Chapter 3

426 2 0
                                    

ROSE

Nagising ako sa sinag ng araw. Tumingin sa kisame at naalala ko ang pinag-usapan namin nina Rachel at Lenny. Nakahanap na daw ulit ako ng katapat. Aaminin ko naman na masungit ako. Pero, nabastos ako ng antipatikong Erik na iyon.

Bumangon ako at nag-unat. Papasok pa lang ako ng CR nang biglang may malakas na kumatok sa pintuan ng kuwarto ko.

"BAKIT?!" Mabilis at irritable kong tanong nang buksan ko ang pinto.

"Ang sungit mo naman, Ate. Manghihingi lang ako ng baon," sabi ni Romeo, kapatid ko. Third year Psychology student.

"Sabado ngayon. Bakit ka nanghihingi ng baon?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga si Romeo.

"Ate, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo. May klase na ako kapag Sabado, di ba?" Sambit sa akin ni Romeo. Napaisip ako sandali, at biglang sumagi ang katotohanan sa isip ko.

"Oo nga pala," sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo. Kinuha ko ang pitaka ko at kumuha ng two hundred pesos. "Hayan, 200. Sabado ngayon at half-day ka kaya 200."

"May group project kami, ate. Wala bang dagdag?" Tonong nagmamakaawa ang boses ni Romeo sa akin. Pero may iba ulit akong naalala.

"Hoy! Ipangde-date mo lang ang perang hinihingi mo. Alam ko na araw 'niyo' ngayon. Nakalagay yan sa calendar ko." Tinuro ko ang calendar ko. Nakabilog ng pulang pentel pen ang number "16" at nakalagay na "Monthsery".

"Kaya sige! Pasok na! Mag-aral ng maigi!" sinasabi ko sa kanya habang tinutulak ko sya papalabas ng kuwarto.

"Sige na, Ate. Wala akong pambili ng teddy bear para kay Bea. Sige na."

"MAGBIHIS KA NG TEDDY BEAR! HAPPY MONTHSERY!" Sabay sarado ng kuwarto ko.

Hay naku! Basta para sa girlfriend, lahat na lang ibinigay ng kapatid ko. Kulang na lang yata ibigay niya pati ang buong pagkalalaki niya. Pero, binalaan ko siya na lagot siya sa akin kapag may ginawa siyang masama sa girlfriend niya.

Papasok na ulit ako ng CR nang may kumatok ulit sa pintuan. Sa asar ko, sumugod ako sa pinto at binuksan.

"Ang kulit mo naman, Ro—"

"Ate, hihingi lang po ako ng baon."

Si Racky pala, ang bunso naming kapatid na babae.

"Sorry, Racky. Akala ko kasi ikaw ang Kuya mo. Ang kulit niya kasi."

Hinawakan ko siya sa kanyang pisngi. Sobra kasi ang pag-aalaga ko sa kanya kasi siya rin ang pinaka-vulnerable sa aming magkakapatid. Walang klase si Racky ngayon. Kinausap na naman siya panigurado ni Romeo para makahingi ng dagdag na baon. Alam ni Romeo kasi na hindi ako tatanggi kay Racky.

"Ito oh." Inabot ko sa kanya ang 200. "Sabihin mo sa kuya mo, huwag kang gamitin para makakuha ng pera ha."

"Opo, Ate. Bibigyan ko na lang siya ng 100. Kawawa naman kasi siya," nakangiting sabi sa akin ni Racky saka tumalikod at lumabas sa kuwarto.

Bago ko isara ang pinto, sinigawan ko muna si Romeo.

"Romeo! Huwag ka nang hihingi kay Racky ulit! Last mo na 'yan!" Saka ko sinara ang pinto at dumiretso sa CR para maligo. Narinig kong may sinigaw sa akin si Romeo pero hindi ko na nadinig.

Mga anak kaming tatlo nina Romeo at Racky ng overseas Filipino workers. Parehong nasa Dubai sina Daddy at Mommy. Hindi naman sila dapat mangingibang-bansa kasi may electric repair shop business kami. Sikat na sikat si Daddy noon dahil sa husay niyang magkumpuni ng mga gamit. Pinipilihan pa siya dati pati ng mga malalaking kumpanya sa Makati.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon