa ata makatikim ng isa pa—" Biglang tumilapon ang babaeng nagsabi noon nang nakita kong tatadyakan niya ako. Sumugod naman iyong kasama pa. Hanggang sa nangtawag pa nang kasama nila ang kanilang tinatawag na Queen.

"This is perfect to burn them. Walang makakakita sa inyo," sabi ng boses sa utak ko.

Tama siya dahil bigla na lang nila akong kinuyog dito sa abandonadong building, wala rin akong ibang nakita kundi iyong nag-iisang ilaw na patay-sindi hindi kalayuan sa kung saan nila ako kinuyog. Napangisi naman ako bago ko hinawakan ang noo ng babaeng may pula ang buhok. She screams in agony when I buried my nails in her forehead, gumawa iyon na tila maliliit at maiitim na ugat. Hanggang sa kumalat ito papunta sa mga mata niya. She continues screaming but no one can hear her plead. Why? Because I use barriers.

6969 CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon