Chapter 23

203 2 0
                                    

ROSE

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mga nakapikit na mata. Minulat ko ang aking mga mata, bumangon at nag-unat ng katawan. Kasunod nito ang mabilis na paglabas ng isang ngiti sa aking mukha. Matapos ba naman ng mga nangyari kagabi, sinong babae ang hindi gigising sa isang kakaibang saya? Inaalala ko palang ang mga maliliit na detalya tungkol sa nangyari kagabi sa garden, kinikilig na ako. ANG TAMIS LANG KASI!

Pagkatapos kong maghilamos, lumabas ako ng kuwarto patungo sa veranda nito. Gusto kong makita ang isang magandang tanawin sa umaga na nabanggit sa akin ni Gardo. Tama nga ang sinabi niya. Tanaw mula sa veranda ang buong rancho ng Hacienda Dela Rosa nina Erik pati na rin ang garden kung saan kami nagpunta ni Erik kagabi.

"GORGIE!" Sigaw sa akin na boses ni Erik. Hinanap ko kung saan nanggaling iyon. Nakita ko sa Erik sa may kabayuhan na nakasakay sa isang kabayo. Ngunit, ang pinaka nagpagulat sa akin ay ang topless image ni Erik kung saan kitang-kita ang chest at six-pack abs niya. Wala siyang suot na pang-itaas maliban lang sa tokong at boots. Sa mga sandaling iyon, parang nanonood ang ng isang commercial ng kung anong brand sapatos, t-shirt o alak. Pakiramdam ko tuloy tumalon sa taas ang hormones ko! Hormones?!

"Good morning!" Bati ko sa kanya sabay kaway (pero hindi tulo-laway).

"Good morning too!" Pabalik na bati niya sa akin. "Let's have breakfast."

Ngumiti ako sa kanya bago ako pumasok muli sa kuwarto. Nagpalit ako ng aking suot at inayos ang sarili. Pagkalabas ko ng kuwarto, sinalubong ako ni Tita Nang na inalok na rin akong mag-agahan. Pagkarating naming sa dining area, naroon na si Erik na nakaupo at nakasuot na ng white sando niya. Naupo ako sa tabi ni Erik na nakangiti lang sa akin habang sinusubo ang kaning may tuyo. Probinsyang-probinsya ang agahan namin ngayon dahil sa tuyo, kamatis at sinangag.

"How was your sleep?" Tanong sa akin ni Erik.

"It was great," nakangiti kong sagot sa kanya. "By the way. Salamat kagabi."

Binaba bigla ni Tita Nang ang iniinom niyang baso ng tubig at tumingin sa aming dalawa ni Erik. "Sandali lang. Anong nangyari kagabi?"

"Tita Nang naman!" Mabilis na sagot ni Erik. "Nothing happened! Dinala ko lang siya sa garden kagabi. I showed to her the Tree of Lolo and Lola."

"Ah. Mabuti na ang maliwanag." Lumuwag ang dibdib ni Tita Nang. "Akala ko may nangyari."

"TITA!" Sabay naming sagot sa kanya. Nagkatinginan kami ni Erik at nagngisihan dahil sa reaksyon ni Tita Nang. Kaya iniba na lamang ni Tita Nang ang topic ng usapan.

"Nga pala, Erik. Darating mamayang alas dies ang Mommy mo. Nasa biyahe na daw sila ngayon. Kaya mabuti pa, maghanda na kayo ni Rosalinda para mamayang tanghali."

May naisip ako bigla dahil birthday celebration ito ng mommy ni Erik. "May maitutulong po ba kami ni Erik, Tita Nang?"

"Wala na, iha," malumanay na sagot ni Tita Nang. "Kami na ang bahala. Inaayos na nila ang garden para sa tanghalian mamaya. Bisita ka rito, Rosalinda." Saka siya ngumiti sa akin. "Pero alam mo bang natutuwa ako kapag tinatawag mo akong Tita Nang," dagdag niya.

Natuwa ako sa sinabing iyon ni Tita Nang. Pakiramdam ko tuloy ay parte na ako ng pamilya nina Erik. Tumingin ako kay Erik.

"She rarely become fond of strangers, Rose," paliwanag sa akin ni Erik. "And because she's now fond of you, you are no longer a stranger to her."

"Tama," pagsingit ni Tita Nang. "Hindi talaga katulad noong isa. 'Yong Andrea. Ayaw ko sa kanya sa simula pa lang na naging kayo, Erik."

Doon ko na-conclude na ang tinutukoy nga talaga ni Tita Nang ay si Andrea. Nakaramdam ako ng kaunting yabang. Siyempre, lamang ako kay Andrea na past ni Erik. Ibig sabihin, natalbugan ko ang nakaraan niya. Mas pabor sa akin mostly ng mga tao sa buhay ni Erik. Pero hinay-hinay lang, Rosalinda. Baka lumaki ang ulo mo. Nang buong pagkukumbaba, nagpasalamat ako kay Tita Nang dahil sa pagtanggap niya sa akin.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon