Chapter 50

145 6 0
                                        

CHAPTER 50

ROSE

Nagbabasa ako ngayon ng librong nabili ko sa Fully Booked after naming mag-coffee nina Rachel at Lenny. Nagpahinga muna ako sa pagbabasa ng Law on Public Corporations. The book was "The Bet" ni Kim Villanueva. Basahin ko raw ito sabi ni Lenny. Para daw ito sa mga hopeless romantic. Nagtaka nga ako kung bakit niya sinuggest sa akin ang librong ito pero binili ko na rin nonetheless. First few chapters pa lang, nahulog na kaagad ang loob ko sa Taylor-Swift loveteam.

Habang papunta na ako sa Chapter Six, nagulat ako sa malakas na pagkatok sa aking pinto. Nilapag ko muna sa kama ang libro at dumiretso sa pintuan para malaman kung sino ang kumatok. Pagkabukas ko nito, si Daddy kaagad ang tumambad. Mukhang galit.

"Anak, samahan mo kami ng Mommy mo sa The Mall," utos sa akin ni Daddy. Nagtaka ako.

"Huh? Bakit?" Tanong ko kay Daddy.

"Si Racky," mabilis na sagot niya. "Nahuli daw na nagsha-shoplift."

Nanlaki sa gulat ang mga mata ko nang marinig ito.

"ANO?"

"Magbihis ka na. Pupunta tayo sa doon ngayon."

Umalis si Daddy at pumunta sa kuwarto nila ni Mommy. Mabilis naman akong nagbihis nang pang-alis. Habang inaayos ko ang aking sarili, nakaramdaman ako ng kaba dahil sa balita ni Daddy. Si Racky, shoplifter? No way! Masyadong mabait si Racky para makagawa ng ganoong bagay. Hindi niya nga kayang mag-jaywalk kahit na nasa tamang tawiran siya, ang magnakaw pa kaya.

Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso pababa sa living room. Naroon na sina Mommy at Daddy na hinihintay na lang pala ako. Nang handa na kaming lahat, magkasama kaming umalis ng bahay. Dahil nasa car service pa rin ang aming kotse, nag-commute kami papunta sa "The Mall of Pacific".

Pagkarating namin sa "The Mall of Pacific", tumungo kaagad kami sa Mall Administration Office. Bakas sa mukha nina Mommy at Daddy ang matinding pag-aalala. Alam kong pare-pareho kami nang iniisip na hindi magagawa iyon ni Racky.

Nakarating kami sa main lobby ng Mall Administration kung saan nakita naming ang receptionist na abalang nag-aayos ng mukha.

"Nasaan ang Security Office?" Mabilis na tanong ni Daddy sa receptionist. Tinigil ni Ms. Receptionist ang kanyang paglalagay ng eye shadow at tumayo para tumingin sa aming kanan.

"Nakikita niyo po ba ang mga batang iyon?" Tinuro ni Ms. Receptionist ang lugar kung saan may mga naka-school uniform na mga batang babae. Mga high school student.

Hindi ko na hinintay ang mga susunod na sasabihin ni Ms. Receptionist. Dumirteso na ako kaagad sa mga batang babaeng tinuro niya. Habang papalapit ako, napansin kong nagtatawanan sila habang nakatingin sa loob ng pintuan. Doon ko lang din napansin na kapareho ng uniform nila ang uniform ni Racky. Tumigil magtawanan nang makita nila ako. Marahil, mga kaklase ito ni Racky.

"Nasaan ang kapatid-"

Tanong ko sana sa kanila pero naputol ang mga salita ko nang tuminign ako sa loob ng Security Office. Actually, nag-second glance ako. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko sa loob. Naroon si Racky. At kasama niya si Erik na pinapatawa siya at ang mga kaklase niya.

"Anak!" Sigaw kaagad ni Daddy. Di ko napansin na nasa likod ko na pala sila Daddy at Mommy.

"Daddy!" Sigaw din ni Racky saka siya mabilis na tumakbo kay Daddy at Mommy. Niyakap nila Mommy at Daddy si Racky na maayos naman ang itsura. Mukha pa ngang masaya.

Pumasok ako sa Security Office at tumingin hindi kay Racky o kay Mommy at Daddy, kung hindi kay Erik. Nakangiti lang siya sa akin habang nakaupo.

Ngunit, hindi ko na napigilan ang mga sumunod na nangyari. Dali-daling pumasok sa loob ng Security Office si Daddy papunta kay Erik. Galit na galit niyang pinatayo si Erik habang hawak ito sa kanyang collar. NAKU PO, AMA! ISKANDALO!

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon