Chapter 45

205 3 2
                                    

ROSE

Hindi ko maitago ang aking tuwa dahil sa mga nangyari at mangyayari sa buhay ko. Mukha na nga akong tanga na nakangiti habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Tama nga ang kasabihan na “when God closes a door, He opens a window”. Natapos ko nang isulat ang story treatment ko na “Loving You Is Easy”. Ito ang story treatment na pinagtulungan naming gawin ni Erik. Pero after kong gumaling mula sa aking extreme tonsillitis three months ago, naisipan kong magsulat ng isa pang story treatment. At based ito sa relasyon naming dalawa ni Erik.

Akala ko noong una, mahihirapan akong isulat ang kuwento namin. Siyempre, aalalahanin at uungkatin ko ang lahat na mga pangyayari sa aming maikling (Sasabihin ko bang makabuluhan?) relationship. Pero tinuloy ko pa rin ang pagsusulat. May times nga na napapahagikgik ako sa tawa at napapaluha ako sa lungkot habang sinusulat ko ang mga mahahalagang parte ng aming kuwento.

Katulad sa Loving You Is Easy, nahirapan ako sa pagsulat ng climax at lalong-lalo pa ng ending. Ang pinagkaiba lang, may actual heartbreaking experience ako na napaghugutan. O di ba? Hashtag hugot (#whogoat)! Miraculously, I was able to conquer it all. I finished my second story treatment and gave it a title, “Scripted Relationship”.

Agad kong pinadala kay Alex ang rough draft ng Scripted Relationship. Sabi ko pa nga sa kanya, paki-highly recommended ito sa mga executives ng Star Bright Pictures. Magkaibigan naman kaming dalawa. HAHA! Hindi ko naman siya sinuhulan o pinilit, although in the end, sinabihan niya ako na tinatakan niya nga iyon ng ‘Highly Recommended’ nang iabot niya sa mga executives. Natawa at naiyak daw siya noong nabasa niya ang kuwento. Hanggang Skype nga, nagtawanan at nag-iyakan kaming dalawa. Sumama pa si Jane na tuwang-tuwa rin sa kuwentong isinulat ko.

Kung hindi ba naman ako ang suwerte noon, tinawagan ako ng isang staff from a film productions company. STAR CINEMA! Naghinay muna ako noon ng saglit baka kasi hindi totoo at joke time lang iyon. Nang sinabi ng staff na the company’s executives, upon the recommendation of Alex, chose Scripted Relationship to become the next movie of Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pina-hold ko muna ang linya at nagtatalon at nagsisigaw ako sa tuwa. Halos magwala ako sa tuwa! Akala nga nina Daddy at Mommy kung ano ang nangyari. Napag-alaman ko na Ms. Charo Santos remembered me from the birthday celebration ng Mom ni Erik. Nabasa niya ang story treatment ng Scripted Relationship at natuwa siya dahil interesting ang kuwento.

From there, they set a meeting with me together with the director and the writer. Kung hindi pa tapos ang mga kagulat-gulat, si Direk Cathy Garcia-Molina lang naman ang director. Reunion movie daw nila ito since matagal niyang hindi nakatrabaho sina Kathryn at Daniel. Si Ms. Carmi Raymundo naman ang tutulong sa akin sa pagsusulat ng script. (GOSH! I COULD DIE! Yan ang nasabi ko nang makilala ko siya. Nanginginig pa nga ang kamay ko noon.)

The rest is history, ika nga. Nagkaroon ng deal at nagkapirmahan. Two weeks from now, magho-hold ng story conference ang Star Cinema para ipamalita ang susunod na movie ng KathNiel that will be based on the story I wrote.

Bumangon ako sa kama para magsimula nang mag-ayos. Lalabas kasi kami nina Daddy, Mommy, Romeo, Racky at Tita Gina para kumain sa Racks upang i-celebrate ang nalalapit na story conference ng Scripted Relationship.

Unti-unti na ring umayos ang buhay ko. Nakabalik na ako sa law school at binibigyan na ito ng importansya. Ngunit, nagsusulat pa rin ako kapag may time. May mga story concepts na akong naiisip na puwedeng isulat into a full-fledged story treatment. Kaya kung tutuusin, isang selebrasyon ito ng aking muling pagkabuhay!

Hinila ko ang tuwalya kong nakasabit sa upuan. Hindi ko napansin na may nakapatong palang shoebox sa upuan. Nahulog ito at kumalat ang mga laman nito.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon