Chapter 55

201 4 0
                                    

CHAPTER 55

ROSE

Hindi ko namalayan na nakatulog ako kaagad pagkarating namin ni Racky sa bahay. Nakakapagod naman kasi ang day tour na field trip nila sa Pangasinan. Isama mo pa ang mahabang biyahe papunta ng Pangasinan at pauwi ng Manila.

Inunat ko ang aking katawan pagkagising ko. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa side table para tingnan ang oras. 9:10 AM. Nang ibabalik ko na ulit ang cellphone ko, napansin kong may five messages at three missed calls na nag-register sa phone ko. Nagtaka ako. Sino naman ang maghahanap sa akin ng ganito kaaga?

Binuksan ko ang call log para malaman kung sino ang tumawag. Dalawang missed calls galing kay Rachel, isa naman galing kay Lenny. Aba! Na-miss naman ako bigla ng mga kaibigan ko. Napangiti ako habang inisip ko ito. Sunod kong binuksan ang messages. Apat galing kay Rachel, isa galing kay Lenny. Isa-isa kong binasa ang mga messages mula kay Rachel.


From: Rachel

7:15 AM - Good morning, Bes! :D

7:30 AM - Bes???

8:15 AM - BES??? ANSWER THE PHONE!!!

8:35 AM - TULOG MANTIKA KA NA NAMAN, BES!!!!


Blank face lang ako habang binabasa ko ang medyo O.A. na mga messages ni Rachel. Hindi ba niya alam na galing kami ni Racky sa Pangasinan at pagod na pagod ako? Hay. Anyway, binasa ko muna ang isang message ni Lenny sa akin bago ako mag-reply kay Rachel.


From: Lenny

8:40 AM - BES!!!! HUWAG KANG PAPAYAG KAY RACHEL!!!


Dito na ako nagtaka. Ano na naman ba ang meron sa dalawang ito at bigla silang nagkaganito? At anong ibig sabihin ni Lenny na huwag akong papayag kay Rachel? Ang baliw lang ng mga kaibigan ko.

Bumalik ako sa message thread ni Rachel para mag-reply sa kanya. Tatanungin ko kung ano ba ang problema. Biglang nawala ang screen sa messages at nag-ring ang phone ko. Si Rachel. Pinindot ko kaagad ang 'Accept' para sagutin ito.

"Hello, Bes."

"AT LAST, ROSALINDA!" Sigaw ni Rachel sa akin na may halong saya at relief.

"Ano bang problema, bes?" Tanong ko kaagad sa kanya. "Pareho kayo ni Lenny na tumatawag at nagte-text sa akin-"

"Huwag mo munang pansinin iyon," singit ni Rachel. "Huwag mo muna ring intindihin si Lenny."

"Huh? Bakit?"

"Hayaan mo muna siya. Sasama rin siya sa atin."

Napatigil ako saglit sa sinabi niya. "Sasama saan? May lakad ba tayo ngayon?"

"YES!" Tuwang-tuwang sagot ni Rachel. "Pupunta tayo ng Quezon City Circle. Isasama ko si Rosie."

"What?" Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Mas nagulat pa yata ako sa lugar na pupuntahan namin kaysa sa biglaan naming lakad. "Biglaan naman ata." Sunod kong sinabi.

"Mahirap i-explain. Mamaya ko na lang sasabihin. Basta, kita na lang tayo doon mamaya ha."

"Wait lang, bes," sambit ko sa kanya. "Ano bang meron ngayong araw at naisipan niyo ni Rosie pumunta ng Circle?"

"Ang dami mo naman tanong, Rosalinda. Huwag na maraming tanong. Pumunta ka na lang mamaya ha. Sige, bye!"

"Sanda-" Pero naputol na ang linya ni Rachel. Ni hindi man lang ako hinintay makasagot sa sinabi niya.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon