Author's Thanks!

106 3 0
                                    

April 21, 2015

Hi, Wattpad Reader!

FINALLY! "Scripted Relationship" is complete after kong ma-publish ang last two parts tonight. Actually, the last two parts are more of a denouement dahil ang final chapter talaga dapat ng story na ito ay yung Chapter 59, the Magallanes pagbabalikan nina Rose at Erik.

Maraming salamat! Maraming maraming salamat dahil natapos mong basahin ang aking unang kuwento dito sa Wattpad. Tulad ng sinabi ko sa unang Author's Note ko, sapat na ang tulad mong mambabasa na matapos ang kuwentong ito. Mas nakakataba pa ng aking puso ang magandang comments at mga nagvo-vote ng mga chapters ng aking kuwento. Consolation na marahil kung makaabot ito ng 100K reads (or 1M reads). At the end of everything, I just wanted to share a love story that teaches morals as well. Siyempre, kasama na doon ang mapakilig ka.

Wala na akong iba pang hihilingin pa mula sa iyo, Wattpad Reader, other than to support this story. Kung okay lang po, maari niyo pong i-promote ito sa inyong kapatid, pinsan, kababata, kaibigan, kaaway, kapuso, kapamilya at sa iba pang nagnanais na makabasa ng isang simpleng love story. Lubos ko itong ikatutuwa. Sabi ko nga, gusto ko lang i-share ang love story ng isang love story. Huwag sana kayong magsawang sumuporta sa aking istorya. Tatanawin kong utang na loob ito sa inyo.

Mag-comment din po sana kayo, especially kapag may nakita kayong mali o inconsistent sa aking pagkakasulat. Sa totoo lang, mag-undergo pa rin ito ng editing kahit completed na siya. Siyempre, mas maganda kung maayos mo itong nababasa ayon sa pamantayan ng panitikang Ingles at Filipino. (Napapalalim na ang aking pagsusulat ng wikang Filipino. Haha!)

At dahil gusto kong magpatuloy pa rin ang kuwento na ito, magpo-post ako in the coming days ng mga hidden chapters at deleted scenes para sa inyong entertainment. Parang pelikula ba? Yes! After all, this is a "Scripted Relationship". :)

Hanggang dito na muna, Wattpad Reader. Again, maraming maraming maraming salamat sa pagbabasa!

Lubos na nagpapasalamat,

geniecharlie

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon