Chapter 41

335 3 0
                                    

ROSE

Dalawang araw na akong may sakit. Inatake kasi ang ng Acute Tonsillipharnygitis (Extreme Tonsillitis) pagkatapos naming mag-inuman nina Rachel at Lenny noong isang araw. At least, natabunan kahit papaano ng sakit kong ito ang mas matanding sakit sa aking puso.

Pero sa totoo lang, may mga araw na bigla na lang ako maiiyak dahil nami-miss ko si Erik. Tapos, saka ako hahagulgol kapag naalala ko naman kung paano niya ako iniwan. Napakasakit talaga. Nakatulala ako sa kawalan nang may kumatok sa aking kuwarto.

"Anak," tawag sa akin ni Daddy. "Nandito na ang almusal mo."

Pumasok si Daddy sa kuwarto dala-dala ang isang tray na may lamang isang mangkok ng arroz caldo, tubig at mga gamot. Thankful ako kasi napaka-hands on ni Daddy kapag may sakit kaming magkakapatid. Ayaw niya kasi kaming nagkakasakit. Sinubuan niya ako para makakain at tinulungan niya akong uminom ng gamot.

"Ilang araw na lang, anak," sabi ni Daddy. "Gagaling ka na."

Tumango ako sa kanya.

"Sana ito rin gumaling na." Sabay turo ko sa aking dibdib where my heart is located.

Napangiti sa akin si Daddy habang nilalagay niya sa lapag ang pinagkainan ko.

"Daddy, may time ba sa buhay mo na nasaktan mo si Mommy?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, anak. Hindi ako magsisinungaling o magtatago sa iyo. Kahit naman ngayon, may mga times na nasasaktan ko pa rin siya. Tulad na lang kapag nagagalit ako sa kanya. Nasisigawan ko siya."

"Pero ang sinaktan mo siya dahil iniwan mo siya? Nagawa mo ba yun?"

Nawala ang ngiti ni Daddy at naging seryoso. Nag-isip muna sandal saka siya tumingin sa akin. Lumapit siya nang bahagya sa akin para hawakan ang aking palad. Saka niya sinagot ang tanong ko ng isang pagtango. Napatingin lang ako sa kanya.

"23 years old ata kami noon," simulang kuwento ni Daddy. "Pinagpalit ko siya sa first girlfriend ko noong college. Siyempre nasaktan ang Mommy mo. Nagalit pa nga sa akin ang Lolo mo. Muntik pa akong mabato ng kaserola noong subukan kong humingi ng tawad." Napatawa bahagya si Daddy.

"Paano kayo nagkabalikan?" Tanong ko.

"Mahirap, anak. Noong hindi kami nagtagal ulit ng first girlfriend ko, matagal din akong nag-isip kung babalikan ko pa ang Mommy mo. Iniwan ko na siya, di ba? Nasaktan ko na. Hindi ba ang tanga ko lang? Iniwan ko para sa iba, tapos ako itong babalik-balik sa kanya."

Napatawa ako ng bahagya. Minsan kasi, kuwela mag-kuwento itong si Daddy.

"Pero hindi ko ininda ang hirap, anak. Hindi ako nagpadala sa takot. Pinatunayan ko sa Mommy mo at sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya na nagsisisi ako. Simula noon, binuhos ko ang lahat ng pagmamahal ko sa Mommy."

Ngumiti siya pagkatapos niyang mag-kuwento. Napatingin naman ako sa kawalan.

"Mahala mo naman si Mommy, di ba?" Tanong ko kay Daddy.

"Mahal na mahal ko ang Mommy mo." Sagot ni Daddy with conviction.

"Pero bakit mo pa siya pinagpalit?"

Hindi kaagad sumagot si Daddy. Tiningnan ko siya at nalaman kong napaisip siya sa tanong ko. And then, tumingin siya sa akin.

"Naguluhan lang siguro ako ng kaming magkita ng first girlfriend ko," paliwanag ni Daddy. "Nakalimutan ko na mahal ko ang Mommy mo."

"Nakakalimutan ba iyon?"

"Uhm... Paminsan-minsan. Lalo na kapag malungkot o naguguluhan. O di naman kaya, dahil hindi pa tuluyang nakakalimutan ang nakalipas."

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon