Chapter 10

276 2 0
                                        

ROSE

"Kumusta naman kayo ni Erik?" Tanong sa akin ni Rachel. Kasama namin si Lenny dito sa House of Lasagna sa Greenhills. Na-miss ko kasing kumain ng beef lasagna at garlic bread.

"Ah... Okay lang. Lumalabas-labas kaming dalawa." Sagot ko sabay papak ng isang chicken skin.

"Pansin ko nga," sabad ni Lenny. "Kitang-kita sa mga check-in mo sa Foursquare, sa Swarm at sa FB. Napapadalas. Last week kaya, nasa Tagaytay kayong dalawa."

"Paano mo naman nasabing kasama ko si Erik sa Tagaytay?" Tanong ko kay Lenny. Hindi naman ako nag-check in noong nasa Tagaytay kami ni Erik.

"Nag-post ka kaya ng picture niyong dalawa sa Twitter," sagot ni Lenny. "Ito oh."

Binigay ni Lenny ang iPhone niya. Tumambad sa akin ang pciture namin ni Erik sa Starbucks Tagaytay.

"In-upload ko pala 'yan?" Napatawa na lang ako. Oo nga pala, ginamit ko ang Twitter account ko sa cellphone ni Erik.

"At huwag ka," pagdagdag ni Lenny. "May humigit-kumulang na 400 retweets at tumataginting na 600 favorites lang naman ang tweet mo! Nakalimutan mo yata na isa sa mga most sought-after bachelors 'yang kunwaring boyfriend mo. Mga kahilera ng iba't ibang naggaguwapuhang mga boys from Katipunan at men from Makati."

Wow! Grabe lang talaga ang social media ngayon. Malalaman talaga ang mga nagaganap sa mga importante at sikat na tao in just one upload or post sa mga social networking sites. Isa na doon si Erik na siyang sumikat dahil sa kanilang pamilya at kumpanya. Nakakagulat din ang mga fans, followers, likers at admirers ni Erik. Ang bilis i-trending an gaming picture ni Erik!

"Ano na bang meron sa inyo ni Erik, Rose?" Tanong sa akin ni Rachel. "What's the real score?"

"Gano'n pa rin, besty," diretsong sagot kokay Rachel. "Scripted. Pretend relationship. All for the script, remember? 'Yon ang dahilan kaya kami napapadalas na magkasama."

"Alam na namin 'yon," sabi sa akin ni Lenny habang kumuha siya ng isang garlic bread. "Ang gusto namin malaman ay kung ano ang development diyan sa 'scripted' relationship niyo."

"Development? Meron ba dapat na i-development kung 'scripted' lang naman ang lahat?" Tanong ko sa kanila.

"Anong ibig sabihin nitong mga pictures at paglabas-labas niyo?" Balik na tanong ni Rachel.

"Wala!" Sagot ko sa kanila. "Ano ba kayo, besties? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hanggang scripted lang ang lahat sa amin ni Erik. Malinaw 'yon. Malinaw pa sa sikat ng araw. 'Yong Tagaytay namin, pa-thank you lang niya sa akin kasi inalagaan ko siya noong nagkasakit siya."

Nanlaki ang mga mata nina Rachel at Lenny. Muntik pang mabilaukan si Lenny kaya binigyan ko siya ng isang basong tubig.

"Inalagaan mo siya?" Tanong sa akin ni Rachel. "You stayed with him na?"

"By chance lang naman. Mga two weeks ago."

"Bakit mo naman ginawa 'yon?" Tanong ni Lenny after maging maayos ang pakiramdam niya.

Ikinuwento ko ang desisyon kong linawin kay Erik ang aming deal pagkatapos naming mag-usap ni Rachel. Tinuloy ko iyon sa nadatnan kong itsura ng condo unit ni Erik pagkarating ko roon, pati na rin ang pagkakaroon niya ng lagnat. Natahamik sina Rachel at Lenny. Nagkatinginan. Alam ko ang mga tingin na iyon.

"Walang nangyari kung iyang man ang iniisip niyo," dagdag kong sinabi sa kanila na nakaturo ang aking hintuturo sa kanila."Good girl ako."

"Bakit naging defensive ka bigla?" Pabirong tanong ni Rachel.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon