Chapter 35

180 2 0
                                    

ROSE

Two weeks na nang huli kaming nag-usap ni Erik. Hindi siya online sa Facebook, wala siyang new pictures sa Instagram, hindi naman siya madalas sa Twitter, at offline siya palagi sa Skype. Sa dalawang linggo na nasa New York siya, dalawang beses lang kaming nagkausap. Seen-zoned nga rin ako sa Viber. Nagtaka na tuloy ako kung anong ganap sa kanya.

Ngunit, hinayaan ko muna siya. Kailangan niyang paghandaan ang pagiging Senior Vice President ng kumpanya nila. Kaya kailangan niyang mag-focus. Siyempre, yun lang ang maitutulong ko ngayon habang nasa ibang bansa siya. Ayaw kong maging sagabal sa paghahanda niya sa mahalagang posisyon na iyon. Besides, girlfriend ako, hindi niya nanay.

Sa two weeks na ring iyon, natapos ko ang 90% ng story treatment na ginagawa ko. Kinikilig ako everytime na binabasa ko ulit ang mga events leading to the climax. Sa totoo lang, hindi ko magagawa ang lahat nang ito kung wala si Erik, my helper, my mentor, my boyfriend, my love. Everyday, pinapadalhan ko siya ng e-mail. Nilalagay ko ang mga developments sa story ko. I don't know, nasanay lang siguro ako sa trabaho na kailangan through e-mail ang communication sa mga ganitong bagay. And of course, may mga post-scipts ako sa kanya. Sana nga lang nababasa niya rin ang mga ito. Kahit sa e-mail, wala siyang reply.

Lumipas ang dalawang linggo at isang araw, nakaupo ako ngayon sa Starbucks while drinking my favorite White Chocolate Mocha with Hazelnut Syrup. Nakatulala habang iniisip kung ano ang magandang resolution sa climax ng story. Grabe kasi! Kailangan talagang pagdaan ang sakit para alamin kung ano ang solusyon. Suddenly, naisip ko si Erik.

Nasaan na nga ba siya ngayon? Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit sa kanya dahil hindi na siya nagpaparamdam kahit isang beses man lang. Paano ba dapat? Instinct tells me dapat magalit ako. Pero my conscience tells me na hinay lang, baka busy lang talaga.

Ano ba iyan? Nawala ako sa pag-iisip ng magandang storyline at napunta na kay Erik. Huminga ako nang malalim saka ko ito binuga nang dahan-dahan. I've decoded: pupunta ako sa office nina Erik. Baka naman kasi nandun na siya, hindi lang niya sinasabi kasi may surprise siya. Hindi man lang siya nagsabi sa akin. Natural! Baka nga may surprise, di ba? Utak natin, Rose. Nasaan? Haha!

Inayos ko na ang mga gamit ko at inubos ang natitirang laman ng kapeng iniinom ko. Mamaya ko na lang itutuloy ang sinusulat kong story. Pagkaligpit ko, nagpaalam ako sa mga kakilala kong barista (dahil madalas na ako dito tumatambay) at dumirteso sa kotse para puntahan ang opisina nina Erik.

Pagkatapos kong i-park ang kotse, tumungo na ako sa building ng opisina nina Erik. Sumakay ako sa elevator at pinindut ang floor nila. Pagkarating ko doon, lumakad ako papuntang reception. Nang tatanungin ko na sana ang receptionist kung nasaan si Erik, may pamilyar na boses ng babae akong narinig:

"Rose." Tawag sa akin ni Tita Evangeline.

"Tita!" Almost shout ang pagkakatawag ko sa kanya. Nilapitan ko siya at niyakap. "Hello po."

"What brings you here, iha?" Tanong niya sa akin.

"Actually, si Erik po," sagot ko. Napansin kong parang naging curious ang tingin ni TIta Evangeline. "Dalawang linggo at isang araw na po kasi kaming hindi nakakapag-usap. Wala po siyang sagot sa mga e-mails at messages ko. Kumusta po ba siya?"

"He didn't tell you? He arrived here in Manila two days ago."

Napatigil ako. Nawala ang ngiti sa mukha ko at pakiramdam kong umaakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Kulang na nga lang manggalaiti at manginig ako dahil pinipigilan kong makaramdam ng galit. NAKAUWI NA PALA ANG MOKONG NA IYON, HINDI MAN LANG NAGSABI! MAY SURPRISE PA NAMAN SANA AKO KAPAG NAKAUWI NA SIYA!

"Obviously, he didn't." Pagpatuloy ni Tita Evangeline nang mapansin niyang hindi ako sumagot.

"Nandito po ba siya sa opisina?" Tanong ko kay Tita Evangeline while letting out a forced smile. Yung hindi halata na nagagalit ako kay Erik ngayon.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon