Chapter 36

182 2 0
                                    

ROSE

“Daddy, Mommy, magpapaalam lang po akong pumunta sa Pangasinan ngayon,” sabi ko. Ito kaagad ang bungad ko sa kanilang dalawa ngayong umaga.

Napatingin sa akin sina Daddy at Mommy. Medyo gulat. Hindi nga nainom ni Daddy ang kape niya.

“Bakit biglaan naman yata?” Tanong ni Daddy sa akin bago niya tinuloy inumin ang kape nito.

“Kailangan ko lang po makipagkita kay Erik,” sagot ko kay Daddy.

“Sa Pangasinan? Bakit? Anong nangyari?” Tanong naman ni Mommy.

“Iyon po ang dahilan kaya ko po siya pupuntahan. Hindi ko po kasi alam kung bakit hindi niya po ako kinakausap. Tingin ko po nasa rest house nila sa Pangasinan si Erik,” sagot ko kay Mommy.

“Nakauwi na pala siya,” singit ni Daddy habang nakatingin sa diyaryong hawak niya.

“Opo.”

“Hindi ka sinabihan?” Tanong ni Mommy.

Hindi ako sumagot. Napabaling sa ibang lugar ang mga mata ko.

“Sige,” biglang sabi ni Daddy sa akin. Napatingin ako sa kanya. “Pero sabihin mo kay Erik, last na ito ha. Ikaw dapat ang pinupuntahan, hindi siya.”

Nakahinga ako nang maluwag at napangiti rin ako. Akala ko kasi hindi nila ako papayagan. Lumapit ako kay Daddy at niyakap siya.

“Yes, Daddy. I know. Thank you po!” Binigyan ko siya ng isang halik sa cheek niya. Napangiti tuloy sa amin si Mommy.

“Masyado mo atang kinukunsinte itong anak mo,” pabirong sabi ni Mommy.

“Hindi naman,” sagot ni Daddy kay Mommy. “Kung hindi din ako pinayagan noon ni Itay, hindi sana kita naging girlfriend noon. Siyempre, gusto kong maging masaya itong si Rosalinda.”

Bigla akong kiniliti ni Daddy. Haha! Feeling bata na naman ako sa harap ng aking ama. Napatawa sa amin si Mommy.

Matapos kong magpaalam kay Daddy at Mommy (of course, with goodbye kisses and all), pumunta na ako sa kotse at tumungo na papuntang Pangasinan. Dala ko ang paper bag na dala ko noong nag-Skype kami ni Erik. Hindi ko naman makakalimutan ang daan papunta sa rest house nila dahil magaling akong makatanda ng mga landmarks.

Nang makarating ako ng Rosales, Pangasinan, nakaramadam ako nang pagkagutom. Kaya nag-pull over ako sa SM Rosales para kumain ng lunch. Kakain na lang ako sa Jollibee para makatipid. Kailangan may pera rin ako pabalik.

Habang kinakain ko ang in-order kong Garlic Peper Beef Meal, inisip ko ang gagawin ko pagdating sa rest house nina Erik. Ano ang una kong gagawin? Sa mga teleserye, may sampalang nagagana kasi hindi sinabi ng bidang lalake sa bidang babae na nakabalik na si lalake sa Pilipinas. ERASE! Hindi naman teleserye ito. Masyadong heavy drama. Ayaw ko rin namang maging aggressive kahit na inis ako kay Erik.

What about light drama? Bakit hindi mo sinabi sa aking nakauwi ka na pala? Wala ba akong karapatan? ERASE! Paano nga ba? Karinyo muna para malaman ko ang totoo? Uhm. Erik, I missed  you. Did you miss me? Uhm. Pwede, pero dapat kasi malaman ko ang dahilan kung bakit hindi niya ako kinakausap kahit man lang sa Viber.

Hindi ko napansing naubos ko na pala ang kinakain ko. Naubos ko na rin ang iced tea na iniinom ko. Umalis na ako ng Jollibee at bumalik sa kotse. Habang papunta na ulit ako sa rest house nila, inisip kong just go with the flow na lang. Kung ano na lang ang una kong maisip, iyon na lang ang gagawin ko. Besides, ang gusto ko lang naman ay makita muli si Erik na nasa maayos na kalagayan.

Nakarating ako sa familiar off-road na papunta sa mala-ranchong rest house nina Erik. Habang dahan-dahan akong sumusuong sa malubak na daan, tiningnan ko ulit ang paper bag na dala ko. Napangiti na lang ako bigla kasi naalala ko ang laman nitong paper bag. Sana matuwa rin si Erik sa laman nito. Well, other than sa supot ng wasabi na ginamit namin sa ‘I Have Never” game, may importanteng laman din ito para kay Erik.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon