Chapter 28

213 2 0
                                    

ROSE

Tatlong araw na ang nakalipas mula noong lumiad si Erik papuntang New York. Nakakatuwa pa nang mag-send kaagad siya ng text message sa akin pagkalapag sa JFK. Sinabihan niya rin akong huwag mag-text dahil mahal ang kaltas sa akin kapag nag-send ako ng text message sa kanya. Kaya nag-Viber na lang kaming dalawa, salamat sa unlimited mobile data.

Sa unang araw niya, pinadalhan niya ako ng kanyang litrato sa harap ng Empire State Building. Alam niya kasing gustong-gusto kong makapasok doon. Ang get-up niya: heavy sweater and scarf with black shades pa. Guwapo lang talaga ni Erik the New Yorker!

Ngayong gabi, mag-Skype kaming dalawa. Unang beses kaming magkakaroon ng isang Skype conversation kaya naghanap ako sa internet ng mga paraan para hind imaging boring ang aming first-ever long-distance conversation. Alam ko na medyo exaggerated ako pero hindi naman masama kung gawin namin. Kapag routinary o predictable ang pag-uusapan niyo, nakakaburyo din. Inihanda ko ang aking mga gagamitin para sa aming first ever Skype conversation. Nakalagay lahat sa isang paper bag na dala ngayon dito sa kuwarto. Hindi ko muna nilabas ang mga laman.

Bandang 9:00 PM, binuksan ko na ang aking laptop. Alas otso ng umaga sa New York kaya sakto lang sa paggising ni Erik. Nakapag-adjust na rin kaagad ang katawan niya sa oras doon. Pumunta ako sa Skype application at tiningnan kung online na si Erik. Online siya kaya kumonekta na kaagad ako sa kanya.

"Good evening, Gorgie," bungad sa akin ni Erik. Gamit niya ang kanyang iPad. Mabilis kong napansin na parang namamaga ang mga mata niya. At parang pagod na pagod kahit galing lang siya sa pagkakatulog.

"Good morning, Sammy," masayang bati ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin siya. "Bakit namamaga ang mga mata? May sore eyes ka ba?"

"Ah-eh. That's nothing. Maybe the weather." Pautal na paliwanag ni Erik habang pinupunasan ang mga mata niya.

"Kumusta ang weather diyan?" Tanong ko sa kanya.

"It's so, so cold here. My heater is already useless because of the cold." Sabi niya sa akin. Nakapalipot sa buong ulo niya ang kanyang kumot. Mukhang hindi naman siya nasanay sa klima ng US.

"Gusto mo ba ng pampainit?" Tanong ko sa kanya na parang nakakaloko.

Nanlaki ang mga mata ni Erik. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis sa aking tanong.

"What the? Gorgie, it's early in the morning!" Padepensang sambit ni Erik na inalis ang kumot sa ulo niya. Kita na tuloy ang magulo niyang buhok. Alam ko na ang naisip niya sa tanong ko.

"Loko-loko! Hindi natin gagawin ang iniisip mo. Ikaw talaga. Gusto mo pa yata magkaroon tayo ng sex video." Biro ko sa kanya. Nagpakita ng isang nakakalokong ngiti si Erik. ABA! Gusto lang?! Hindi!

"Anyway," pagpapatuloy ko. "Sabi mo sa akin kagabi sa Viber, may wasabi ka diyan sa kuwarto mo, tama?"

"Yes. What about it?" Takang-taka si Erik.

"May wasabi din ako dito!" Sabay nilabas ko ang isang plastic na puno ng wasabi. Pinakita ko iyon sa kanya.

"What are you going to do with that?" Nakakunot-noong tanong niya sa akin.

"Kunin mo na ang wasabi mo diyan," utos ko kay Erik. "We're going to play a little game."

"Game? What game?" Napabangon bigla si Erik na wala pa rin kamuwang-muwang sa mga mangyayari. Nalaman ko nang nakuha ko na ang atensyon niya.

"Familiar ka ba sa game na 'I Have Never'?" Tanong ko sa kanya.

"Should I have?" Balik na tanong niya.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon