CHAPTER 57
ROSE
A day before the story conference for 'Scripted Relationship', naisipan namin ni Lenny na tumakbo. This time, sa UP Oval na kami tumakbo. Solid pa rin kay Lenny ang huling takbo namin sa Bonifacio High Street na muntik akong mabundol ng sasakyan. At least daw dito, may runners' lane kaya safe.
Sa aking pangalawang ikot (mas mahaba pala ang tatakbuhin dito kaysa sa High Street), tumigil muna ako sa pagtakbo at nagsimulang maglakad just to catch breath. Nang hiningal pa rin ako, tumigil ako sa sa tapat ng Architecture Building para uminom ng tubig. Kalagitnaan ng aking pag-inom, isang familiar na tao ang tumawag sa akin.
"Rosalinda."
Tumigil ako sa pag-inom at tiningnan kung sino ang tumawag. Laking gulat ko dahil ang tao lang naman na tumawag sa akin ay si Tito Ricky Lee. (Tito na tawag ko sa kanya ngayon!)
"Tito Ricky!" Sigaw ko saka ako pumunta sa kanya sa hagdan ng Architecture building. Niyakap ko siya. Nakalimutan kong basang-basa ako sa pawis kaya bumitaw ako kaagad. Nahiya tuloy ako.
"Sorry po," paumanhin ko sa kanya. "Pawis lang dahil sa pagtakbo."
Napatawa si Tito Ricky. "No problem."
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanya habang pinunasan ko ang pawis sa nook o.
"Nakaupo lang at nagmamatyag. Alam mo naman tayong mga manunulat, mahilig magmatyag sa maraming bagay," sabi ni Tito Ricky sa akin na siya namang nagpangiti sa akin in agreement.
"Madalas po ba kayo dito?"
"Yes. Aside sa dito ako nag-aral noon at nagtuturo ngayon, dito ko rin nakikilala ang iba't ibang mga tao. Sa totoo lang, dito kami nagkakilala ni Erik some years back."
Napatingin ako bigla sa kanya. Hindi naman gulat pero napansin ko lang ang pangalang sinabi niya. Tumingin sa akin si Tito Ricky interestingly.
"Obvious na nabalisa ka sa pangalan pa lang niya," sabay sabi ni Tito Ricky.
"Hindi naman po," sagot ko sa kanya.
"Talaga lang ha," Tito Ricky jokingly said to me. "Halika! Samahan mo akong kumain ng isaw." Biglang alok naman niya sa akin.
"Naku! Huwag na po. Kita mo naman po na nagja-jogging po ako." Paliwanag ko sa kanya.
"Sige na, Rosalinda. Libre ko. Kung hindi ka man kakain, samahan mo na lang muna ako habang nagpapahinga ka." Pangiti niyang sabi sa akin.
Of course, ayaw kong tanggihan si Tito Ricky sa request niya. Kaya pumayag na akong samahan siyang kumain ng isaw.
Pumunta kami sa tindahan ng isaw na nasa tapat ng Architecture building. Bumili ng dalawang stick si Tito Ricky. Ako naman, hindi nakatiis at bumili ng isang stick ng isaw. Sorry! Di ko na-control ang sarili kong bumili.
Habang kumakain kami ng isaw, napag-usapan namin ang tungkol sa pagsusulat ng pelikula. Iba talaga kapag ang kausap mo sa ganitong bagay ay ang mga tulad ni Tito Ricky. Nakaka-inspire siyang tunay. Tapos, bigla niyang pinasok sa usapan na nagkita sila ni Erik sa kasal ni Andrea. Tuwang-tuwa siyang ibalita sa akin iyon habang hindi ko maiwasang huwag intindihin ang sinasabi niya dahil tungkol iyon kay Erik.
Napansin ni Tito Ricky na hindi ko siya pinapakinggan kaya tiningnan niya ako ng diretso.
"Are you listening, Rose?" Tanong niya sa akin habang kumagat siya ng isaw.
"Ah...Eh...Opo," pautal kong sagot sa kanya. Shocks! Obvious!
"Bakit parang ayaw mong pag-usapan si Erik?" Kailangan mo po talagang itanong iyan, Tito Ricky? Bahagyang na-awkward ako.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...