CHAPTER 60
ONE YEAR LATER
ROSE
Hindi na tatanungin kung tumabo sa takilya ang movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Dahil nag-BOX-OFFICE ANG 'SCRIPTED RELATIONSHIP'! Tinalo nito lahat ang mga kasabayang local and international movies. Siyempre, KathNiel iyon. Pero mas natuwa ako dahil nagustuhan ng karamihan ang kuwento.
Did I stop writing? NO! Nagsusulat na ako ng mga story treatment para sa Star Cinema. Yung isang kuwentong sinulat ko, yung 'Loving You Is Easy'? Nai-produce na din into a movie. It was exactly three months after the showing of 'Scripted Relationship' nang gawin itong pelikula ng Star Cinema at Viva Films para sa tambalang James Reid at Nadine Lustre. O, di ba? Dalawang love team na nagbigay-buhay sa mga kuwento ko. And just recently, I was again tapped by Star Cinema to create a story for Enrique Gil and Liza Soberano. Without thinking twice, I said yes. Naman! KathNiel, JaDine at, ngayon naman, LizQuen? Kulang na lang siguro pati John Lloyd-Bea loveteam, gawan ko na rin ng kuwento!
However, I asked one thing from the executives of Star Cinema para sa LizQuen movie. Gusto kong isulat ang story and screenplay kasama si Erik. Sabi ko, it's about time that we write a story together. Iyan din naman ang hiling ko sa kanya matagal na. Pumayag naman sina Ms. Malou since Erik was also a writer for them before. Natuwa ako siyempre kaya sinabi ko kaagad kay Erik.
And you know what? HE SAID YES! Akala ko noong una, hindi papayag si Erik na magsulat. Naalala ko kasing ayaw niyang magsulat dahil sa nangyari sa Dad niya. Pero, ginulat niya ako. Nagtatalon talaga ako sa tuwa na muntik ko pa siyang matulak sa gilid ng Manila Bay (nagde-date kami noon SM MOA By The Bay). I will be writing a love story with my boyfriend!
Nasa school ako ngayon at papatapos pa lang ang Saturday class ko. Civil Procedures. Isang taon pa bago matapos ang aking pag-aaral at sasabak na ako sa Bar Exam afterwards. Kinakabahan ako sa totoo lang. Pero palaging pinapaalala sa akin ni Erik about Step Three: "Push it! Do not settle!" Napapangiti ako everytime na naalala ko iyon.
"Mendoza."
WHAT?! Pag minamalas nga naman! Natawag pa kung kailan wala na akong alam sa dini-discuss namin ngayon. Dahan-dahan akong tumayo at ngumiti sa aming professor. Another Kodak moment in the making, isip ko.
"Ye-yes, si-sir," pautal kong sabi sa aming professor.
"Seems you're mind is not in this class," sabi ng professor namin.
"No, sir," takot kong sagot sa kanya. AYAW KONG MA-BOKYA, SIR!
"Then, let me ask you..."
Napalunok ako bigla habang hinintay ko kung ano ang tanong n gaming professor. Please! Sana something about jurisdiction of the courts na lang. PLEASE!
"Photo studio ka ba?"
HUH?! Anong klaseng tanong naman iyon? Nagtaka ako dahil iyon ang tinanong ng professor namin. "Why, sir?" Tanong ko pabalik.
"Kasi," panimula ng aming professor na mukhang pinipigalang tumawa. "Ang ganda ng ngiti mo kaya gusto kong mapa-develop sa'yo."
Naghiyawan sa tawa ang mga kaklase ko. Napahinga ako ng maluwag at napatawa na rin kasabay nila. Ang professor naman namin, napatawa din. Grabe! Minsan, ang mga professors sa law, may tinatago ring sense of humor.
"Anyway, thank you, Ms. Mendoza. You may take your seat. That's all for today, class. Read Rules..."
Napaupo ako kaagad at napangiti na lamang sa aking sarili dahil sa ginawa na iyon ng professor namin. Naaasar na natutuwa ako. Akala ko talaga, mabo-bokya ako. Buti na lang talaga.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...