Chapter 58

121 5 0
                                        

CHAPTER 58

ROSE

TODAY IS THE BIG DAY! Iyan ang nasa isip ko habang sinusuklay ko ang aking buhok sa harap ng salamin. Ilang oras na lang at magaganap na ang Story Conference para sa susunod na Star Cinema-produced movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla: ang aking story entitled 'Scripted Relationship'. Laking pasalamat ko lang talaga kay Alex. Too bad, hindi ko siya makakasama ngayon sa historic moment ng aking buhay.

Hinanda ko na ang aking bag matapos kong ayusin ang aking buhok. Habang inilalagay ko ang aking iPad sa bag, may kumatok sa pinto at bumukas ang pinto.

"Ready ka na ba, anak?" Tanong ni Daddy habang nasa pintuan.

"Ready na ready na!" Pasigaw kong sagot sa kanya. Well, nadala ako ng sobrang tuwa.

Pumasok si Daddy sa kuwarto at lumapit sa akin.

"Anak," tawag niya sa akin.

Tumigil ako sa aking pag-aayos at tumingin ako kay Daddy. Nakangiti siya. Isang ngiti na madalang kong makita except kapag masaya siya sa aming tatlong magkakapatid. Tumindig ako.

"I'm so proud of you," sabi niya sa akin sabay yakap. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Thank you, Daddy," sagot ko sa kanya pagkabitaw namin sa pagkakayakap habang hinawakan niya ako sa aking braso.

"Proud ako sa'yo hindi lang dahil magiging sikat na writer ka na. Proud ako sa'yo dahil ikaw ang anak namin ng Mommy mo."

Napangiti ako sa kanya. "Daddy, hindi ko naman magagawa ang lahat nang ito kung hindi rin po dahil sa inyo ni Mommy."

Ngumiti muli sa akin sa Daddy bago niya ako niyakap. This time, mas mahigpit pa.

"Ang dalaga ko, writer na," sabi ni Daddy sa akin.

Napuno ng tuwa ang aking damdamin. Si Daddy iyon na sobrang supportive at mahal na mahal kami.

"Halika na," alok ni Daddy after our hugging moment. "Baka ma-late ka pa sa press conference niyo."

"Daddy, story conference po."

"O, hindi ba sa mga ganyan, may mga press press?"

"May point ka, Daddy."

Nagtawanan kaming dalawa. Kinuha ko ang bag ko at sabay kaming lumabas ng kuwarto habang nakaakbay sa isa't isa.


——- O ——-


ROSE

Grabe! Hindi naman ito ang first time kong makapunta sa ABS-CBN pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko na parang magpa- palpitate ako any moment. Tumingin ako kay Mommy na katabi ko ngayon. Ngumiti siya sa akin. Pati si Racky, napangiti.

"Kabado si ate," pabirong sabi sa akin ni Romeo mula sa harapan ng kotse. Napatawa na lang ako. Totoo naman kasi.

Pagka-stop ng kotse namin sa lobby, bumaba kaming lahat except kay Daddy. Hahabol na lang siya after niyang mai-park ang kotse.

Sinamahan kami ng isang staff ng Star Cinema papunta sa kung saan gaganapin ang Story Conference. Galing na ako dito for the contract signing para sa story ko. Pero iba pa rin ang pakiramdam na makakasama ko ang stars ng movie na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang director na si Ms. Cathy Garcia-Molina at ang writer na si Ms. Carmi Raymundo. Isama mo pa ang mga Star Cinema executives at inimbitahang press people.

Nang makarating kami sa opisina ni Ms. Malou Santos, nagkamayan at muli kaming nagkumustahan. Pinakilala ko ang aking pamilya sa kanya. Nakasunod na rin si Daddy sa amin. Ilang sandali pa, dumating naman sina Direk Cathy at si Ms. Carmi. Well, na-meet ko na sila pero ganun pa rin ang aking feeling; I felt so awestruck and surreal pa rin kapag nakikita at nakakausap ko sila. Nakakapanlambot na nakakakaba.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon