Chapter 17

234 2 0
                                    

ROSE

Mula sa NAIA Terminal 3, tinahak namin ni Erik ang EDSA. Saan naman kaya niya ako dadalhin? Well, sabi naman niya, ituturo na niya daw sa aking ang Step Three sa four things to remember in writing a script. Hindi na rin ako makahintay na malaman kung ano ang kanyang third step. Basta, hindi na sa bookstore muna. Tapos na iyon.

Kumanan si Erik sa Quezon Avenue at natanaw naming ang Quezon Memorial Circle. Wala pa rin ako kamuwang-muwang kung saan talaga kami pupunta kaya nag-isip ako habang papalapit kami sa Elliptical Road. Sa Congressional? Puro mga truck lang naman ang naroon. Sa Commonwealth? Puro mga bus at jeep lang naman din ang naroon na kung umarangkada ay akala mo mga hari ng lansangan. Sa Maginhawa? Hindi pa ako gutom! Ayaw ko pang kumain! Magiging bondat na ako kapag kumain pa kamig dalawa.

Sa pag-iisip ko, hindi ko napansin na tumigil na pala sa pagmamaneho si Erik. Nakapark kami ngayon sa...

"Quezon City Circle?"

Ngumiti lang sa akin si Erik at lumabas ng kotse. Lumakad siya papunta sa pintuan ko kung saan pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalok niya ang kaliwang kamay niya at tinulungan akong lumabas. Aba! Gentleman ulit si Erik. May plano ito, isip ko. Parang Nuvali at Tagaytay all over again.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

Hawak ang aking kamay, dinala ako ni Erik papunta sa lugar kung saan nakaparada ang maraming bike. WHAT?! Paano niya nalaman ito?

"Manong!" Sigaw ni Erik sa tagabantay ng mga bike. "Magkano ang arkila ng bike."

"Singkwenta, pogi," sagot ni Manong Tagabantay.

"Isang oras po." Sabay bigay ni Erik ng bayad namin. Pinili niya ang pangdalawahang bike kung saan dalawang tao ang puwedeng pumadyak.

"Erik," tawag ko siya. Gusto ko malaman ang totoo. "Sinabi ba ni Alex sa iyo 'to?"

"Yes. And he told me that you went gaga the last time you were here." Sabi niya sa aking na parang biro pa.

"Nakakaasar ka talaga!" Sabay pinalo ko siya sa kanyang braso.

"What's that for?"

"Ayaw mo pa kasing sabihin sa akin na dito mo ako dadalhin." Pinalo ko ulit siya sa braso. Medyo mahina na nga lang. Tatawa-tawa lang si Erik.

"It won't be a surprise anymore if I did."

"Halika na nga! Na-miss ko 'to."

"I know you did."

Sumakay kami ni Erik sa inarkila niya na bike. Siya ang nasa unahang pedal habang ako ang nasa likuran.

"We'll do it together," sabi sa akin ni Erik habang hinanda ko ang aking sarili. "On my mark, get set, GO!"

Pumadyak ako sabay sa pagpadyak ni Erik. Ngunit, ilang saglit lang ang nakalipas, binilisan ko ang aking pagpadyak kaya hindi kaagad nakasunod si Erik.

"Easy, Rose!" Sigaw ni Erik. "Let's take it slow for a while."

"Wag na! Bilisan na natin!" Sigaw ko kay Erik.

Binilisan ko ang pagpadyak kaya binilisan na rin ni Erik. Dumiretso kami sa iba't ibang daan ng Q.C. Circle pati sa famous MMDA park kung saan may mini-intersection at mini-footbridge pa. Nang makarating kami isang mahabang daan kung saan wala masyadong nagba-bike, sumigaw sa akin si Erik na sinabing:

"Rose! Full speed!"

Tinodo naming dalawa ni Erik ang pagpadyak. Ang bilis namin! Biglang inalis ni Erik ang kamay niya sa bike at ini-stretch niya iyon na parang lumilipad sa hangin. Ginaya ko ang ginawa niya habang tuloy lang sa pagpadyak ang aming mga paa.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon